"Magkaibigan lang kami..."

"Ows? Mukha kaya kayong magjowa." Sana nga ganoon na lang kami. Kaso hindi...

Umiling ako. "Sira! Friends lang kami."

"Pero may something kang nararamdaman?"

Boom! Nahuli niya. Nahuli niya ako doon. Ganoon na ba ako kahalata?

"Sabi na nga ba, e. Naku! Friends-friends pa."

"Shut up!" Napipikon kong sabi.

"Kaya naman pala hindi mo matanggihan si kuyang pogi. Magugulat na lang tayo, kontrolado ka na niya."

"Hindi ko hahayaan 'yon."

"Talaga ba? Gaano ka kasigurado? Mahihina ang puso nating mga babae. Pakitaan lang tayo ng mabuti, nangingiti na tayo. Mapatawa lang tayo, mahuhulog na tayo. Magpakita lang ng motibo, mamahalin na natin ng todo. Hindi natin kontrolado ang emosyon natin. Hindi natin hawak ang puso natin."

Hindi na lang ako umimik. Ganoon naman talaga, e. Tama lahat ng sinabi niya. Mahina ako. Mahina ang puso ko.

Hinila ko na lang siya papunta sa bulletin board ng grade 8. Tinignan namin ang resulta ng exam.

Hinanap ko ang pangalan ko at tinignan ang lahat ng score ko sa test. Napasigaw ako dahil sa saya. I passed. Lahat! Naipasa ko lahat!

"Ikaw na, Jev. Pasado mo na lahat."

I winked. "Ako pa ba?"

She laughed. "Tinulungan ka lang ka'mo ni kuyang pogi."

Yeah. I owe him this. Tinulungan niya ako. Tinuruan niya ako. Pero tang ina! Pati puso ko tinuruan niyang magmahal. Tinuruan niya lahat. Pati sistema ko, tinuruan niyang suwayin ako. Pati utak ko, kontrolado na niya, lagi siyang pumapasok sa isip ko. Lagi na lang. Halos mabaliw na ako sa pagmamahal sa kanya. Nakakainis...

I sighed. Hindi dapat ako gaanong magpaapekto sa problema ko. Kung ikukumpara sa ibang tao, simple lang 'to. Love life lang ang problema ko. Maswerte pa nga ako at ito lang ang iniintindi ko. Hindi ko pasan lahat ng problema sa mundo.

Kung hindi pa ako hinila ni Mel palabas ng kumpulan ay hindi ako mababalik sa reyalidad. Reyalidad na hindi niya ako magagawang mahalin din. Reyalidad na hanggang ganito na lang talaga kami...

Nagpupunas siya ng pawis habang hinihila pa ako lalo palayo doon. Maski ako'y pinagpapawisan pero binabalewala ko lang. Abala ako sa pagtatanggal ng buhol sa utak ko. Abala ako sa pagbubuo ng pinal kong desisyon... Mukhang kailangan ko na talagang palayain 'tong nararamdaman ko. Mukhang kailangan ko na talagang mag-move-on.

"Ang init!" Reklamo ni Mel.

"Mel..."

"Yes?" Aniya.

"Paano ba mag-move-on?"

"Ayy! Gaga ka! Magmomove-on ka kaagad? Ni hindi mo pa nga naaamin sa kanya 'yang nararamdaman mo. Ni hindi mo pa nga alam kung parehas ba kayo ng nararamdaman."

Kailangan pa ba n'on? Kailangan ko pa bang umamin? Para ano? Para masaktan lang dahil ipapamukha niya saking ayaw niya sakin? Na hindi kami para sa isa't isa? Ganoon ba? Pride is all I have. Nasa kanya na ang puso at utak ko. Pati sistema ko ata nakokontrol na niya. Kahit pride ko na lang, ililigtas ko. Kahit 'yon na lang.

Hindi na lang ako umimik. Nanatili na lang akong tahimik. Hanggang sa makabaling kami ng room, hindi na ako kumibo pa. Mukhanh naintindihan naman ni Mel ang nararamdaman ko dahil nanatili siyang tahimik.

Maaga kaming dinismiss. Wala pang alas onse ay pinalabas na kami.

Nagpaalam na rin ako kay Mel na hindi muna ako makakasama sa kanya. Kailangan kong mag-isip.

Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko alam kung saan ko ba talaga gustong pumunta. Basta gusto ko lang makapag-isip-isip.

Hindi sinasadyang napadaan ako sa classroom nila Aaron. Mukhang tapos na rin mag-announce ang teacher nila. Nagkakagulo na silang lahat.

Hinanap siya ng mga mata ko. Nakatingin na sa akin ang mga lalaking nagtatambay sa pinto ng classroom nila. Pilit siyang hinanap ng mga mata ko. Hindi ko siya makita.

"Sinong hinahanap mo, Miss?" Hindi na ata nakatiis ng isang lalaki at tinanong na ako.

Ngumiti ako. "Si Aaron Yvares po." Magalang kong sagot.

Nagkatinginan ang mga lalaki sa pinto. Parang may pinag-uusapan sila sa mga tingin nilang iyon. Hinintay kong sumagot sila.

"Miss, tignan mo sa garden. Baka kasama na naman niya 'yong nililigawan niya..."

Nililigawan. See? Wala talaga kayong pag-asa, Jeviva. Gumising ka sa katotohanan na iyon. Itigil mo na 'tong kahibangan mo. Tama na. Masasaktan ka lang.

Tinanguan ko ang mga lalaki. "Salamat, kuya."

Ngumiti lang ang lalaki at tumango rin. Bumalik na siya sa pwesto ng mga kaibigan at may pinag-usapan ulit.

I don't know what to react. I don't know what I'm feeling. Parang kusa na lang akong namanhid. Ganoon ba talaga kapag nasasanay ka na sa sakit? Ganoon ba talaga?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naglakad ako papunta sa garden na sinasabi n'ong lalaki. Ang tanga ko. Ano pa bang gusto mo, Jev? Makita ng harap-harapan na hindi talaga ikaw ang gusto niya? Bullshit! Nasasaktan ka na ng sobra, naghahanap ka ng dagdag?

Mabibigat ang bawat hakbang ko papunta sa garden na 'yon. Laglag ang balikat kong tinignan kung totoo bang nandoon siya.

I saw him. Yeah, It's him. He's with someone. With a girl. With a beautiful girl. May pinag-uusapan sila. Panay ang tawa nilang dalawa. Kung titignan, mukha talaga silang magkasintahan. Mukhang inlove na inlove sila sa isa't isa.

Mariin kong pinikit ang mata ko. Ang sakit. Sobra. Sobrang-sobrang sakit na 'tong nararamdaman ko.

Akala ko hanggang doon na lang ang gusto ko. Akala ko hanggang doon na lang ang mga tangang desisyon ko, hindi pa pala.

Lumapit ako sa kanila. Namataan agad ako ni Aaron. Gulat na gulat siyang nakatingin sa akin.

"Hi." Mahinang-mahina na ang boses ko. "Girlfriend mo?"

Tumayo agad si Aaron. Sinalubong niya ako. Hinawakan niya ako sa magkabila kong braso. Nangingilid na ang luha ko pero buong lakas ko itong pinigilan.

"Tapos na kayo?" Tanong niya.

"Yeah." Tumango ako pero wala sa kanya ang mga mata ko. Nasa babaeng kasama niya kanina. "Pumunta ako sa classroom niyo. Tinanong ko kung nasaan ka. Sabi nila..." Napalunok ako. "Nandito ka daw kasama 'yong nililigawan mo. Nakakainis ka..." Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito? "Bakit hindi mo sinabi na may nililigawan ka pala?"

Seryoso ang mga mata niyang tinignan ako. Walang bakas ng kasiyahan doon. Nakakatawa. Fuck! Tumatawa siya kanina habang iba ang kausap niya. Pero pagdating sakin, seryoso na naman?

"We'll talk later..." Seryosong sabi niya. I just nodded.

Naiiyak na rin ako at gusto ko ng makaalis sa harapan niya.

Pagkatapos kong tumango, tumakbo na agad ako. Tumakbo lang ako ng tumakbo habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.

Damn. It hurts.

Reminiscing[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon