"Ama, payagan niyo napo ulit akong makalabas ng palasyo" sabi ko
"Hind--" hindi natapos ni ama ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si ina
"Sige, bumalik ka dito bago mag dilim" napatingala naman ako agad sakanila.
Muli kong niyakap si ina "Maraming salamat ina!" Sabi ko at saka kumaripas ng takbo palabas ng opisina ni ama at nagtungo sa aking kwarto upang magbihis, isinuksok ko narin ang aking balisong sa gilid ko na natatabunan ng tela.
Mabuti nalang at nandito si ina.
Gustong gusto ko na siyang makita
Bago ako makalabas ng palasyo, hinarang ako ng dalawang tagapagbantay sa harapan
"Prinsesa, ipinag utos ng inyong ama na hindi po kayo maaaring makalabas" diretsong sabi ng kawal
"Si ina ang nagbigay ng permiso saakin na makalabas"
Pagkasabi kong iyon, muli silang bumalik sa puwesto at saka ako pinagbuksan ng tarangkahan, sumulyap ako sa malawak na lupain ng palasyo at hinahanap ng mga mata ko si Shiro ngunit parang wala siya ngayon.
Bahala na, kaya ko naman mag-isa.
Sumakay ako ng sasakyang pinapaandar ng mahika at nang makita ko na ang pamilyar na lugar, pinara ko na ang kutsero at saka nagbayad ng limang tanso.
Binalikan ko ang napuntahan namin ni Shiro ang pasyalan ng LoCarmen. Muli kong tinignan ang aking hinaharap (future), inilapag ko ang pitaka ko sa halamanan sa gilid ng tubig at saka ito tinitigan mabuti.
*dug*dug*dug*
Nakita kong may maliit na puting aso ang dumaan sa harap ko...
"Binibini ayos ka lang?"
Nakita ko ang isang pamilyar na mukha, ang taong gustong gusto kong makita. Tandaan mo ang paligid Gracia! Isang palengke, may nagtitinda ng gulay at prutas, may karatulang "bagsak presyo"
Natapos ang pagtingin ko sa tubig at agad na inalala ang paligid! Kailangan ko matandaan ang paligid. Agad akong napatakbo paalis ng LoCarmen at tumingin tingin sa paligid at agad na hinanap ang palengke.
Nagtanong ako sa mga tao kung saan ko maaaring makita ang palengke at sinunod ko naman ang kanilang binigay na direksyon.
Lumipas ang 30 minutong paghahanap at paglalakad natunton ko rin ang palengke
Ngunit... Bakit nga ba ako ulit naparito...
Palengke. Bagsak presyo. Aso.
Yun nalang ang mga natatandaan ko, lumingon lingon ako at nakita ko ang tindahan na may nakalagay na "bagsak presyo"
Naglalakad na ako upang pumunta sa tindahang iyon nang makita ko ang maliit na aso sa harap ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
Ang aso...
*TOOOT!*TOOOOT!*
Nilingon ko ang paparating na sasakyan ngunit hindi ko alam kung bakit naistatwa lang ako sa aking pagkakatayo at dalawang segundo nalang ay mabubunggo na ako
1...
2...
Bigla akong hinila sa likod ng isang lalaki kaya natumba ako sa kaniyang bisig, samantala nasagasaan naman ang asong kaharap ko.
*dug*dug*dug*
Nakatingin ako ngayon sa asong nagulungan, labas ang kaniyang laman loob...
Hindi ko man lang narinig ang paghiyaw ng aso sa sobrang bilis ng pangyayari. Naramdaman ko rin ang pagdami ng tao sa aking paligid at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang muntik na ako maging katulad ng asong nakahandusay ngayon.
BINABASA MO ANG
Diverse
RomanceAnong gagawin mo kapag magkaaway ang inyong mga kaharian, itutuloy niyo paba ang pag iibigan o magiging masunuring anak nalang? Hanggang saan ang kaya nilang isugal para sa pag ibig? Tunghayan ang storya ng dalawang tao na itinakda para patayin ang...