Chapter 29: Finale

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngayon alam ko na kung bakit, ginawa niya ito para sa pamilya niya, ginawa niya ito para hindi sila mapahamak, pero alam ko na nahihirapan din siya sa ganitong kalagayan niya pero alam ko na matatag si Raphael, katulad ng kapatid niya.

"Patawad Miss Lucy.", sabi niya at yumuko, napansin ko parang may luha na tumulo sa mata niya. Umiiyak siya.

Nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon, alam ko, kaya naiintindihan ko siya, ganun din ang gagawin ko para sa pamilya ko, upang hindi sila mapahamak.

"Wag kang humingi ng tawad Raphael, naiintindihan kita.", sabi ko kanya.

Humarap naman siya sa akin at nakita ko ang mukha niya na basa dahil sa pag-iyak niya, siguro ito ang una kong nakita na umiiyak ang isang lalaki, ganito talaga lahat kapag pamilya na ang pinag-uusapan.

Napatigil kami sa pag-uusap ng makarinig kami ng sabog sa labas.

"Mukhang nandito na sila."

Ethan's POV

Nandito na kami ngayon sa isla kung saan nila dinala si Lucy, ayaw sana nila akong isama pero nagmatigas ako kaya hindi na nila ako pinigilan.

Kasama namin lahat ng mga tauhan namin, pati ni Lucy, kasama din namin ang aming mga pinagkakatiwalaan na tauhan, si Drew, Si Micheal at si Lance.

Kita ko sa mga mata nila na gusto na nilang pumatay, lalo na nang nalaman nila ang kalagayan ni Lucy.

Flashback

"Alam ko kung nasaan si Lucy.", sabi ni Rafael.

Napahinto ako dahil dun, hindi ko alam kung seryoso ba siya dun pero nakita ko sa mukha niya ang seryoso na minsan ko lang din makita.

"Totoo ba yang sinasabi mo Rafael?", sabi ni Lance, medyo may pagbabanta sa boses niya.

"Totoo ang sinasabi ko.", madiin niyang sabi, minsan ko lang makita na ganito si Rafael kaya alam ko na nagsasabi siya ng totoo.

"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan?", tanong naman ni Micheal, medyo okay na kami ni Micheal, okay na din sila ni Drew, kaya magkatabi sila ngayon.

"Sa kakambal ko.", deretsong sabi ni Rafael na napahinto ulit sa akin.

May kakambal siya? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

"May kakambal ka?", tanong ko sa kanya.

"Oo, sorry Ethan, hindi ko nasabi sayo, ayaw kasi ipasabi ng kakambal ko pero alam ko na nagkita na kayo.", sabi niya sa akin.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Nagkita? Kailan?

"Kailan kami nagkita?", tanong ko ulit sa kanya.

"Naalala mo pa ba nung pumunta ka sa bahay last year?", sabi niya at naalala ko ang panahon na yun.

Nagyaya si Rafael na puntahan ko siya sa bahay nila para magpasama sa kanya na pumunta ng Mall, ewan ko ba kung ano ang trip ng mokong na yun, tinotopak na naman.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon