Natawa lang din naman siya sa sinabi ko. Awkward. "Naya naman," kakamot-kamot ulong reklamo ni Styx sa akin. Kasama na naman niya iyong mga 'yon, sabagay may bago pa ba? Bakit kaya hindi nila subukang maghiwa-hiwalay?
"Bakit ka nga pala nandito?" mayamaya ay tanong niya sa akin. "Trip ko lang," agad kong sagot ko sa kanya na tinawanan na naman niya. "Nasa gym sila 'di ba? Nyx is there sabi niya sa amin," he said again.
"Alam ko, kaya nga ako naggagala para makalayo sa pinsan mo, I knew you don't want her to cling with me, kaya lang matigas ang ulo niya." Natawa na naman siya dahil sa sinabi ko at napaiwas lang din naman ako ng tingin dahil doon.
"Kinukulit ka ba niya? Pasensya ka na sa kanya, ganyan lang talaga siya, Nyx doesn't have so much friends kasi mapili siya," he said again. Hindi na ako sumagot pero napatingin lang ako sa kanya saka sa katabi niyang biglang nagsalita.
"Tara na Styx," yaya ni Eos sa kanya. Napakunot ang noo ko at tiningnan niya lang naman ako ng masama. "Si ano to --- si ---" I said saka ako kunwaring nag-isip na tinawanan na naman ni Styx at maging ng mga kasama niya.
"Eos, you idiot!" singhal niya sa akin, tinawanan lang naman lalo kami ni Styx. "Iyon ba? Naya ang pangalan ko hindi idiot. Alam mo kung hindi ko lang alam ang pangalan mo, iisipin ko nang ikaw si Eos you idiot!" I said saka ko ginaya ang pagkakasabi niya sa 'Eos you idiot' line niya.
Lalo namang natawa si Styx sa kanya na agad na sumama ang timpla ng muka. "Anong sabi mo?" Ngumiti ulit ako ng humiyaw siya, ang dali niya talagang asarin at natutuwa ako kapag ganoon.
"Mura lang ang panlinis ng tenga maglinis ka, masama na 'yan," I just said sabay tapik ng balikat niya habang nakatulala lang siya sa akin.
Palagi na lang talagang natutulala ang lalaking 'to, okay lang ba siya? Ang weird talaga niya. May sakit siguro siyang tulala. Mayamaya naman ay hinampas niya agad ang kamay ko na ipinantapik ko sa kanya, habang natatawa pa rin sina Styx sa kanya.
"Wag mo akong hawakan, namumuro ka na sa akin babae!" Lalo akong ngumiti sabay tawa ng humiyaw muli siya. "Okay, okay! I love you too!" pangaasar kong muli sa kanya. Nginisian ko rin siya sabay kindat at natulala na naman siya doon. Nag-e-enjoy talaga ako sa kanya. "Bye Styx," pagpapaalam ko kay Styx.
Tumakbo na din agad ako ng mabilis matapos kong magpaalam kay Styx, at naiwan naman si Eos na tulala doon. Tiningnan ko lang din naman ng masama si Andrea na masama rin ang tingin sa akin bago ako tuluyang umalis.
"Bye Naya, be careful!" hiyaw sa akin ni Styx pero hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy na lang din ako sa pagtakbo palayo sa kanila.
Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong matawa sa ginagawa ko sa kapatid ni Nyx, at hindi ko na talaga napigilan iyon. Napaka-pikon naman kasi ng lalaking iyon. Napailing na lang ako sa mga iniisip ko at dumiretso na lang agad ako sa gym dahil wala naman na akong ibang pupuntahan.
"Saan ka ba galing?" agad na tanong sa akin ni Apollo pagkarating ko doon. "Dyan lang sa tabi-tabi, tanghali na, kumain na tayo at pumasok," tanging sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Underground Society: Gangster (Completed)
Mystery / ThrillerPrologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the strongest - Win GANG RULES - First, never start a war, let them start and all you have to do is finish that...
GANGSTER 20
Magsimula sa umpisa