Special Chapter 6

14.7K 268 28
                                    

Liana's P. O. V

Hawak-hawak ko ang aking malaki na tiyan. Para nga akong naka-lunok ng pinag-isang apat na pakwan eh. Hindi na talaga makaka-ST ang bwisit na lalaki na 'yon! Buti sana kung isa lang ang anak na nasa tiyan ko eh pero hindi! APAT! APAT na bata ang nasa sinapupunan ko ngayon!

Nasa sala ako ngayon habang pinapanood si Barbie. Ayaw ko na ng Hello Kitty eh. Gusto ko ng Barbie para masaya. 😂😂 Bumukas ang pintuan at pumasok naman si John.

"Yo! Liana! Musta ang aking mga ka-tropa?" Tanong niya. Ka-Tropa? basagin ko kaya ulo ng lalaking ito 'no?!

"Ito na sa tiyan. tinatadyakan ang tiyan ko dahil naramdaman nila ang prisensiya mo, ayaw nila sa'yo" Sagot ko sa kanya. Hinawakan niya naman ang kaniyang dibdib na wari'y nasaktan sa sinabi ko.

"Grabe ka naman Liana! Hmmmph! 'di na kita bati!" sigaw niya.

"Eh 'di wow. Paki ko sa'yo?" Pagtataray ko sa kanya. Tumalikod siya at naglakad papalayo.

Hinawakan ko ang ibaba ng tiyan ko at tumayo ng dahan-dahan. Pumunta ako sa kuwarto namin ng baby ko Zion. Nakita ko si Zion na naka-upo sa may desk niya at pumipirma na naman ng mga papeles. Ano pa ba ang bago sa lalak------

*Trrrrrrrrrccccccccckkkkkkkk!*

Napa-tingin ako sa ibaba ko at nakita ko na may tumutulong tubig sa may binti ko, kahit anong pigil ko sa paglag-lag ng tubig ay hindi ko ma-control.

"Liana? Bakit diyan ka umuhi?" Naiinis na tanong sa akin ni Zion.

Napa-hawak ako sa tiyan ko. Pumutok na ang panubigan ko!

"Manganganak na ako Zion" Kalmadong saad ko. Hindi naman ako nagpapanic pa dahil hindi pa naman masyadong masakit.

"M-Manga-nganak k-ka na?" Nagtatakang tanong sa akin ni Zion.

"ANO BA! HUWAG KA NGANG TUMANGA DIYAN! GUSTO MO BANG MANGANAK AKO DITO SA SAHIG AA?!" Sigaw ko sa kanya.

"R-Right, kukunin ko lang ang s-susi ko" saad niya at natatarantang kinukuha ang susi sa drawer niya, kung hindi lang ako manganganak baka humagalpak na ako sa kakatawa dahil sa pagmumukha ni Zion.

Bigla namang Bumukas ang pintuan at niluwa no'n sina Fire, Traves, John, Lian, Liam, Irish, Timothy, at si Charmaine.

"Anong nangyayari?" Tanong ni John.

"MANGANGANAK NA AKO!" Napa-face palm ako sa sinigaw ni Zion.

"Este ang asawa ko pala kaya dali! Sh*t! Hindi ko mahanap ang susi ng kotse! Kotse mo na lang Lian dali!" saad ni Zion at kinarga ako ng bridal style.

Lumabas kami ng kuwarto at dumiretso na sa garahe, binuksan ni Lian ang kaniyang kotse. At tumunog naman bigla ang isang kanta na pinaka gusto ko.

*I'm a Barbie girl in a Barbie world~
The life in plastic it's fantastic you can brush my hair
Undress me Everywhere~*

Bungad ng kanta, pinaharurot kaagad ni Lian ang kotse at pumunta na sa Hospital, tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng aking panubigan, ano ba 'yan? Bakit ganito? Habang nagmamaneho si Lian ay unti-unti na lang ang pag-agos ng tubig sa ano ko at unti-unti na ring sumasakit ang tiyan ko, napa-hawak na lang ako sa buhok ni Zion at hinila ito ng ubod lakas, Graaaaaaaaa! Nanggigigil ako bwisit! Nanggigigil ako ng sobra.
"HINDING-HINDI KA NA TALAGA MAKAKA-ST ZION REID ITAGA MO SA BATO! HINDING-HINDI NA! ARRRRGGGHHHHH!" sigaw ko, tumigil ang kotse at bumaba na sila, binuhat ulit ako ni Zion ng bridal style at inalabas ng kotse.

Inihiga ako ni Zion sa hospital bed at itinulak 'yon papuntang emergency room. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang doktor na lalaki. Nanlaki naman ang mga mata ni Zion no'ng nakita niya kung sino ang pumasok. "Are you the doctor?" Tanong niya tumango na lang 'yong doctor. Nagulat naman ako nang bigla niyang sinuntok ang doktor na 'yon. "Traves, get a girl doctor" tumango naman si Lian at lumabas na kasama na rin ang lalaking doctor.

"Bakit mo naman pinalabas 'yong doctor na 'yon?" Naiinis na pahayag ko habang mahigpit na kumakapit sa bakal ng kama.
"I don't want that doctor to see your vag-" pinutol ko ang pagsasalita niya. "ANO BA ZION! KITANG MANGANGANAK NA 'KO EH!" sigaw ko sa kaniya at bigla niya naman akong hinawakan sa kamay. "Okay baby ko, inhale, exhale, inhal-" "ZION SOBRANG SAKIT NG BUONG KATAWAN KO HUWAG MO AKONG HAWAKAN!" Hisik ko at tinanggal niya naman ang kaniyang kamay sa akin.

Bumukas naman ang pintuan at pumasok naman ang doctor na babae. "Maaari po bang umalis muna kayo except lang si Mr. Reid?" Paki-usap ng doktora, tumango naman silang lahat at umalis na ng kuwartong 'yon. Umupo naman si Zion sa tabi ko.
Pina-suot ako ng doctora ng hospital dress, pumasok naman ang mga nurse para tulungan akong magbihis. Ang sakit-sakit talaga ng katawan ko! Parang maiiyak na ako.

"Huwag po kayong iiyak mommy, makakasama po 'yan sa mga babies ninyo" saad ng doctora, tumango na lang ako at humiga na. Tiningnan ko si Zion kung anong itsura niya, para siyang natatae na ewan ≧▽≦. Ibinuka naman ng doctora ang mga binti ko at nilagyan ako ng kumot na kulay green. "Huminga po kayo ng malalim" saad ng doctora, tumango naman ako at huminga ng malalim. "Sabay ire po" saad niya. Umire ako ng umire, pati yung buhok ni Zion nahihila ko na sa sobrang sakit.

**

Lumabas ang huling bata sa sinapupunan ko, habol-habol ko ang aking hininga. Inilagay nila ang mga bata sa ibabaw ng tiyan ko. Ang cucute nila, ang cucute. "Ano pong ipapangalan niyo po sa kanila?" Tanong ng nurse. "First baby: Xavier Reid, Second: Lance Reid, Third: Brixx Reid and Fourth: Jazelle Reid" Saad namin ni Zion. Ngumiti siya sa akin. Dahil sa panghihina ko ay biglang nagsara ang aking paningin at everything went black.


Sweet But Heartless  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon