Tumigil na ako sa pag eextra dahil alam kong wala namang patutunguhan ang buhay ko sa ganun unlike kay Alden na alam kong napakalaki ng potensyal para makilala sa showbiz. Napilitan lang naman akong mag extra dahil sa pang eengganyo niya. Sabi niya ay subukan ko din daw dahil wala namang mawawala, kikita pa kami ng sabay. Kaya naman pinagbigyan ko sya ng makailang beses.

Maya maya ay lumapit yung isang P.A. sa amin.

"Alden kukuha daw ng insert shot sayo si direk. Nag aayos lang ng ilaw sa set."

"Ay ganun po ba? Sige po ate susunod na po ako."

Pagkatapos tumango sa kanya ay tumalikod na ang P.A.

"Wait lang ha." Paalam niya sa akin.

"Sige na, punta ka na dun."

"Tsk.. Kung may sasakyan lang sana ako noh? Pwede ka sanang makapagpahinga muna doon habang nag aantay na matapos ako." Bumuntong hininga sya saka inabot ang isang kamay ko saka nilaro laro ang mga daliri doon. "Di bale, konting ipon na lang makakabili na tayo ng sasakyan. Okay lang ba kahit second hand lang muna ang mabili ko? Alam ko kasing nahihirapan ka kapag nagcocommute tayo lalo pa sa madaling araw." Nag aalala niya pang tanong sa akin.

Nakonsensya ako sa sinabi niya, naalala ko kasi ang pagrereklamo ko ng minsang madaling araw na syang napack up at naabutan kaming dalawa ng malakas na ulan sa kalye.

"Ano ka ba? Sanay naman tayong magcommute. Ipunin mo munang maigi ang pera mo. Don't worry okay lang ako."

"Pera ko? Meng naman hindi ko lang ito pera, pera nating dalawa ang kinikita ko. Sa ating dalawa, para sa future natin."

"Uy tawag ka na ata don, okay na ata ang set up." Sabi ko sa kanya ng matanawan kong napatingin sa gawi namin yung P.A. na lumapit sa amin kanina.

"Hintayin mo lang ako ha. Dont worry wala naman akong night sequence kaya maaga tayong makakauwi." Tapos lumapit syang maigi sa akin para bulungan ako."Kaliwaan ito kaya pwede tayong dumiretso ng mall mamaya."

"Mall? Anong gagawin natin dun?" Taka kong tanong.

"Bili tayo ng bago mong cellphone. Yung medyo malinaw yung frontcam para makapagselfie ka ng maayos."

Huh? Eh mas dapat ngang palitan na ang cellphone nyang walang camera.

"Alden huwag na.." pigil ko. "Ikaw ang dapat bumili ng bagong cellphone. Palitan mo na yang gamit mo."

"Okay pa naman yung sa akin eh. Nakakatanggap naman ako ng tawag at text kaya hindi pa ito kailangang palitan."

Nanliit ako sa sinabi niya, mas inuuna nya pa talaga ako.

Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago tuluyang tumayo para lumapit sa set.

Habang nag iisa ako ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Kaya naman ay naglakad ako patungo sa cr.

Nang nasa loob na ako ng isa sa mga cubicle ay naramdaman kong may mga pumasok, babalewalain ko na sana sila at aalis na lang pagkatapos kong makaihi ng may marinig akong pamilyar.

"May future yung Alden ha." Nakilala ko ang boses ng isa sa mga make up artist.

"Oo nga sister. In fairness akala mo may pinaghuhugutan sa pag arte. Natural na natural eh." Sabi ng kausap niya.

"For sure mabibigyan ng break ang batang yan."

"May offer na yan, tumanggi ata."

"Huh? Bakit?" Teka lang, anong offer? Bakit hindi ko alam? At bakit sya tumanggi?

"Isasama sana sya sa ila-launch nung network na mga teenstars."

"Oy pinaghandaan ng network yun ah, alam ko matindi ang launching nila next month. Ang dami ng nakaline up na projects sa mga kasama dun."

"Yun nga din ang balita ko kaya naman nanghihinayang ako para kay Alden."

"Eh bakit tumanggi? Priority ang school?"

"Buti nga sana kung school lang. Tinanggihan dahil yung mga ila-launch ay loveteams. Hindi daw sya pwede magkaron ng loveteam dahil may girlfriend sya. Baka daw pagmulan ng away nila."

"Ay grabe sya ha. Sayang ang chance. Girlfriend nya yung kasa kasama niya?"

"Oo. Matigas ang desisyon ni Laden eh, kaya niya pa naman daw magtiis sa mga small roles na naibibigay sa kanya. Pero kung ako kay Alden manghihinayang ako sa pinakawalan nyang opportunity. Yang syota syota na yan, naku kung sumikat sya hindi nya poproblemahin yun. Kahit sampung ulit pa ng syota nya kayang kaya niyang makuha kung ni-grab niya yun."

"Hay naku, wala tayong magagawa. Pumapag ibig ang bagets. Pero kung ako sa girlfriend nun, ako na lang ang lalayo. Hello hindi naman siguro sya manhid para hindi mafeel na sya ang balakid sa pagsikat ng jowa niya."

Narinig ko pa silang nagtawanan kasunod ang mga yabag nila palabas ng banyo. Habang ako ay hindi malaman kung ano ang mararamdaman sa mga narinig.

Naputol ang pagdaloy ng alaala sa isipan ko ng makita kong pababa si Alden mag isa.

"Si Athena?" Usisa ko.

"Sa room niya, in-enjoy nya yung mga nasa loob nun."

Tumango lang ako.

"Hindi mo daw pinaakyat ang mga gamit mo sa guestroom?"

"Yup." Sagot ko sa mahinang tinig. Eto na.. May tanungan 101 na naman. "Hindi ako dito magstay."

"What?!" Nabigla niyang sabi sa akin. "Napag usapan na natin ito hindi ba. Hindi pwedeng ilayo sa akin si Athena. Gusto kong dito sya sa bahay ko."

"Yes, dito naman talaga sya."

"Eh anong sinasabi mong hindi ka dito mag stay?"

"Doon ako sa condo muna titira habang hindi pa ako nakakahanap ng apartment. Si Athena naman mag stay with you."

Tiningnan niya ako ng matiim. Tila pilit iniintindi ang sinabi ko.

"So paano si Athena, alam nating dalawa na kahit alam niyang ako ang Daddy niya ay hindi pa naman talaga palagay ang loob niya sa akin. At isa pa, for sure magagalit sa akin yun. Baka ang isipin nun ay pinaalis kita rito."

"Don't worry. Hindi niya naman malalaman na wala ako rito."

"At paano mangyayari yun?"

"Aalis ako sa gabi kung kelan tulog na sya at babalik ako kinabukasan bago pa man sya magising."

Muli tiningnan nya ako na parang hindi makapaniwala. Tapos ay parang sumusuko.

"Arrgghh! Bahala ka na nga! Kung yan ang gusto mo bahala ka. Siguraduhin mo lang na hindi ako ang mapapasama sa paningin ng anak ko." Yun lang at muli niya akong tinalikuran.

"This is for the better Alden." Bulong ko na tanging sarili ko lang ang makakarinig. "Mas makakabuti ang ganitong set up. Para kay Athena, para sa iyo at mas lalong para sa puso ko."

Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon