Tinakpan ng lalaki ang aking mga mata at saka ako binuhat, dinala niya ako sa isang malilim na lugar kung saan kakaunti lang ang tao.

Inupo niya ako sa isang batong upuan ngunit naka alalay parin ang mga braso niya sa likod ko.

"Binibini ayos ka lang?" kitang kita ko ang pag aalala sa kaniyang maamong mukha.

Tumango tango nalang ako.

*dug*dug*dug*

Nang masilayan ko ng maayos ang kaniyang mukha, lalong bumilis ang tibok ng puso ko kaysa sa pangyayari kanina.

Kailangan ko ng tanggapin ang mga pangyayari kanina... Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili kong malunod sa ganoong maliit na pagkamatay. Sa susunod ay marami pa akong masisilayang mamamatay, at marami ring dugo ang dadanak sa aking mga kamay, marami ring matutulad sa asong nakita ko kanina. Dapat ay masanay na akong nasisilayan ang kamatayan.

Napatayo ako sa aking upuan at umiling iling. Nasa proseso ngayon ang utak ko kung saan tinatanggap ko ang mga pangyayaring naganap kanina.

Nang mahimasmasan na ako, nilingon ko ang lalaking sumagip sa akin

*dug*dug*dug*

Nakatingin lang siya saakin ngayon...

K-kanina paba siya nakatingin ng ganiyan saakin? Bigla akong namula. Siya ay dapat parusahan! May kaukulang parusa ang hindi kanais nais na taong tumititig sa Prinsesa.

"Maayos naba ang iyong kalagayan?" tanong niya saakin

Nakaupo siya ngayon at nakatayo naman ako. Kitang kita ko ang pag aalala sa kaniyang mukha...

"A-ah oo, m-maraming salamat sa iyong kabutihang loob..." 'huwag mo kalimutang bigyan ng kagalangan ang mga tao' naalala kong sinabi saakin noon ni Shiro "--Ginoo..."

"Walang anuman binibini. Mag ingat ka nalang sa susunod" Sabi niya at saka tumayo. Aalis na ba siya?

"A-aalis kana?" Tanong ko sakanya.

"Gusto mo bang manatili pa ako saglit sa iyong tabi?" tanong niya saakin at kaagad naman akong namula sa kaniyang sinabi.

"A-ah! Ang ibig kong sabihin, maaari naman kitang samahan kung nais mo" wika niya nang makita ang naging reaksyon ko. Napahawak siya sa kaniyang batok at hindi na makatingin ng diretso saakin, parang nahihiya.

May ngiti naman ang pasikretong iginuhit ang aking labi nang marinig kong sasamahan pa niya ako.

Parang noong mga nakaraang araw ay paulit ulit kong ipinagdadasal na sana ay pumayag na si ama na makalabas muli ako ng palasyo upang muli kong makita ang lalaking nasa harapan ko na ngayon.

Maraming salamat po aming Manlilikha

Muli kaming nagkatitigan sa isa't isa at hindi namin alam kung ano ang maaari naming sabihin.

"M-maaari ba kitang makilala Ginoo?" tanong ko dahil hinihintay kong ipakilala niya ang kaniyang sarili

"A-ah! Oo nga pala binibini..." pormal siyang yumuko at nagulat ako nang kunin niya aking kanang kamay at saka hinalikan ang likod ng aking palad. A-anong klaseng pagbati ang ginagawa niya?

Tumingin siya saakin at saka siya umayos ng pagkakatayo, ngunit... Hindi parin niya binibitawan ang aking kamay.

"Ako nga pala si Pri--- ah! Ang ibig kong sabihin, Lucas... Lucas Cenzi" sabi niya at saka siya ngumiti na dahilan para tuluyan nang uminit ang aking mukha. Hawak hawak niya parin ang aking kamay at ngayon naman ay nakatingin siya saakin!

DiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon