Brent's POV
Kanina habang nanonood kami ni Daph ng parade, napansin kong parang may sumusunod sa amin. Iba ang pakiramdam ko...parang may hindi magandang mangyayari. Nung tiningnan ko ang singsing ko, kulay itim ito. Mas nataranta ako dahil malamang, isang nagkatawang-taong fallen angel ang sumusunod sa amin at alam kong nasa malapit lang siya.
Kahit hindi pa talaga ako nagugutom, niyaya ko na agad mag-lunch si Daph para makaiwas sa maraming tao. Pagdating naman namin sa restaurant, naging normal na ulit ang kulay ng singsing ko.
After namin kumain ng lunch, ipinasyal ko si Daph sa mga mall. Nagtingin kami ng pwedeng bilhan ng mga pasalubong bukas. All throughout, she was happy. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito kasaya.
Gabi na nung bumalik kami sa hotel. Nagulat kami kasi parang may event sa may lobby. Yun pala, may libreng dinner doon para sa mga guests dahil birthday ng may-ari ng hotel.
"Mukhang makakalibre tayo sa gastos ngayon, Summer."
"Oo nga, Sir. Mukhang masarap pa ang mga pagkain nila."
Tama nga si Daph. Ang sarap ng mga pagkain doon. May iba't ibang klase ng pasta at pastries. Talagang nakakabusog.
May live band rin doon. Nakakatuwa dahil mga Filipino entertainers sila.
"Tonight, we are giving an opportunity for a guest to sing a song with us."
Maraming mga guests ang nag-react. Maraming nagtuturuan. I was sipping my wine when the spotlight hit me.
"How about you, Sir? Correct me if I'm wrong...pero sa tingin ko Pinoy ka."
"Ah...oo. Pero I really don't sing."
"Sige na, Sir. Minsan lang po kami magkaroon ng guest na Pinoy dito."
"No, I really don't want to."
Biglang napunta sa akin ang atensyon ng lahat. They were saying,"Come on, sing with them!".
Napatingin naman ako kay Daph. Natatawa siya sa akin.
"Sige na, Sir. Kumanta na po kayo with us. Gawin nyo na lang po ito for your girlfriend."
"Uhh, actually, I'm not his girlfriend. Boss ko po siya."
"Ahh, ganun ba Miss? Sorry."
Tumayo ako. Pumunta ako sa may stage, kinuha ang mic at huminga nang malalim.
"Hanggang chorus lang okay? Anyway, this song is for that cute girl over there."
Tinuro ko si Daph. Tumingin sa kanya ang mga tao.
Daphne's POV
Naku, napahiya na ata si Sir kaya ayun, andun siya sa stage at kakanta.
"This song is for that cute girl over there."
Tinuro niya ako at tumingin sa akin ang mga tao. Ngumiti ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Better Half is from Heaven
FantasyWhat if all of a sudden, the man you love left without even saying goodbye? How would you endure the pain? How long would you wait for him to fall back in your arms? If he comes back...would you still accept him despite everything? Most especially i...
Part 2 Chapter 4
Magsimula sa umpisa