Fourteen.

162 1 0
                                    

Chapter 14

"Ano bang meron dun sa tatlong yon?" Tanong ko kay Casandra, nasa cr kami.

"Obviously, gusto nila si James." Inexplain niya. "Ayaw na ayaw nila na may dumidikit sakanya o maging girlfriend niya. Yung tipong gusto nila na forever single lang si James para forever assuming ang tatlo." Tinuloy niya ng nakaharap na siya sa salamin para magsuklay.

"Kasi naman tong si James. Ikakalat na kami na pero hindi naman talaga. Weird." Sabi ko, nang humarap din ako sa salamin, tinitignan ang sarili.

Simple lang naman akong tao. Ang tahi-tahimik ng buhay ko, nang biglang dumating si James. Everything gets worse. What do I mean by worse? Hindi ko alam. Basta nag-iba mundo ko nung nakilala ko si James. Naging weird. Mga ibang kamalasan yata naasakin na. Tapos ngayon, pinag-iinitan ako ng tatlong babaeng mukha namang echosera. Hmp.

Lumabas na kami sa cr at dumeretso sa canteen. Itong araw na to kasi wala masyadong umaattend na mga teachers, busy busy.

Nagtatawanan kami ni Casandra habang papasok sa canteen nung nakita namin si Elizabeth at ang dalawang bff niya na nakatayo sa harapan namin.

"Hi." Sabi ko sakanilang tatlo. Ngumingiti na parang walang nanyare. Pang-asar lang sakanila. "Excuse me po." Sabi ko in a nice way.

Mga mata ni Elizabeth parang sinasabing gusto kanang patayin. Tinaas pa ang kilay. Naka-cross pa arms nila sa katawan nila. Problema nito?

"Papadaanin nyo kami o makuha kayo sa tingin?" Sumingit si Casandra. Nako. Badtrip na naman to.

Hindi nagsalita pero bigla akong hinila papunta sa table nila at binuhusan ng mango juice ang damit ko. Dun ako nagalit ng sobra, dahil itong damit na suot ko ngayon ay regalo sakin ng mama ko nung birthday ko.

Naka-uniform kami kanina pero nagpalit ako kaya kami nasa cr kanina.

Tinitigan ko lang mabuhos ang juice sa damit ko na nadadamay na ang palda ko, saka ko tinignan si Elizabeth ng paseryoso. Ngumingiti si Elizabeth na parang demonyo.

I closed my eyes. Take a deep breathe. "Elizabeth." Sabi ko ng pakalma ang boses. "Gawin mo na ang lahat, wag lang buhusan ang damit na niregalo sakin ng nanay ko." I smiled.

"Or what?" Talagang hinahamon ako ni Elizabeth. Hindi na ako makapigil.

Kinuha ko ang coke sa table nila at binuhos to agad kay Elizabeth, simula sa ulo hanggang paa. Lahat ng tao sa canteen nagulat, kasama si Elizabeth.

"Feels good?" Sabi ko sakanya ng hawak hawak ko padin ang baso ng coke na nakatapat sa ulo niya. "Let's be fair." Sabi ko sakanya.

Aalis na sana ako. Pagkatalikod ko, si James nakita ko, nakatayo lang, seryoso ang mukha; ang sama ng tingin kay Elizabeth.

Awkward silence.. nang biglang kinuha ni James kamay ko at naglakad palabas ng canteen.

_____

"Oh. Suotin mo to." Sabi sakin ni James, binigay sakin ang blue plastic bag. Tinignan ko ang alam, its a shirt.

Nandito kami sa basketball court.

Napatingin ako sakanya. "Ikaw bumili?"

"Akin yan. Nagdala ako ng extra t-shirt kasi may laro kami mamaya ng basketball. Pero pede mo suotin." Sabi sakin ni James.

"Kung di ka lang gwapo.." Pabulong ko sinabi habang tinitignan ko yung shirt kung kasya ba sakin o hindi. Obviously, kasya pero malaki sakin.

"May sinasabi ka?"

"Sabi ko. Thank you po!" Paasar kong sinabe. Pero ngumiti ako para kunware nice.

"Hindi yun eh." Sabi niya, tumingin sakin, "Kung di ka lang gwapo ba yun?"

Narinig naman din pala. Nagtatanong pa. "Wag kang feeler." Iniwan ko si James at dumeretso sa cr.

Nagkasalubungan kami ni Casandra sa cr. "Kanina pa kita hinahanap ah." Sabi nya sakin sakto ng paglabas nya. "Ah, pinahiram sakin ni James damit nya eh."

"Ang sweet naman." Sabi niya.

"Yep." I agreed. Seriously, Ayla? "Pero sayang kagwapuhan kung minsan mayabang." Dagdag ko pa nito.

Baka asarin ako ni Casandra na agree ako sa mga pinagsasabi niyang good things about James. Feel me?

"Umamin kana. You like him." sabi niya sa akin. Pinagtatap-tap ang braso ko. "You want him!"

"Hindi at hindi." Sagot ko sakanya ng paseryoso.

Pagkatapos kong magpalit ng damit edi lumabas kami sa cr. Pagtingin namin sa left side, nandun si James, nakasandal sa pader. Ano na naman kailangan nito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Humarap pa siya sakin. "Kung nasi-cr ka, nandun po sa kabila ang cr ng panlalake."

Wala siyang sinasabi. Nakatingin lang sakin. Ang seryoso ng mukha niya. Hindi manlang ngumingiti o ano. Anong meron dito? Pati ako natahimik.

"Bakit ayaw mo sakin?" Sa wakas nagsalita si James.

"Maiwan ko na muna kayo," sabi ni Casandra at umalis.

"Huh?" Hindi ko alam ano sasabihin ko. Tama ba tong narinig ko? "Anong pinagsasabi mo?"

"Bakit di moko magustuhan?"

Tinanong niya ulit. Hindi ako makasagot. Anong bang ibig sabihin niya dito? Ano bang gusto niya? Mata sa mata; paunti unting lumalapit.

"Gusto ako ng mga ibang babae, pero bakit ikaw di mo magawang gustuhin din ako?" Sabi ni James. Para akong na-frozen, di ako makagalaw.

"B-b-bakit ba?" Kinakabahan ako.

Biglang tumawa si James pero naninigas padin ako, di ko malaman anong meron sakanya. Nababaliw na ba to? "Ano ba tong pinagsasabi kong walang kwenta." And then, umalis siya, dumaan sa harapan ko.

And I was there, still standing, hindi ko padin alam anong nanyayare dito. Hindi ko alam ano nanyayare kay James.

Maya-maya binalikan din ako ni Casandra. "Huy! Si James na nakita kong nasa canteen like 10secs tapos ikaw nandito padin?" Sabi niya. Natulala ako,

Wine-wave ni Casandra kamay niya sa mukha ko. "HUY!" At ayon, nagising ako,

"Ha?" Sabi ko sakanya. Ano ba to,

"Anong nanyare sainyo ni James?"

"Wala." Ngumiti ako ng papilit. "Hayaan mo na yun. Tara."

_____

"Buong araw kang tulala, simula nung kinausap ka ni James." Sabi ni Casandra. Andito na naman siya sa amin. Overnight ulit. "Ano ba kasi sinabi nya?"

"Hindi ko alam eh." Nakahiga ako sa bed, nakatingin sa taas, straight ang body, both hands nasa stomach. "Tinanong nya ako kung-"

"Pede ka nyang ligawan?!" Bigla sumingit si Casandra. Napatingin ako sakanya at tinaasan ng kilay.

"Hindi~" sabi ko sakanya. "Tinanong nya ako kung bakit diko siya magustuhan. Ako naman, bad boy siya and...."

Napanganga si Casandra. Nagulat. "He's into you..."

Bigla ako bumangon sa kama. "Ano?"

"He's into you, Ayla!" Bigla nya ako binato ng unan.

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon