Napasinghap ang lalaking nakatayo bago napalunok saka muling tumingin sa lalaking kampanteng nakaupo at walang reaksyon ang mukha.

"Mr. 076! Itigil 'yan!"

Kasabay nang pagsigaw ng isang tauhang nakamaskara ng kulay pula ay ang pagpigil ng nakatayong lalaking punong-puno ng tattoo sa kaniyang sarili para suntukin ang lalaking kanina lang ay nakaupo samantalang ngayon ay nakatayo na, dahil sa pagpapataas dito ni Patient 076, sa pagpaangat sa kwelyo nito.

Nagkatitigan nang matalim ang dalawang pasyente, hanggang sa lumuluwag na ang pagkakapit ni Patient 076, sa kwelyo ng kaharap nito.

Dahil sa sitwasyon ng dalawang pasyente, naging dahilan ito para agawin nila ang atensyon ng mga tauhan at ilang pasyente.

Napahinga nang malalim si Patient 076, bago inalis ang pagkakakapit ng mga palad sa kwelyo ng kaharap, kasabay nito ay ang pagngisi ni Patient 098, ang kaharap nito.

"Mr. 098! Mr. 076!" Kaagad na napatayo ang mga pasyenteng nakapaligid sa dalawa, nang mapahiga sa semento si Patient 076, nang dumapo sa pisngi nito ang kamao ni Mr. 098.

Sunod-sunod na pagsuntok ang ginawa ni Mr. 098 sa lalaking hindi makabangon dahil sa biglaang pagkakahiga. Saka lamang tumakbo roon ang mga tauhang kanina lang ay inaasikaso ang programa.

"Mr. 098, itigil na 'yan!" Pagpapaawat ng nakakulay pulang maskara na tauhan. "Mr. 098!" Saka nito hinila kasama ng nakakulay berdeng maskara pataas ang lalaki na dumura pa sa semento.

"Mr. 076, ayos ka lang ba?" Kaagad na tumakbo ang tauhang nakadestino sa pasyenteng mula 091-100, ang tauhang may puti at asul na maskara sa lalaking dahan-dahang umupo.

"Mr. 098!" Mataas ang tono ng tauhang nakamaskara ng puti at asul sa pasyenteng hawak hawak na ngayon ng dalawa pang tauhan.

"Mr. 098, we have a proper arrangement of seatplan. Please-" Naputol ang sinasabi ng nakaberdeng maskara sa pasyenteng walang reaksyon ang mukha, bago ito padabog na umalis sa pagkakahawak ng dalawang tauhan, at saka hinanap ang tamang upuan para rito. Nang makita ay tahimik itong pumunta roon.

Nakasunod rito ang mata ng mga tauhan at ilang pasyente, bago siya umupo na parang walang nangyari sa pagitan ng dalawang lalaki na nakatingin lang sa kaniya.

"Conception, unang araw pa lang..." paninimula ng tauhang nakapulang maskara sa tauhang may puti at asul na maskara na nakaupo pa'rin katabi ni Patient 076. "...pakiusap kontrolin mo 'yang kapalpakan mo."

Inabot ng nakakulay pulang maskara ang palad niya kay Patient 076 bago ito maingat na iniangat at saka pinaupo. Naiwan si Conception, sa kinalalagyan niya nang magkasunod na umalis ang dalawang lalaking tauhan, ang nakaberde at pula.

"Tara na, Cep." Ganoon na lamang ang paglingon ni Conception sa babaeng tauhan na may blangkong maskara. "Kailangan ka ng mga pasyente mo."

Ngumiti si Conception sa kabila ng kaniyang maskara, bago inabot ang kamay ng tauhan at saka tumayo.

"Ayos ka lang ba?" Pabulong na tanong ng tauhan.

"Tingin mo, Hope?"

~~~

"Magsitahimik ang lahat ng naririto para sa pagsasalita ng ating mahal na Presidente..." Anunsyo ng isang babaeng tauhan na tanging mata lamang ang tinatakpan ng kaniyang maskara.

Psycho GenieWhere stories live. Discover now