"Ako rin." Malungkot ring sabi ko sa kanya. Hindi na kami nagsalita pa kasi nakarating na rin naman kami sa room namin.

-Drake's POV-

Lumipas ang ilang linggo at ganon parin, walang nagbago, hindi parin nila nasabi sakin yung tungkol kay Trixie. Maraming nangyari noong nakaraang linggo. Kumalat yung issue na si Trixie daw yung dahilan kung bakit nagkakaganito ako.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Miss. Pero hanggang sa pag pasok ni Miss, lutang parin ako.

"Good morning class." Bati ni Miss samin. Pilit kong inaayos yung pag-iisip ko.

"Good morning Miss Tuazon." Bati namin sa kanya habang nakatayo. Tumango lang si Miss at sininyasang umupo na kami.

"I will be giving assignment to be pass next meeting. Gagawa kayo ng spoken poetry, since our subject is Filipino kaya tagalog, kung may english minus one in every english word. Ang magugustuhan kong spoken poetry ay ilalaban ko sa ibang sections. Kayo na ang bahalang pumili ng title niyo. Understood."

"Yes, Miss."

"Our next meeting is on Wednesday, since today is Tuesday you have one night to prepare, it's up to you if you will memorize it or not."Sabi ni Miss. "Nagkakaintindihan ba tayo?" Paniniguradong tanong niya.

"Yes, Miss."

"Okay. So what was our last topic? Yes Mr. Romualdez?" Tanong ni Miss kay Adrian.

"Ang mga labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng Rome at Greece na kilala rin sa tawag na The 12 Great Olympian Gods, Miss." Sagot ni Adrian.

"Magbigay ng isa Ms. Bautista." Sabi ni Miss sa kaklase ko.

"Zeus, Miss." Sagot ni Kristine.

"In Roman?" Tanong ulit ni Miss.

"Jupiter, Miss."

"Katangian at Kapangyarihang Taglay?"

"Hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at panahon. Tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako. Asawa niya si Juno. Sandata niya ang kulong at kidlat." Sagot ni Kristine.

"Okay good. Oh ikaw Mr. Villaluz." Turo sakin ni Miss.

"Ano ako Miss?" Tanong ko kay Miss.

"Give me one." Anong one?

"Wala po akong piso, Miss." Napapayukong sagot ko kay Miss.

"My god Mr. Villaluz! What I mean is The 12 Great Olympian Gods." Sigaw ni Miss sakin. Napapahiyang napayuko naman ako.

"Hera, Miss. In Roman, Juno. Reyna ng mga diyos. Tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa. Asawa ni Jupiter." Sagot ko kay Miss.

"Very good! Sit down. Next time wag kang tulala Mr. Villaluz." Napayuko nalang ako.

"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha! Wala kang piso dre?" Natatawang pang-aasar sakin ni Adrian.

Stuck with the Four Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon