CHAPTER 25- Cloudy skies

Magsimula sa umpisa
                                    

Kahit naman balian ko siya ng buto ay hindi niya mababawi pa ang ginawa niya, so ano pa ang saysay hindi ba?

Katulad nga ng sinasabi ng lola ko noon.

'Subukan mo lahat, saka mo husgahan kung tama o mali'

Iyan ang sinabi ng aking pinakamamahal na Lola. Pero sa kaso ni Pen..

Parakiramdam ko ay Tama.

HINDI!

A-ayaw ko umasa sa isang bagay na walang kasiguruhan.

"Tara na nga at gabi na!" inis na bigkas ko at tinulak siya pero ang loko hindi ko maalis ang kapit.

Hanep! Bato ba siya o linta?!

"Bakit ang suplada mo na bigla? Meron kaba?" pilyong bigkas ni Pen.

Namula ako.

"BASTOS!" bulalas ko.

Pero tumawa lang ulit ang loko. Binitawan na ako at hinawakan ang isa ko'ng kamay.

"Tara na at kumain" bigkas ni Pen.

Gabi na at ang nagbibigay na lang ng liwanag sa buong paligid ay ang mga ilaw sa Stalls at mga Lamp post.

Ang ganda talaga dito. Meron pang mga nakasabit sa bawat lampost na lights.

"Hey Pencake.." bigkas ni Pen.

Nakasay kami sa bike ngayon at marahan itong pinapatakbo ni Pen.

Ang daming tao sa paligid, iyong iba ay napapatingin sa amin at iyong iba naman-mga babae-ay mukhang inggit na ewan sa amin.

Tumawa ako ng mahina.

"Bakit Pen?" tanong ko habang nakasandal sa likod niya.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito pero nakakatakot din..

"Ano gusto mo'ng kainin?" bigkas ni Pen.

"Pizza" bigkas ko.

Huminto si Pen sa isang Pizza stall. May mga tables ito sa labas at malaking umbrella sa sa tables.

Sakto naman at may isa pang space para sa amin ni Pen.

"Pencake gusto mo ba yung Bacon Overload with pineapple bits?" tanong ni Pen at tinuro iyong Pizza sa Menu.

"Yes please" nakangiti ko'ng bigkas.

Ngumiti si Pen at pinisil ang kamay ko lumapit kami sa stall at papunta sa counter at binati kami ng isang may katandaan na babae. 

"Good evening, anong sa inyo?" bigkas ng babae habang nakangiti sa amin.

"Hmmm...gusto po ng Girlfriend ko ng Bacon overload at pineapple bits" nakangiting bigkas ni Pen sa babae.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya at ngumiti naman ang babae sa counter.

"Date niyo ba iho?" tanong ng babae sa counter.

Namula ako.

"Opo, gustong-gusto ng Girlfriend ko ang pizza" nakangiting bigkas ni Pen sabay sulyap sakin.

Pinandilatan ko siya ng mata at palihim na pinalo.

Pero tumawa lang ang loko sa akin.

Kainis siya.

Pero kinilig ka? Bulong ng konsensya ko.

Heh!

"Ganoon ba? Sana magustuhan niyo. Nako iho napakaganda ng Girlfriend mo. Kung ako sayo ay iingatan at mamahalin mo siya ng lubos" nakangiting bigkas ng babae.

Namula ako lalo!

Ano ba!? Wala ng katapusan ang pamunula ko! Ugh..

Pero sa sinabi ni Pen ay lalo akong namula at pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok.

"Oo naman po. iingatan ko ang babaeng ito dahil Importane siya sa akin" bigkas ni Pen sa akin.
.
.
.
.
.
.
Kumain kami ni Pen ng inorder niyang isang buong pizza. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa mga kaganapan kanina pero agad din naman akong nakabawi at nag kwentuha kami at asaran.

"Drake?" narinig naming dalawa ni Pen at napatingin sa babaeng palapit sa amin.

Napansin ko ang pag iba ng aura ni Pen. Ang asul niyang mga mata ay nawalan ng kulay at naging madilim ang mga ito habang nakatingin sa babae.

"Emily" malamig na bigkas ni Pen.

-----

Ooohhh! Ano ito? May dumating na naman na bagong character! At mukhang matindi ang connectiong ng 'Emily' na to kay Pen?

Ano kaya ang mangyayari?!

By the way, sana walang nag co-copy nito at ginagawang personal copy dahil labag iyon sa batas lalo na at walang pahintulot ng manunulat.

I don't tolerate plagarism at copying of  someones works. That's disrespectful on the author's side.

If you want your favorite authors to continue giving you good reads don't disrespect them. :) support and Love their stories!

Iyon lang, nag share lang wahahaha. Chapter 26 will be posted later, at night time.

Tingin ko part 2 na to ng date ng #PenPenLoveTeam right? ;) enjoy!

# PePenLoveTeam
# CloudySkies

Vote and comment

Stalking Penellope Cruz(CHAPTERS RE-ASSESTMENT/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon