"Stefanie tapatin mo nga ako! Boyfriend mo ba ang lalaking yon?"

"ANO?BOYFRIEND!"

Sigaw ko na sabi sa kanya.

"Wag kang sumigaw! Sagutin mo nalang ang tanong ko. Boyfriend mo ba yong lalaki na yon o hindi"

"Sinong bang lalaking yon?kuya alam mo naman na wala akong hilig sa lalaki tapos sabihin mo may boyfriend ako?"

"Ma's mabuti nagkaliwanagan tayo. Pag ikaw nagka boyfriend dapat ipakilala mo kaagad samin para kikilatisin namin sya mula ulo hanggang paa."

"Hahaha asa ka naman na magka boyfriend ako. Wala akong hilig sa lalaki"

"Kahit tomboy ka stef pag pinana ni Kupido yang puso mo di mo talaga mapigilan ang tinatawag na PAG IBIG"

"WOAAAH POTA KUYA NAKAKATINDIG BALAHIDO ANG MGA SINASABI MO."

"Wag kang sumigaw!totoo ang sinasabi ko Stefanie kaya makinig ka sakin pag may nangligaw sayo sabihin mo kaagad sakin maliwanag ba?"

"Potek! Ano bang pinagsasabi mo kuya Sig baliw kana siguro. Tabi nga dyan titingnan ko kung sino ang sinasabi mong bisita ko"

Lumabas ako ng bahay nakita ko si Kuya dean na may kausap na lalaki naka side view ito..

"Kuya Dean "

Sigaw ko saka lumapit ako sa kanya at pinulupot ko ang kamay ko sa braso nya.

"Stef nandito kana pala may bisita ka"

"Bisita! Sino?"

"Ito"

Sabay turo nya sa lalaking kausap nya na naka side view ito at kulay pula ang buhok tapos may shade ito.

Teka parang familiar ito sakin.

Teka parang familiar ito sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon