"Ako?" Tanong niya

"Ikaw."
takte ano ba tong pinagsasabi ko. O.O

"Ako?" Malitolitong tanong niya

"Ikaw. Ayt I mean ikaw po bahala. Mabilis naman ako pumick up ng steps ehh. Kaya ikaw na po magdesisyon."
Huuuuu nakaraos din. Takte why so handsome kasi ehh.. xD

"Ahhh. Yung genre pala ibig kong sabihin ha. Uhmmm how about, about romance yung sayawin natin? Kasi kung hiphop diba common na masyado? Eh kapag romance sasayawin natin, pweding lagyan ng emotion yung steps. Diba mas may impact yun? Mas tataas grade natin nun. :) "
Sabay ngiti niya sakin.

"Uhmmm okay sige ikaw bahala. :) "
Kinikileg talaga ako p*ta xD

"Okay were settled. Heto pala phone number ko. Magtxt nalang tayo about that okay?"
Sabay bigay ng number niya sakin.

"Okay" sagot ko with a wonderful smile. XD

*KRIIIIIIIIIIIIING*

"Okay class that is all for today prepare for your presentation okay? Ingat sa pag uwi. God bless. Class dismiss." Sabi ni mam.

Nag uwian na agad mga classmate ko pati si Steven. Pinuntahan ko na agad si Grace sa room nila.

Ohhhhhh myyyyyy garshhh. Lord kung kukunin niyo na po ako hindi po ako magagalit. Hahahah. Kinikilig si akoooo. Kyaaaaaaaa.

About Romance daw sasayawin namin ni Oppa? Oh my garsh. Naiimagine ko na kung pano kami magsasayaw. Ang sweet. Hahawakan niya ko sa baywang tapos may pagholding hands pa. Tapos hahawak ako sa balikat niya. Tapos magyayakapan kami tapos MAGROROMANSA KAMI TAPOS UNTI UNTI MAGLALAPIT YUNG MGA MUKHA NAMIN. TAPOS TAPOS TAPOS.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAH" XD

Napatili nalang ako sa sobrang kilig.

Biglang may dumagok sakin sa ulo ng pagkalakas lakas. Ang sakit sakit kaya. :3 Paglingon ko nakita ko si Grace at natatawatawa pa siya.

"Hoy kinikilig ka nanaman nuh? Nakakahiya ka ang lakas ng tili mo rinig sa buong school."
Matawa tawang sabi ni Grace

"Grasya aray ko ang sakit naman nun. Bakit mo naman ako dinagukan? Mesheket besh."
Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya. :'3

"Sus ikaw ha wag kang masyadong malandi ha. Isusumbong kita sa magulang mo. Tandaan mo may kapatid ka na. Maging mabuting ehemplo ka. Hahahahah." Pang aasar ni Grace.

"Opo ate Grasya na laging disgrasya ang hatid sakin. Tara ate uwi na tayo." Sagot ko.

19 years old na kasi siya kaya ganyan magsalita. Pero okay lang yun kasi para naman sakin mga sinasabi nila ehh. Good girl kaya is me. Hahahaha.

So nagkwentuhan lang kami about kay Sarah. Hindi ko na kinuwento yung about sa sayaw namin ni Steven kasi alam kong bubulyawan lang ako niyan ehh. Hahahah. Pagkauwi ko ng bahay nagmano ako sa mama at papa ko. At syempre kiss para kay baby Sarah.

After we finish our meals and chores. I went up to my room with Sarah. After namin maglaro, hinele ko na si Sarah para makatulog at inilagay sa crib. And then I went to sleep as well.

"Malapit na kitang makuha. Soon you'll be mine."
Sabi ng isang lalakeng nakatayo sa pintuan ko.

Heto nanaman ba yung bangungot ko? Teka hindi eh. Although all I can see is a silhouette of a man from the door. Everything seems to be normal.

"Sino ka?" Tanong ko.

Hindi ko maigalaw mga katawan ko habang nakahiga. Tanging ang mata at bibig ko lang.

"Malapit na ang panahon. Makukuha rin kita. Bwahahahahah."
Sabi nang lalaki.

Hindi ko talaga makita ang mukha niya. Then in a moment he raised his hands. I thought he was pointing at me. But I figured out. His holding my neck. From over there in front of the door into here in my bed? He is slowly choking me. I can't breathe. I am about to past out but.

 I am about to past out but

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Umalis ka rito ibinaba. Wala kang karapatang hawakan si April. Ni saktan hindi mo na magagawa hanggat nandito kami."
Boses ng isang babae?

Biglang lumiwanag ang buong kwarto ko at may isang babae na nakatayo sa harapan ko. Isang angel? Pagharap niya. Sobrang liwanag kaya hindi ko makita ang mukha niya. At biglang nawala yung silhouette nung lalaki.

"Magiging okay ka na April andito lang kami."

Sabi ng babae na para bang may kasama siya? Wala naman ahh.

Umihip siya sa akin. Unti unti nawala ang sakit sa leeg ko. Mejo gumaan ang pakiramdam ko at biglang. Nagising ako sa pagkakatulog.

Nakita ko nalang si Baby Sarah na mahimbing na natutulog sa dibdib ko. Sa crib ko siya nilagay ah? Nakalimutan ko ba? Hindi bale na. Niyakap ko nalang siya. Sobrang gaan ng loob ko sa pagkahiga niya sakin. Pag tingin ko sa orasan its already 7am. Magreready na ko kasi lalaboy kaming tatlo nila Grace at Sarah ehh. Pero ang weird talaga ng panaginip ko.

- - -

Author Here again.

Ps. Kailangan ko pa magtanong sa mga kaibigan kong babae kung pano iportray ang isang character na babae. XD

The Other WayWhere stories live. Discover now