Bakit ba naman sa dinami-daming araw ay ngayon pa talaga ako dadatnan? Tssk.

Nang maihinto ng driver ang minamanehong taxi ay hinablot ko ang buong two hundred sa wallet at nagmamadali na akong lumabas.

Nang makapasok ng convenient store ay agad akong kumuha ng dalawang pack nang sanitary napkin nang paborito kong brand. Nahagip naman ng mata ko ang paborito kong junk foods kaya kumuha ako ng apat na malalaking pack. Hindi ako masyadong mahilig.

Agad ko ding dinala sa counter ang mga kinuha kong items. May nauna na sa aking dalawang nakapila sa counter kaya agad kong binuksan ang aking school bag para kunin ang wallet. Gusto ko kasing pagkadating ko sa counter ay diretso na.

Ngunit bigla akong nagimbal ng makitang wala sa pinaglalagyan kong bulsa sa bag ang hinahanap ko.

What the heck?

Eksakto namang natapos na ang naunang customer kaya iyung nasundan ko na ang nasa counter. Bigla akong nataranta. Kaunti lang ang mga binili ng nasundan ko kaya mabilis lang natapos ang pagbabayad nito sa cashier.

Hindi ako magkaundagaga sa paghalungkat ng laman ng bag ko sa kaba. Pagkalingon ko sa likuran ay nakita kong ang haba na ng pila kaya mas lalo akong kinabahan. Ngunit kahit saang bulsa ng bag ko tingnan ay wala akong wallet na makita. Nanlamig na ang mga kamay ko at butil-bitil na rin ang pawis ko sa noo.

Tsss. Nakakahiya 'to kung sakali.

At ang malas dahil nahagip ng paningin ko sina Yuki at mga kaibigan nitong sina Scarlet, Devine at Carrie na dati ko ring mga kaklase sa St. Anne. Pumipila ang mga ito sa ice cream corner. Potcha naman oh, kung dapuan ka nga naman ng malas nilahat-lahat na.

"Two-hundred fifty po lahat ng binili nyo, miss." sa sobrang taranta ko ay hindi ko na namamalayang na-transact na pala ng cashier ang items na kinuha ko.

   Damn, what shall I do?

Muli kong hinalungkat ang backpack pati bulsa ko sa palda ngunit wala talaga roon ang wallet ko. Paanong nangyari na nawala ko eh nasa bag ko lang naman iyun kanina.

Sandali akong natigilan ng maalala ang taxing sinakyan kanina. Baka nahulog iyung wallet ko pagkatapos kung kumuha ng pamasahe dahil sa sobrang pagmamadali. Shit. At kailan pa ako naging tanga?

"May problema ba, miss?" untag sa akin ng naghihintay na cashier.

Namula ako sa hiya. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nahihiya na rin ako sa mga naghihintay na customer sa pila.

"Two hundred fifty lahat miss." ulit ng cashier na mas lalo lang nagpatindi sa naramdaman kong tensiyon.

   Anong gagawin ko ngayon? Ayokong mapahiya damn it!

"Ate, puwedeng paki-hold muna ng mga binili ko? Magwi-withdraw lang ako, naubusan kasi ako ng cash." nasabi ko nalang sa kawalan ng maidadahilan.

Lalong umilap ang mga mata ko ng makitang napatingin sa direksiyon ko ang grupo ni Yuki.

Panigurado akong ipagkakalat kaagad nila sa St. Anne ang maaring mangyaring kahihiyan sa akin ngayon dito. Lalo pa't medyo mainit-init pa ako ngayon sa eskwelahan dahil sa scandal ko kasama ang kinababaliwan nilang manyakis na iyun.

Mukhang nakikita ko na ang sariling binigyan ng titulong 'ang babaeng walang pambayad sa napkin'. Tsss. Nakakahiya kung saka-sakali. Likas na mga tsismosa pa naman ang mga estudiyante sa St. Anne.

Napabuntunghininga ako ng malalim. I already am and will be really doomed if that happens.

Hindi naman lihim sa paningin ko ang nag-alinlangang mukha ng cashier dahil sa sinabi ko. Mukhang hindi ito naniniwala sa akin. Well, palusot ko lang naman talaga iyun dahil nawala nga ang wallet ko at naroon lahat ng cash pati credit at atm cards ko na ilang linggo pa lang simula ng mapasakamay ko ulit iyun.

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon