["Kailangan mo nang umuwi."] Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "May pupuntahan pa kami ni Cia e." Pagdadahilan ko at napansin ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin na sa akin si Cia. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya kaya kinilabutan ako.

Ano bang problema ng isang to at bakit napaka-problemado. ["May naghahanap sayo dito sa bahay. Hindi bilang Rage, kundi bilang Supremo."] Kumaway ako kay Cia para lumayo saglit dahil importante ang pag-uusapan kaya nagthumbs up siya. Nang makalayo ako kay Cia ay nagseryoso na ang aura ko. "Sino? Bakit mo pinapasok sa bahay?" Kabadong tanong ko.

Lintek na JV, mamaya bugbugan na naman maabutan ko. Umiiwas na nga ako sa rambulan e, tsk. ["Kasi ano, lintek. Y-yung kapatid ni Cyrus, andito."] Paliwanag niya. Napatigil ako sa paghinga. Tinampal ko ang sarili ko para masiguradong gising ako. T-totoo ba to? Apat na taon ko siyang hinanap. Bakit ngayon lang siya nagpakita?

Celestine's POV

Napatigil ako sa panonood ng Weightlifting Fairy Kim Bok Joo at sumulyap sa may pintuan. Tumaas ang kilay ko nang pumasok si Cia sa loob ng dorm ni Beatrix. Anong ginagawa neto dito? Diba may lakad sila ni Rage? "Akala ko may lakad ka?" Tanong ni Trix habang inaayos ang mga kinalat ni Dana na mga lipstick at foundation. Aba malay ko kay Dana, biglang nagkainteres sa mga pampaganda.

"Pumayag na siya e. Kaso something came up. It's okay, madami pa namang next time." Nakangiti niyang sabi at tumabi sa akin. Nakangiti ako nang nakakaloko habang nakatingin sakanya. "Okay so our future prosecutor is inlove." Tatawa-tawa kong sabi. Nahuli ng tingin ko si Dana na nakatingin nang seryoso kay Ciara. Okay, anong palabas na naman to?

"Yan na nga ba ang sinasabi ko sa mga lalakeng yan e! Confirmed, Cia. May babae yan!" Inis na inis niyang sigaw at kumuha ng wet wipe at pinunasan ang nilagay-lagay niyang foundation sa mukha. "May babae agad?" Pambabara ni Trix at hinampas sa braso si Dana. "Ganyan yung napanood ko dyan sa lapt--sa drama kanina dito sa TV!" Utal-utal niyang sagot kaya tinignan ko siya nang nakakaloko.

"Ikaw ha, nanonood ka narin ng kdrama." Tatawa-tawa kong sabi sakanya. Pft, inis na inis kasi siya dati sa korean dramas dahil ang girly daw. "S-sa TV kaya ako nanood kanina nung drama!" Proud niyang sabi at itinuon ang tingin sa TV.

Nagkatinginan kami ni Trix at palihim na tumawa. Anong drama pinagsasasabi nito e kanina pa Adventure Time ang pinapanood niya sa Cartoon Network HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Kier's POV

Napayakap ako sa sarili ko at umiling-iling habang nakatitig sa babaeng kaharap namin nina Troy at JV. Shet kung alam niyo lang ang kalapastanganang ginawa niya sa akin kanina.

*Flashback*

Kumaripas kami ng takbo ni Troy papunta sa parking lot nang mareceive ang tawag nitong si JV. Lintek, siya ba yung hinahanap ni Rage noon? Napansin ko kasi simula noong mamatay si Cy, lagi nang may hawak na laptop si Rage. Natuto rin siyang mang-hack ng mga systems.

May isang gabi pa nga noon ay nakatulog siya sa table kaya pinakealaman ko ang pinaggagagawa niya. Lintek, nagulat ako nang mahack niya ang system ng NSO. Doon nakalagay ang mga registered names ng mga tao sa bansa. May mga emails rin na nagpa-pop at nagbibigay ng kung anu-anong impormasyon.

Pero napansin kong hindi na siya gaano nagbababad sa kakalaptop simula nang dumating yung apat na babae. Pero nung mga una at pangalawang weeks na pagpapanggap namin, nahuhuli ko parin siyang naghahanap ng kung ano sa laptop hanggang madaling araw.

"Bobo, mamaya kana mag-isip ng kung ano. Tara na sa loob." Banggit ni Troy kaya inunahan ko siyang tumakbo. Pagkaharap ko sa may living room ay isang mahigpit na yakap ang bumungad sa akin kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. "S-supremo." Napakamot ng ulo si JV habang umiiling.

"Uh, hindi siya si Supremo." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at sunod na tinignan ang nagsalitang si Troy. Akmang tatakbo na siya palapit kay Troy pero tinaas niya ang dalawa niyang kamay. "At hindi rin ako si Supremo." Sabi niya. Biglang bumalik sa pagkakaupo yung babae.

Takte, abnormal ba tong isang to? Kinilabutan ako. Lintek, baka magahasa ako nang wala sa oras.

*End of Flashback*

Kumalabog ang screen door sa labas at wala pa sa isang segundo ay nandito na sa harapan namin si Rage. "Ara." Banggit nito. Mabilis pa sa hangin na tumakbo si Ara papunta kay Rage. "Supremo." Banggit nito at hindi na napigilan ang paghagulgol.

--tbc--

A/N: Omg, ano kayang role ni Ara sa buhay ni Rage? Hihihihi. Awat muna sa sweet moments! Thank you so much sa patuloy na pagsuporta! Love you. ❤️

Wanted: Fake GirlfriendsWhere stories live. Discover now