CHAPTER 11
Good news mga beshie, three weeks na ako sa VBL, at sa loob ng tatlong linggo na yun ay enenjoy ko naman kahit papano ang trabaho ko. Sino ba naman ang hindi mag e-enjoy kung lagi mong kasabay ang krass mo sa pag kain di ba. Mula sa lunch, at merienda ay ako lang ang lagi nyang kasama. Chinitsismis na nga kami ni Clifford sa department namin na nililigawan nya daw ako. At speaking of that issue ay may pag babanta lang naman si miss Charmel sa akin na wag na wag daw akong mag papalapit, feeling close at mag ala bff kay sir Clifford dahil bawal yun sa VBL. Ang pagkakaalam ko na bawal sa VBL ay ang magkaroon intimate relationship sa kasama mo sa trabaho. Inggeterang surot din talaga tong Charmel na to, akala mo kung sinong presidente ang magsabi na bawal akong magiging close kay Clifford. At speaking na rin, sinabi ko na din kay Clifford about sa sinabi sa akin ni Charmel na bawal daw akong mag pa feeling close sa kanya, at dahil sa sinabi ni Clifford ay natawa lang din ako.
"she's getting jelous" turan ni Clifford sa akin. "alam kong matagal na nya akong gusto, pero di ko sya type. Masyadong pabebe at isa pa sa ayaw ko sa kanya ay gusto nya na sya palagi ang bida, sya palagi ang pinag uusapan at sya palagi ang magaling. Binansagan nga ng ibang empleyado yan na Kris Aquino of VBL."
Kaya hayun, inignore ko nalang ang sinabi ni Charmel sa akin bagkos mas naging close pa ako kay Clifford. Bweist na bwesit nga si Charmel pag nakikita nya kaming magkasama ni Clifford. Confident akong kasama si Clifford dahil wala naman akong nababasag na rules sa VBL. Sabi pa nga ni Clifford sa akin ay hindi naman bawal ang paglapit nya sa akin, lalo na't di ko naman sya ka department. At dagdag nya pa ay every lunch at break time lang naman kami magkasamang dalawa kaya hindi yun nakakasagabal sa work namin. Minsan ko na nga ding natanong kay Clifford bakit sa dinami daming babae na magaganda sa company na to ay ako pa talaga tong chaka na gusto nyang makasama. Natanong ko na din sya kung may gusto ba sya sa akin pero ang gagu tinawanan nya lang ako at sinabihang wag ko daw bigyan ng malisya ang pag lapit nya sa akin. All he want is a friend, yun lang, hanggang dun lang. Kaya nang sinabi nya yun sa akin ay halos sumakit ang heart ko dahil sa mismong crush mo pa maririnig ang katagang 'kaibigan lang ang gusto ko'. Ahhwss, how sad naman this life.
Pero mga beshie, isang gabi ko lang iniyakan si Clifford. Truth iniyakan ko sya, bakit wala namang batas na nagpapabawal iyakan ang crush di ba? after that night mga beshie ay okay na ako. Tanggap ko na din naman mga beshie na hindi naman din talaga magkakagusto si Clifford sa kagaya kong mukhang naglalakad na baso. At manhid na din ang puso ko mga beshie at sanay na akong makipaglaro sa love dahil sa na experience ko kay Drake. Yeah ang gagung yun, may sense din pala ang pagluko nya sa akin, dahil natuto akong umintindi kung ano ang joke at kung ano ang truth pagdating sa love.
At di ko rin na kwento sa inyo mga beshie, sa tatlong linggo kong paglalagi dito sa VBL ay araw-araw akong nagpapakita kay Terrence, alam nyo namang talent ko na ang basagin ang araw nya. Kapag alam kong nasa parking area na ang sasakyan nya ay pumapanhik ako sa fifth floor kung nasaan ang office nya para lang magpakita sa kanya. Kaya hayun halos tatlong linggo din syang bad trip, tatlong linggo na straight days na wala sya sa mood dahil umaga palang ay nag papakita na ako sa kanya. Enjoy na enjoy nga ako mga beshie kapag sinisira ko ang araw nya. Feeling ko kase ay gumaganti na ako sa pag pausok, at pag mura nya sa akin dati sa daan. Kay inam talaga mga beshie mang badtrip ng mga tao ano po!
Mga beshie tungkol pala dun sa audition piece ko sa ilalabas na magazine about sa broken hearted, di pa na approved yun ng panel. Madami kasing nag su-suggest na i seperate nalang na magazine yung gawa ko, madami ding nag su-suggest na sa next issue of magazine nalang daw ilalabas ang isinulat ko. Syempre mga beshie, as writer wala akong magagawa kundi ipag laban ang right ko, pero ang gagang Charmel mga beshie pa bida-bida na naman, ipinaglaban nya sa mga panel na sa next issue nalang ng magazine ilabas yung isinulat ko about sa mga broken hearted. At dahil dun, ay nag decide ang lahat ng panel na next issue nalang ng magazine ilalathala ang gawa ko, sabi pa ng iba ay dagdagan ko daw yung gawa ko para mas bongga dahil bongga daw yung pag kagawa ko. Sabi pa ng iba gawin ko pa daw na mas kapani-paniwala, mas hurt na hurt para mas maka relate ang mga broken hearted sa akda ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)
HumorChaka ako sa kanilang paningin. Mula nang isinilang ako ay tinalikuran na ako ng mundo at puro kamalasan lang ang napunta sa akin. Siguro nung umulan ng kamalasan ay sinalo ka lahat! OO!! ang hirap maging panget! mahirap kapag chaka ka, lahat na ng...