Chapter 1 - His new secretary

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bumaba ka na rito sa bus or else I'll call the police." sabi niya naman kaya bumaba na rin sa next stop yung manyak na yun.




Ang galing niya mag-english. Ang cool niyang tignan. Wala ng ibang nagreregister sa utak ko, kung hindi ang pagkakaakbay niya sakin at ang pagtatanggol niya sakin.




Parang tinamaan agad ako sakanya. Na-love at first sight ata ako.




"Okay ka lang ba, miss?" tanong niya sakin na nagpabalik sa ulirat ko.




"Ah oo, okay lang ako." ngumiti ako sakanya in awkward way. "Salamat pala." nakangiti kong sambit ulit.




"Wala yun." sabi niya atsaka ngumiti. Shems! Parang nalaglag ang panty ko sa ngiti niya.




Natauhan ako ng magsalita ang konduktor na malapit na sa next stop, yung stop kung saan ako bababa.




Hays! First and last meeting namin ni baby boy.




Ano ba naman tong pinagsasabi ko. Nakakahiya!




Pero ayun na nga, sayang talaga.




Di na ako tumingin sakanya bago ako bumaba baka di na ako bumaba at sumama nalang ako sakanya eh.




Kaya lang nagulat ako ng may biglang magsalita sa gilid ko.




"Oh?! Parehas tayo ng binabaan?" tanong niya sakin




"Ay oo nga." kinikilig na sagot ko naman




"San ba punta mo?" tanong niya sakin




"Nako, magtatrabaho kasi ako rito."




"Saan? Baka parehas pala tayo ng company?" tanong niya naman sakin. Manliligaw ba siya? Kinikilig naman ako!




"Sa 'Diamond Magazine.'" nakangiti kong sagot naman




"Diamond magazine?! Oh?! Same pala tayo eh. Tara na." nakangiti niyang sambit




Pagpasok naman namin sa Diamond Magazine ay nagulat ako ng may lumapit na babae sa lalaking kasama ko.




"Sir, ngayon po darating ang new secretary mo." nakangiting sambit ng babae




"Ah ganun ba? Sige, punta na ako sa office ko." nakangiti niyang sambit dun sa babae, tumingin naman siya sakin tsaka ako nginitian. Secretary? Wow, big time naman pala ata siya rito. May secretary eh. Baka 2nd siya sa mataas or baka manager?




Lumapit naman ako dun sa babae atsaka nagtanong.




"Miss, ako po pala yung bagong secretary ng CEO rito. San po ako pupunta?" tanong ko




"Ay this way Miss?"




"Gamboa." sagot ko




"Okay, this way Ms. Gamboa." sambit niya naman atsaka ako inihatid sa isang elevator na parang espesyal ang dating.




"Iisa lang ang floor na pwede mo pindutin diyan and that's located at the top of the building. The 20th floor, pagpasok mo may desk dun, yun ang table mo and may katapat na door yun which is the office of our CEO. Katok ka nalang pagdating mo kasi he's expecting you." nakangiting sambit niya sakin




"Thank you." nakangiti kong sambit




Nagsarado na ang pinto ng elevator at umakyat na rin ito hanggang sa 20th floor.




Pagkarating sa 20th floor ay nakita ko kaagad ang magandang ambiance sa lugar kung saan nandun din ang desk ko. Nilapag ko lang ang bag ko dun atsaka kumatok sa pintuan na katapat nun. Kung saan yung opisina ng CEO.




"Come in." sabi ng isang pamilyar na boses.




Pagpasok ko ay nakatalikod siya sakin. Nakatayo at nakatingin sa bintana. Pero halos malaglag ang puso ko ng makita kong ang lalaking nasa harap ko ay ang lalaking kaninang nagligtas saakin sa bus mula sa manyak na lalaki at ang lalaking ubod ng gwapo na mukang nalove at first sight ako.




"I---ikaw po ang CEO ng diamond magazine?" gulat na tanong ko




"Ako nga, bakit?" nakangiting tanong niya sakin




"Pero bakit di mo po sinabi agad sakin?"




"Wala lang. Atsaka di naman kailangan ibroadcast na CEO ako. Ano naman diba? Para galangin ako? I'd rather earn my respect sa taong nakapaligid sakin even without that CEO title. Minsan kasi nirerespeto lang tayo kasi mataas ang posisyon natin sa kompanya o di kaya naman ay dahil mayaman ka. Atsaka di mo naman ako pinahiya or what, so wag ka matakot." nakangiting sambit niya. Shems! Ang bait niya at ang smart smart pa! Hala. Nakakainlove talaga.




May girlfriend na kaya si sir? Omg!




"So i'll call you nalang sa desk mo if I need anything or help. Thank you." nakangiting sambit niya sakin




"Sige sir." nakangiting sambit ko




"Oh by the way, my old secretaries don't call me sir. Just call me Ethan, since dalawa lang naman tayo rito. I hate it when people who's same age as mine calls me Ethan. Yun lang."




"Sige po, Ethan." ngumiti ako sakanya bago tuluyang lumabas sa opisina niya.




Omg! Ang pogi pogi niya talaga. Ang ganda ng mga ngiti niya. Nakakasilaw ang kanyang mga mata. Shems. Nakakainlove talaga. Kaya lang baka may girlfriend na. Sa gwapong yun ba naman, walang girlfriend.




Napalingon lingon ako sa paligid ko. Wala nga pala akong kasama sa opisinang ito. Sad life naman! Hahahahaha!




Mag-isa lang pala akong maglalunch ngayong araw. Hays. Wala man lang akong kaooffice mate na pwede kong maging kaclose since ako nga lang mag-isa rito.




Hayaan nalang nga, ang mahalaga may trabaho ako, bonus pa na gwapo ang amo ko. Hahahaha. Thank you Lord sa trabahong ito. Naappreciate ko po!




------

Please Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon