CHAPTER SEVEN

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang makarating sila sa parking lot, imbes na sa kotse ni Theo ito magtungo, sa kotse niya ito dumiretso.

"Bakit nandito ka?" Tanong niya rito. May pagtataka.

"I won't drive. Para namang hindi mo ako kilala."

Napatawa ang sulok ng labi niya sa sinabi nito. "Gagawin mo na naman akong driver mo."

"Oo. Kaya huwag ka nang magreklamo. I'm all out when I'm drinking. Wala na nga ako minsan pakialam sa paligid ko."

"Hindi lang minsan, palagian. 'Wag mong babawasan ang mga sinasabi mo. Pa-good shot ka samantalang kapag uminom ka..." Umiling-iling siya.

"'Wag mo ng ituloy. Alam ko naman na ang sasabihin mo. Just bear with me, okay? Baka next time hindi mo na ako masamahan dahil sa love life mo."

"Love life? Saan mo naman nakuha ang ideya na 'yon? How can I have one if I'm not yet moving on?"

Kumunot ang noo nito. "Hindi pa ba? Akala ko kasi nakapag-move on ka na. Akala ko luma-lovelife ka na, eh."

"Paano mo naman nasabi 'yon?" Kunot ang noong tanong niya rito.

"Bigla ko lang kasing naalala 'yong lalaki na kinukwento mo sa akin na tinulungan mo. 'Yun bang lalaki na kumanta sa bar ng kanta ni Whitney Houston. The same guy that you brought to your house. At pareho mo rin na brokenhearted."

"Tinulungan ko lang siya. Don't  put any romance between us. Kung natatandaan mo, hindi ko na siya nakita mula nang tulungan ko siya. Isang linggo na ang nakakaraan."

"But you're hoping to see him again, right?"

"Yeah." Walang pag-aalinlangan na sagot niya.

Nanunudyong ngumiti si Theo.

"Its not what you think."

"Bakit? Ano ba ang iniisip ko?"

"You were thinking it in a wrong way. Alam na alam ko ang likaw ng bituka mo kaya hindi mo ako maloloko. Sumakay ka na nga lang. Nang-iintriga ka pa."

Nagkibit-balikat ito saka sumakay sa kotse. Agad din naman siyang sumakay. He started the engine. Ilang minuto nasa daan na silang dalawa ni Theo. Hindi alam kung saan tutungo.

SA LUGAR kung saan dating umimom sina Devin at Theo humantong. It was also the same place were he first saw Clement. Habang nasa loob ng videoke bar, patingin-tingin sa paligid si Devin. Hoping that he would see Clement. Pero kahit anong gawin niyang pagtingin-tingin sa paligid, bigo siyang makita ito. Ano ba ang aasahan niya? This place maybe the place were he first saw him but it doesn't mean that he always went here. Pero wala namang masama kung umasa siya na makikita niya ito dito ngayon. Gusto niya lang talagang makita ito para makumusta at siguraduhin na maayos ang kalagayan.

Mula sa pagtingin sa paligid, napatingin si Devin kay Theo na kasalukuyang may kausap sa cellphone nito. Wala pa silang ino-order na inumin. Hindi rin nag-abala si Devin na tawagin ang waiter. Wala naman kasi siya sa mood uminom ng alak. Sumama lang naman siya kay Theo dahil sa pamimilit nito.

"Bakit hindi ka pa um-order?" Agad nitong tanong ng matapos ang pakikipag-usap sa cellphone.

"Dahil hindi naman ako iinom."

Pumalatak ito. "Anong hindi ka iinom? Kaya nga niyaya ka dito para mag-enjoy tapos hindi na iinom? 'Wag kang KJ, Devin."

"Hindi ako KJ. Hindi naman kasi ibig sabihin ng pagsama ko sa 'yo dito, iinom na ako. Saka kung magpapakalasing ako, sino ang magmamaneho sa ating dalawa pauwi?"

"May point ka d'un," anito. "Pero hindi ibig sabihin n'un na hindi ka iinom. Uminom ka ng isa o kaya dalawang bote. Tamang-tama naman iyon. Wala ka namang pasok bukas."

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon