"No, I mean... pano nila pinipili yung mga nagiging asawa nila." Tumingin akong muli kay papa.
"Sabi nagpapakasal lamang sila dahil kailangan nila ng magsasalin ng lahi. O kaya pambayad utang, o di naman kaya eh makapag settle down lang."
"Walang love?" Tanong ko, ngumiti si papa.
"Yan din ang tanong ko kay tatay. Tinawanan niya lang ako." Sumimangot siya.
"Po? Bakit naman."
Umiling ito, "Ewan ko ba sa lolo mo. Naisip ko na hindi ako basta mag-aasawa." Natigilan siya bigla. "Mahal ko ang mama mo Ella." Muli niyang sinabi at saka tumingin sa akin. Kinurot niya ako sa pisngi, umiwas lang ako.
"Eh si Tito Steve?"
"Nagpakasal sa babaeng ipinakasal sa kanya ng tatay at nanay... namatay naman kaagad nang maipanganak si Angelo. Nag-asawa ulit, ng isang babaeng nakilala niya sa US nang minsang magtrabaho siya dun." Sagot niya.
"So you're telling me ikaw lang ang na in love sa lahi natin?" Tanong ko sa kanya. Itinigil niya na ang kotse sa tapat ng school. Humarap ito sa akin ng nakangiti.
"Yep! At ikaw din, magmamahal ka din Ella." Kinurot niya ulit ako sa parehong pisngi bago humalik sa noo ko. "Oh, tama na yang kadaldalan mo." Inun-lock ko na ang seat belt ko at biglang yumakap kay papa.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan at nalulungkot ako.
"I love you." Bulong ko. Tumawa ito at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"I love you Ella. Enjoy your day. Ingat."
Bumaba na ako ng sasakyan at nagpaalam sa kanya.
Mantsa. Pag-ibig.
-
Ang bilis natapos ang first half ng klase, puro quizzes at brainstorming ang ginawa ng klase para next week. Ang hirap kasing mag-isip ng idea para sa stall o sa exhibit namin.
Nag suggest ako ng Mirror House, may nag suggest ng Fun House, Horror House. Gypsy trailer (kung saan libre magpakunsulta, tungkol sa personal na problema sa love life, buhay... dream decoder at kung ano ano pang idea.
Tie ang Mirror House ko at ang Gypsy trailer.
Sinabi ng professor namin sa Abnormal Psych na wala namang stranger ang bigla na lang mag-o-open up at magkukwento ng buhay niya sa ilang taong naka gypsy costumes at mga tarot cards.
At sensitive case daw ang mga nightmares, what if daw mali ang pagka decode namin at may ma offend o may maatraso sa readings naming gypsies.
Actually nagustuhan ko yung idea ng Gypsies. Pero gusto niya na pag-isipan pa namin ng maayos kaya on debate padin siya. Deadline na bukas.
Halos magkakasama kami nina Rhian, Charlene na sinundo si Rhian, si Nathalie at ang isa pa naming kaklaseng si Melissa.
"Gusto ko yung gypsy." Biglang sinabi ni Rhian.
"Ako din!" Tugon ng dalawa kong kaklase.
"Gypsy?" Tanong ni Charlene. Agad namang ikinwento ni Rhian ang idea ng block namin para sa Foundation week.
"Eh bakit Mirror House ang naisip mo Ella?" Tanong bigla ni Melissa na ngayon ko lang yata narinig ang boses sa buong buhay ko. Not that I'm paying attention to her.
"Ahm. Ewan ko. Pinipilit ako ni Rhian na mag suggest eh." Paliwanag ko, then gave them an apologetic shrug. Rhian giggled.
"Pero bakit yun ang nasabi mo?" Tahimik na naitanong ni Charlene.
BINABASA MO ANG
Guardian of the Light
RomanceElla is a 17 year old girl living a not-so average life. Growing up has not always been so easy for her. She can practically see and talk to dead people allowing her to lead them to their final end. Here she met Rey, a boy who fell in love with her...
Chapter 7: Unbound
Magsimula sa umpisa