"And so?"

"You don't want that."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at hinila na lang ako palabas ng matapos ako mag-ayos, pinasakay niya ako sa sasakyan niya kaya wala na akong nagawa pa.

"Do you have a lot of work today?" nagkibit balikat ako at tinitigan siya.

"Depende sa dami ng iaabot na papel ni Nikolo, para saan ba kasi yung mga papel na yun?" nag-isang linya ang labi niya at parang nagpipigil ng ngiti.

"For the company, of course."

Hindi na lang ako nagtanong pa ulit at nanahimik na lang. Pagkarating sa parking lot ay bumaba na ako at nakasabay pa rin sa akin si Mikael kaya napapatingin ako sa kanya. Pagkapasok sa building ay nagtinginan agad ang mga tao, ang iba ay binabati si Mikael na hindi naman niya pinapansin, ang iba naman ay nagbubulungan habang nakatingin sa'min.

"Bakit ba nakasunod ka pa rin?" bulong ko sa kanya dahil sobrang magkalapit lang din naman namin.

"What do you mean? Sa elevator din naman ang punta ko." sumakay kami sa elevator at kaming dalawa lang ang andun.

Tahimik lang ako habang nasa likuran ko siya, kinakapa ko pa yung inaaksyon niya ngayon. Parang hindi 'to si Mikael.

Tumunog ang cellphone niya at mabilis niyang sinagot ang tawag. Napatingin ako sa kaniya.

"Who?" biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at binaba na ang cellphone. Seryoso siyang tumingin sakin. "Come with me, in my office."

Kahit naguguluhan ay sinunod ko na lang siya. Sumunod ako sa kanya ng diretso itong maglakad palabas ng elevator, nakatayo si Nikolo sa gilid ng pintuan at agad sinalubong si Mikael.

"Where are they?" tanong ni Mikael kay Nikolo. Tumingin sakin si Nikolo bago muling tumingin kay Mikael.

"They're already inside."

Niluwagan ni Mikael ang neck tie at pumasok na sa opisina niya, sumunod naman ako at may dalawang taong nakaupo sa harapan ng table niya. Hindi ko makita dahil malalaking tao ang nasa harapan ko.

"What do you really want?" tanong ni Mikael sa kung sino.

"Are you really that heartless?" napakunot ang noo ko ng marinig ang pamilyar na boses. Pinilit kong silipin ang nagsalita pero hindi ko talaga makita.

"I already told your sister that I can't do what she wants me to do. So leave my office now and don't you ever come back." he coldly said to the man he was talking to.

Tumawa yung lalaki at tumayo.

"Come on, as if you didn't lo---"

"Get out!" he cut off the guy from speaking.

"Bro, baka pwedeng pag-usapan na lang muna 'to." hala, si Keifere?

"I'll just go outside, sir," Nikolo said, turning around and motioning for me to follow him outside.

Nakita ko si Keifere na gulat na napatingin sakin at yung lalaking mestiso na kausap ni Mikael. Tumalikod ako at susunod na sana kay Nikolo pero napalingon ulit ako at nagtama ang mata naming dalawa, ngumiti siya at kumaway.

"Ford?!" gulat na turo ko sa kanya.

Lumingon si Mikael sakin habang nakakunot ang noo.

"Nice to see you again, Mazey. But I didn't expect that we'd see each other again here, in this asshole's company."

"Do you guys know each other?" tanong ni Keifere habang tinuturo kami.

"Of course, I brought her a phone."

MIKAEL ARCILLANO | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon