"L-lisa .."- Sabi nito sa kawalan, pero agad na umiling at binuhat ang katawan nito. Nakita naman nyang palapit na dito yung iba pa nyang mga kasama

Halos manglumo ang lahat sa nakita nila at hindi na mapigilan ng mga pinsan ni lisa na mapaiyak sa nakita. Agad naman inalalayan ng iba si kookie na ngayon ay tulala parin.

"Oh my god Lisa!!"- Naiiyak na sigaw ni Jennie at lumapit dito

"Vernon alalayan nyo muna sina jennie, pupunta tayo ng hospital"- Sabi ni taeyong at agad na itinakbo sa malapit na hospital si lisa.

"Doc!!"- Hingal na sigaw ni Taeyong ng makarating sa hospital, agad namang inalalayan ng mga nurse ito at isinakay sa isang kama.

"Ano hong nangyari sa pasyente?"

"Gunshot. Doc! Gawin nyo lahat ng makakaya nyo! Magbabayad ako ng kahit na magkano, Mabuhay lang sya"- Pagmamakaawa ni taeyong dito at agad itong hinarangan.

"Hanggang dito nalang po kayo"- At isinara ang malaking pinto. Napaupo nalang sa sahig si taeyong.

Kasalanan ko lahat 'to! Kung matagal ko na sanang sinabi sa kanya ang lahat edi sana hindi na humatong sa ganito! Sabi nito sa kanyang isipan at agad na sinuntok yung pader.

"Taeyong!"- Napalingo naman ito at nakita yung mga kaibigan nya na tumatakbo papunta sa kanya

"Si lisa? Kamusta na ? Nasan sya ngayon?"- Natatarangtang Tanong sa kanya ni Ten

"Nasa operating room na."

"Ako dapat yung nasa posisyon nya ngayon"- Nabaling naman yung atensyon nila ng magsalita si kookie, lumapit naman dito si taeyong at agad na niyakap.

"Hindi mo kasalanan."- Humiwalay naman ito sa yakap at agad na napaiyak ang binata.

"Namjoon, Yung bunso natin"- Naiiyak na banggit ni jin at agad naman itong niyakap ng kapatid

Makalipas ang ilang oras, lumabas na ang doktor at agad na lumapit sila para tanungin kung ok na si lisa.

"Kamusta na ho sya dok?"- Tanong ni kookie dito, Tinapik tapik naman ng doktor yung balikat nito atsaka nagsalita

"Sa kaso nya ngayon, Hindi lang basta tama ng baril ang natamo nya may mga ilang bugbog at sugat ito kaya nahirapan kaming gamutin ang bawat sugat nito lalo na ang tama nito ng baril na malapit sa spinalcord nya. Iningatan namin ng mabuti ang pagkuha sa mga bala..."

"...Maayos na ang mga sugat nito at pagagaling nalang but the patient is in coma, Antayin nalang natin kung kelan ito magigising"- Nakahinga naman ng maluwag ang iba habang sina kookie at ang iba ay nag aalala dahil sa kalagayan ngayon ni lisa.

"Nasa private room na ang pasyente pwede nyo na syang puntahan"- Nagpasalamat naman sila sa doktor at agad na pinuntahan ang kwarto nya.

______

Jungkook POV

Madaling araw na at gising parin kami hanggang ngayon, nandito ako sa tabi ni lisa at binabantay syang magising habang sina bambam ay pumunta sa convience store para bumili ng pagkain kasi hanggang ngayon wala parin kaming kain.

Tumingala naman ako ng maramdaman kong may tumapik saaken.

"Iuuwi nalang muna namin sina jennie, at kukuha ng ibang mga damit babalik kami mamayang tanghali"- Paalam saken ni taeyong atsaka ako tumango, Nagsisisi parin hanggang ngayon yung tatlong pinsan ni lisa dahil hindi nila napasabog agad yung bomba na nilagay nila.

Lumabas naman na din sila at naiwan nalang kami dito nila jin hyun at namjoon hyung, mamaya babalik na din sina bambam kasama sina ten at wonwoo.

"Kookie"- Napalingon naman ako kay namjoon hyung ng tawagin nya ko

Her Name is LISAWhere stories live. Discover now