At paanong nangyari yun? Si Isabelle ba talaga ang mate ni Alejandro?

HIndi siya makakapayag. Sh*t talaga, di siya mapakali. Nagpalakad lakad pa siya sa gitna ng hallway.

"We have to go, Rave," sabi ni Kiel pag baba ng cellphone nito. "Susunduin nalang daw tayo nila Dom. Sila na din ang maghahatid sa atin sa airport,"

“Sige.” Binalik na niya sa bulsa ang phone niya.

"Bumaba na tayo. Ok ka na ba?" tanong ni Kiel. Hinawakan nito ang kamay niya. Marahang pinisil.

Saglit siyang napatitig dito. Kitang-kita niya ang pag-alala nito sa kanya. "Everything will be alright, Raven, Don't worry." Sabi pa nito.

Tumango nalang siya. Nangako siya kay Kiel na aalis na sila dito pagkatapos niyang kausapin si Alejandro. Na tatakasan na nila ang lahat.

Pero si Isabelle? Pano na ang kaibigan niya. Kaya ba niyang ipagkatiwala ito kay Pierre?

Nag-aalala di siya kay Raffy. Iiwan na din ba ito ni Kiel?

Saglit siyang natigilan. May naalala siya. “Sandali, Kiel.”

Lumingon ito uli sa kanya. “Yes?”

“Hindi mo ba siya nakilala? Hindi ba si Alejandro ang lalaking yon? Yung nanakit sa inyo noon?” Tanong niya.

Umiling ito. “Hindi ko nakita ang mukha ng gagong yon. Pero sigurado ako, hindi iyon yong kanina,” sagot nito. “Mas matangkad siya. Mas malaki rin ang katawan. At kung siya yon, bakit pa niya kailangan ng hunters? Sa hitsura palang kanina, kayang pumatay yon kahit mag-isa lang,”

Napayuko nalang siya. Kung ganoon sino yon?

“Pero di naman ibig sabihin noon hindi ko na siya papatayin pa, hindi pa nga lang ngayon. Malaki ang kasalanan niya sayo.” Dugtong nito.

“Lalong lalaki ang gulo kapag napatay mo siya. We have laws, Kiel. High Council mismo ang huhunting sayo kapag ginawa mo yon. Ayokong mapahamak ka.”

Niyakap lang siya nito at hinalikan sa noo. “Sige na, hindi na. Wag na ng mag-alala.”

Nadinig niya ang pagtunog uli ng cellphone ni Kiel. Kunot noo nitong sinagot yon.

"Kuya! Nasaan ka!" Si Raffy.

May nadinig siyang mga tunong ng makina ng sasakyan. Tatlo. Dalawang motorsiklo at isang kotse. Malalayo pa ito pero sigurado siyang dito ito pupunta.

Sina Vicky?

"Nasa hotel kami ngayo--"

"Kuya! Yung Karina?! F*ck, umalis na kayo. May nakuha akong info, may mga hunters na papadating diyan!"

"Kiel. Andito na--"

Nabasag ang bintana sa kinatatayuan nila. May bumato ng kung ano. Hindi na niya nakita.

"F*ck!"

Sinipa nito ang isang pinto ng kwarto at mabilis siyang hinila ni Kiel sa loob. Malakas na pagsabog siyang narinig isang segundo matapos nitong isara iyon. Natumba siya malapit sa basag na salamin ng bintana. Napatakip sa tenga.

Ang lakas, sobra. Wala na siyang marinig pagtapos kundi ang matinis na huni sa tenga niya.

Lumapit si Kiel. May mga punit na ang jacket nito. May mga galos na rin. Nabasa niya ang pagbuka ng bibig nito.

'We have to get out of here'

Hindi na siya nakapalag ng mabilis siya nitong hinila sa firescape sa labas ng bintana. Kalawangin na at lumalagnit pero di na niya ito pinansin. Ito nalang paraan para makatakas, Mukang napapalibutan na sila.

Sh*t! Ang bibilis.

Nakita niya ang mga kislap sa mga bakal habang pababa sila. Nakikipagbarilan na rin si Kiel.

Bumagsak na ang isa, natamaan ito ni Kiel sa sintido.

Marami pa itong binaril kanina. Naamoy niya ang halohalong dugo ng mga ito.

Unti-unting nawala na ang matinis na tunog at nakakrinig na siya ng maayos.

Lima nalang pala ang natira. Mga tao. Hunters. Lahat may dalang baril. Semi-automatic. Halos katulad ng baril ni Kiel, may mga silencer din.

"Kiel!" hinila niya pababa ito bago matamaan ng isang bala ng isa sa mga hunter na kasalubong nila.

Silver bullets din?

Pinayuko siya nito at nakipagpalit uli ng putok ng baril. Natamaan naman ang dalawa. Head shot pareho. Dalawa nalang.

"Baba!"

Sumunod na siya dito. Bumunot na rin siya ng baril. Pinuntirya niya ang isang hunter na papalapit na sa kanila. Natamaan niya ito pero hindi napuruhan. Sa binti lang nito tumagos ang bala niya pero nakita niyang napabitaw ito sa hawakan ng bakal na hagdan at nahulog. Dinig pa niya ang pagbali ng mga buto nito ng bumagsak sa sementadong kalsada.

Oh sh*t..

Isa nalang.

"Don't mind it Rave!" Halos itulak na siya nito sa pababa ng hagdan.

Sixth floor.

Nakaramdam siya ang mainit na tumama sa balikat niya.

"T*ngina!" Pinaputukan na ni Kiel ang huling hunter na siyang bumaril sa kanya. Bumulusok na din ito pababa. Natamaan pa ng katawan nito ang isang railings ng fire escape. Nadinig niya ang paglagitnit ng bakal na flatform na kinatatayuan nila. Bahagya itong yumugyog.

"K-Kiel.."

"Hold still."

Bumigay na ito ng tuluyan at nalaglag siya pababa.

Naabot ang ni Kiel ang braso niya bago siya tuluyan bumagsak. Nakahawak ito sa nakausling bakal para di din ito tuluyang mahulog.

Naamoy niya ang dugo. May tama rin ito. Sa kaliwang balikat at sa kamay na nakahawak sa kanya.

"Bitawan mo ako!"

Nakalutang ang mga paa niya sa ere. Mataas pa ang babagsakan niya.

"Sh*t Rave! You'll die down there!"

Alam niya. Pwede niyang ikamatay kung tuluyang siyang mahuhulog. May silver bullet ding nakabaon sa balikat niya. Hindi gagaling agad ang pinsalang makukuha niya pag bumagsak siya.

Pero di rin niya hahayaang mamatay si Kiel. Kaya naman nitong iligtas ang sarili.

"Let me go! Please!" pakiusap niya dito. Namamanhid na ang balikat. Kumakalat na ang lason sa katawan.

Nadinig niya uli ang paglagitnit ng bakal na nihahawakan nito. Malapit na rin itong bumigay. Pinilit niyang kumawala sa kapit nito.

Please! Iligtas mo ang sarili mo!

"Let me go!" Gumamit na siya ng pysch pero hindi parin ito sumunod.

"I'm not giving up, so don't!" sigaw nito. Pilit siya nitong inaangat, lalo lang dumudugo ang sugat nito.

Tuluyan ng bumigay ang bakal na kinakapitan nila.

Parang bumagal ang galaw nang lahat.

Ramdam niya ang pag-ihip malamig na hangin sa paligid. Parang lumulutang lang sila.

Dahan-dahan.

Ganto ba ang pakiramdam pag mamatay na?

Naramdaman niya ang pagyakap ni Kiel sa kanya bago sila bumagsak sa matigas at malamig na semento.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon