"Sus. Sakin ka pa nag gaganyan. Parang di kita kilala ah." She was smiling from ear to ear.

Inalis ko yung tingin ko sakaniya. "Ano bang pinagsasabi mo jan?" Painosente kong tanong sakaniya.

"Don't play safe, Jayce. Hindi kami palaging magkasama ni Carlo pero alam mo na tight kami niyang kambal ko. He told me the car incident in front of Starbucks. Hahaha." Sht. Nakakahiya! Bakit kailangan niya pang sabihin? Naguilty tuloy ako na hindi yung alam ni Lian. Hindi ko man lang siya nakukwentuhan.

"Why?" was all I ever managed to asked.

"Ewan. You figure it out yourself." She smiled. Napatingin ako kay Ivan. Sa mejo malayo siya umupo. Am I at fault? Hindi ko na alam. Nagpaattendance lang tapos dinismiss na din kami.

Badtrip sayang lang naman yung tinakbo ko at pagmamadali ko kanina. Sana pala kumain na muna ko. Napagastos pa tuloy ako.

"Huy. Tara san tayo?" Tanong sakin ni Lian. Naramdaman ko na parang may tumititig sakin. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Ivan with his gaze. Parang pinagaaralan niya bawat galaw na gagawin ko.

"Ha. Ikaw bahala." I shrugged. Tumayo na ko tapos tsaka ko hinila palabas si Lian. Naiilang kasi talaga ko kay Ivan eh. Sa kiss, sa mga sinasabi niya. Hays. Di ko na alam kung ano na bang papaniwalaan ko. Itong utak ko puro Ivan, Ivan, Ivan. Nainvade na niya utak ko, bwisit lang.

Naglakad kami papunta sa parking. May dala din palang kotse si Lian kaya convoy na lang kami. Papunt kami sa isang cafe nung nahagip ng mata ko yung sasakyan ni Ivan. Ivan na naman? Tss... Bakit ba palagi na lang. Bwisit. I shook off the thought and continue driving hanggang sa makahanap na ko ng parking space.

Nag ring yung phone ko.

Liezl Ann Zamora Calling...

"Yes?" I answered the phone quickly.

"[Jayce nauna na ako sa loob ha. Naiihi na kasi ako eh.]"

"Okay. Bye."

Bumaba na ko ng sasakyan tapos nilock ko na then I overheard two girls talking.

"May photoshoot na naman siya eh noh."

"Influential naman kasi yung family, no wonder he had his break on modelling."

"Ayaw niya na yata yun eh. Pinilit lang yata siya."

"Pagkabalik niya galing Europe inayawan nya na yung modelling eh."

"Kung ayaw niya na, saying naman. Hay nako, Ivan Young."

Si Ivan na naman? Nanggaling siya sa Europe? Talaga. Hmm... Hay nako Ivan feeling celebrity. Pero ano nga bang alam ko? Eh since yata nung dumating ako dito sa Pilipinas hindi ko pa nabubuksan yung TV sa bahay eh.

I hurriedly went inside the cafe and found Lian sitting in a couch. Puro couch kasi yung upuan nila dito. Mamahaling restaurant. Kasi may pang maramihan na long table with all the gold laces. Tapos puro couch.

"Lian, eleven na pala sakto lang kain natin." Ngumisi ako sakaniya.

"This is your brunch, Jayce. Kaya kumain ka na ng marami. Magktaba ka naman ng konti." She irritatingly said.

"Nako no, kakakain lang namin ni Kuya sa Sambokojin nung kelan. Ang dami ko kayang nakain. For sure may mga taba din ako noh." I defended.

She raised her eyebrow, "Seryoso? Asan jan?" She pointed at me from head to feet. "Parang bahay mo na ang gym at ang tanging kinakain ay gulay eh. Asan ang fats?" Seryoso yung boses niya pero ngumisi siya.

Ako Na Lang KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon