The reason why my heart is pounding so much and I get irritated is because – I love him.

Ngumite ako. Yes. I love him already, and I’m so scared.

*

Nagising ako kinabukasan nang tumunog ang alarm clock sa kwarto ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa ulunan pagkatapos ay binasa ang iilang text doon galing kay Chea.

From: Chea

Wah! Ate excited na akong pumasok. Ingat ka ha? I miss you!

Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay bumuntong-hininga. Hindi ko tuloy alam kung sa paanung paraan ko sya haharapin mamaya.

Ilalapag ko n asana iyon sa kama ng bigla akong makatanggap ng isa pang text. Agad na nag-react ang mga paru-paru ng makita kong galing iyon kay ethan.

From: Ethan

Good morning. Gabi dito and I’m freezing to death. I miss you already. 5 days to go makikita nalang kita. First day of school today. Goodluck and I love you.

Kumabog agad ang dibdib ko dahil doon, Para akong zombie-ng nanglakad papasok sa CR. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay sumandal sa pinto.

I can’t imagine I lost. Im freaking inlove with that animal at hindi ko matanggap iyon. I hate myself. This is not true.

Pumasok ako sa school ng bangag papasok palang ako sa entrance ng school ay agad kong nakita ang kotse nila Chea na huminto sa mismong harapan ko. Nakita kong bumaba sya dooat patakbong lumapit sa akin.

“Ate!” Aniya pagkatapos ay niyakap ako.

Ngumise ako sa kanya pero nakokonsensya ako sa likod ng utak ko. “Sabay na tayong pumasok. Excited na ako. Nakita ko na ung list ng magiging classmates natin, and guess what? Andun si Ethan!” tili nya.

Napatingin ako sa kanya ng dahil doon. “hehe. Talaga?” utas ko.

Pinitik nya ang buhok nya pagkatapos ay umikot-ikot sa harapan ko. “Ito na talaga. Magpapapansin na ako sa kanya.” Utas nya sakin. “pero balita ko wala daw sya ng one week dahil nasa new York daw. Pero alam mo ate, may transferee ata galing ibang school. Dalawa. Babae at lalaki.” Aniya.

Tumungo-tungo ako. “Baka galing ibang section?” utas ko.

Umiling sya. “Hindi, Galing ibang school. Ka-block na natin.” Utas nya sakin.

Ngumite lang ako pagkatapos ay tinulak ang glass door papasok ng room namin, Agad kaming namili ni Chea nang upuan.

“Ok kalang ate?” tanung nya sakin. Tumungo-tungo ako pero hindi ako makatingin sa mga mata nya, Sobra akong nilalamon ng konsensya ko at pakiramdam ko ay hindi ko na kaya.


Umayos sya sa pagkakaupo nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay binalingan sya ng tingin.

“Ah Chea Anu kas—“

Naputol ang sasabihin ko pumasok ang professor namin para sa unang subject.

“Ate, mamaya nalang.” Utas ni Chea sakin. Tumungo-tungo ako.

“I’m Mrs. Hedda. So, I’ll be the your instructor for this subject. Kindly bring out your COR and pass it infront.” Aniya.

Kinuha ko ang COR ko ay inabot sa taong nasa likuran ko.

“So, Before I discuss about my rules and regulations.. I want to introduce two of your new blockmates. “Aniya.

Yumuko ako nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Pasimple ko iyong kinuha sa bulsa ko pagkatapos ay binasa kong sino ang nagtext.

From: Ethan

Pwede kitang tawagan?

Umismid ako.

To: Ethan

No. Nasa classroom ako.

From: Ethan

Okay then. Paguwi mo? I love you.

Uminit ang pisnge ko. Pinaypayan ko ang sarili ko pagkatapos ay tinignan si Chea na kanina pa kumakalabit sakin.

“Bakit?” tanung ko.

Ngumuso sya sa harapan. “Gwapo ate. Ung lalaki.” Aniya.

Napatingin ako dahil doon. Nagtagpo agad ang tingin naming tatlo. Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagbitaw ko sa cellphone kong hawak. Tell me I’m dreaming.

“I want all to meet, Mr. Michael Sayson and Ms. Melanie Ramirez.”

My ex- bestfriend and ex-boyfriend is infront of me right now.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon