Inayos ko yung mga damet nya na nakalagay sa isang bagpack. Yun lang ata yung hindi nya nilalabas. Kinuha ko na yung mga damet na nasa bag pero may nakita akong napakaraming gamot. Bat andame nyang gamot? Para saan to? May hindi ba sinasabi saken si Kyle? Wala naman syang sakit. Maliban sa madalas na paghilo nya, at masakit ang ulo nya. Sabi nya sa init lang to.

Naramdaman kong tapos na sya. Kaya binalik ko ulit yung mga damet sa bag nya na parang hindi nagalaw.

"Mahal. Tapos na ko." Sabi nya ng nakangiti.

"Uh... S..sige. Maliligo na ko." Agad akong pumasok sa banyo. Nilock ko agad ito at biglang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang bumigat dibdib ko nung makita ko yung napakaraming gamot sa bag nya.

Wala syang sakit. Wala syang sakit. Wala. Wala lang yun. Hindi ko kaya na pati si Kyle mawawala sakin.

KYLE POV.

Pagkatapos kong maligo, agad akong lumabas. Natagalan ako dahil sumasakit na naman ang ulo ko. Ayokong nakikita nyang nahihirapan ako. Ayokong nakikitang nag aalala sya. Hindi ko kaya. Mas lalo akong nahihirapan.

Pagkita ko sa kanya, nasa tapat sya ng bag ko. Kung saan nandun ang mga gamot na tinatago ko. Wala pang kasiguraduhan yung sakit ko, pero binigyan ako ng mga gamot ng personal doctor ng mga magulang ko. Ngayon ko din sya papakilala sa magulang ko.

Hindi kaya nakita nya yung mga gamot ko? Naging iba ang kilos nya. Hindi ko alam kung bakit pero nung tinignan ko, ganun pa din. Wala namang naiba parang hindi nagalaw.

Matagal na kong may sakit. Binigyan ako ng doctor ng taon at araw. Hindi ko alam kung bakit. Hindi sya Diyos para bigyan ng bilang ang buhay ko.

FLASHBACK

"Iho, isang taon at kalahating buwan na lang ang natitira sayo. Mauuna na ko." Nagulat ako sa sinabi nya habang ako ay nakahiga lang. Nagpapahinga dahil ang sakit talaga ng ulo ko.

Biglang pumasok sila Mama at Papa na umiiyak. Hindi ko alam kung bakit sila umiiyak. Hindi na ba ako gagaling? Masakit lang naman ang ulo ko ah. Wala silang sinabi na may sakit ako. Pero sa bawat luha ni Mama, pakiramdam ko. Pakiramdam ko, meron silang hindi sinasabi saken.

FLASHBACK ENDS.

Isang taon na ang nakalipas nung sinabi yun nh doctor saken. Ibig sabihin, isang taon na ang nakalipas saken? At kalahating buwan na lang? Ganun ba yun? Naiinis ako! Wala akong alam sa sakit ko. Madalas na sumasakit ang ulo ko, madalas na nahihilo ako. Yun lang. Nagbigay ang doctor ng gamot pang pain reliever lang.

Ayokong mawala. Ayokong mawala. Ikakasal pa kami ni Jamila. God, help me. Heal me, God. Please, i know it is not the right time para kunin nyo ko. Please. Help me God. Please.

--

NABIKTIMA KA NA BA NG FOREVER? (STORY 1 - WMUWSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon