Chapter 37- Airport

Magsimula sa umpisa
                                    

Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya, ngayon ko nararamdaman na magkakalayo na nga talaga kami ng pansamantala. Iniisip ko pa lang na aalis na sya sobrang dami ng mga bagay na mamimiss ko sa kanya. Iisipin ko palang na malalayo siya saken ngayon nanghihina na ako, pero hindi dapat kelangan kong maging matatag. At higit sa lahat ibibigay ko yung buong tiwala ko sa kanya, alam kong mahirap ibigay yun kasi nga malalayo kami sa isa't isa, pero kailangang isugal namin yung dalawa.

Mahirap talaga kung malalayo ka sa taong minamahal mo. Hindi mo sya maalagaan, at kahit gaano mo gustuhin na makasama at makita sya, hindi pwede, kasi nga milya yung layo nyo sa isa't-isa. Buwan o taon ang kailangan mong bilangin upang makasama sya ulit.

Kumalas siya pagkakayakap sa akin, umayos ng pag-upo sa may tabi ko't hinawakan ang dalawang kamay ko at dahan-dahan akong ibinangon sa pagkakahiga. Pinawi niya ang mga luha sa pisngi ko, inalis ang mga hibla ng buhok na dumikit doon. At saka niya inilapit ang katawan niya at inalakbayan ako. "Halika nga," sabi niya at lumapit naman ako na parang nakayakap sa kanya't inihilig ko ang ulo ko sa may balikat niya.

"Always remember that I won't give up on us, kapit lang." sabi pa niya, hinawakan niya ako sa may baba at iniangat ang mukha ko. "I know mahirap ang LDR, pero kakayanin ko to' because I trust in you, I trust and hold onto everything you say .Wala nako mahihiling pa na iba. Kaya stop crying boo...baka mahirapan akong umalis niyan," pabirong sabi pa niya at niyakap niya muli ako't hinalikan sa noo.

Napangiti lang ako sa kanya at ako naman ang humalik sa labi niya at naramdaman ko naman ang pag respond niya dito kaya ganun narin ang ginawa ko.

****

Exactly 1pm ng umalis kami ng bahay nina Drix papuntang airport, 4pm kasi ang flight niya. Kasama ko si Jayme sa paghahatid sa kanya. Hindi kasi makakasama si Louie dahil na rin sa trabaho niya, mabuti nalang at off ang bestfriend ko kaya nasamahan ako.

Andito kami ngayon ni Jayme sa waiting area, pumasok na si Drix para makapag check in, lalabas pa daw siya after check in kaya hinhintay namin siya.

"Ok ka lang ba, bessy?" tanong ng katabi na tila pansin ang pagiging tahimik ko.

Napatingin ako sa kanya. "O-ok lang." tipid kong sagot. Mukha namang hindi nakuntento si Jayme sa isinagot ko kaya muli siyang nagsalita.

Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin.
"Hindi ka ok, halatang-halata bessy. Tingnan mo nga 'yang hitsura mo, daig mo pang iniwanan ng taong di na babalik." sabi pa niya't tinuro pa ang mukha ko.

Napanguso ako at inirapan pa siya. "Kasi naman..." sabi ko at napahinga ako ng malalim. "Alam mo naman na never akong naging prepared sa LDR, kahit anong paghahanda ang gawin ko alam ko eh iiyak at iiyak pa rin ako." naluluha ko na ngang pag amin sa aking bestfriend.

"Ano ka ba, you have to go through the process of getting used to it. Masasanay ka rin. At first few months siguro iiyak ka ng iiyak, pero lilipas rin 'yon, kasi kasama mo naman ako. Parang dati, remember?nakangiting sabi ni Jayme, ayoko ko ng alalahanin pa yung unang beses kong sinubukan ang LDR kasi alam ko sa puso ko na iba ito kesa noon.

"Ngayon pa nga lang naiiyak na ako, paano pa mamaya. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko parang sobrang sakit lang talaga, e." malungkot na tono kong tugon.

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon