Kinuha ko ang phone ko sa aking sling bag at nag scroll lang sa IG. Free wifi naman kasi dito sa Jollibee. Habang naghihintay sa order namin at nag soscroll may naisip ako bigla na para bang may nakalimutan ako. May nakalimutan talaga ako hindi ko lang maaalala. I looked on my schedule sa phone pero wala naman. Next week pa ang mga lakad ko. Ano kaya nalimutan ko.

" Excuse me? Mind if I join you? " pag angat ko ng tingin sa lalaking nagsalita ay laking gulat ko ng malaman na si---

" F-franchesco? " parang tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan ng makita ko siya. He's holding his phone at naka cap ng black.

" I told you not to call me by that name. Hindi tayo close, so can I join you in your table?" shyts! Aziya focus nga baka naglalaway ka diyan. Tikom bibig at iwasan mong tumitig. Baka mahalata ka niyan!

" A-ah sure " 

Pa bored siyang umupo at nagtatype sa phone niya ng idontknow kung ano  Ang gwapo niya. At ngayon ko lang siya natitigan ng ganito ka close.

Parang ang swerte ko ngayong month na ito. Mas lagi ko nang nakikita si Franchesco. At hindi na ako napapagalitan ng mga subject teachers ko. Maingay kasi ako pero bawi naman sa katalinuhan. Kaya yes nalang ang mga subject teachers ko. Pero parang feel na feel ko may reason talaga kung bakit kami laging pinagtagpo ni Franchesco. Hmmmmmmm tsk Azi wag ngang assumera!

" Ah? Franchesco---"

" I said don't call me by that name " 

Omoooo? Thoseeeeee eyes. Woah ngayon ko lang natitigan ng ganito. Those brown eyes. Ayan tuloy nawawala na naman ako sa focus. Dear heart,please calm down. Chill lang tayo diyan.

" Eh anong itatawag ko sayo? Andami na kasing tumatawag ng Zeus sayo. Yes nalang kaya sa Franchesco. Yun nalang itawag ko sayo " I smiled sweetly to him, nawawala naman yung pagkakakunot ng forehead niya. Buti hindi nagalit

" Tss okay fine.  And by the way, I didn't just join you here just to chitchat. Maybe you forgot about the vlog? " he didn't looked at me at bored lang na nag-ayos umupo

" Whaaaaaaat?! Gosh kaya pala feel ko talaga kanina na parang may nakalimutan ako eto pala 'yon. Mabuti nalang sinabi mo " this time tumingin siya saken with those freaking hot intense eyes

" So you forgot about it? Damn, that's why I didn't receive any updates from you. Hey woman, just to inform you! you're the reason kung bakit ako nasali diyan sa vlog mo. I didn't want this to happen in the first place. " woah strong words. So does he mean na ayaw niya akong makasama sa vlog ko? Ayaw niya sa vlog ko? Myghad! 

" A-ah Franhesco pwede ka naman na hindi nalang sumali. Okay lang sa akin 'yon. It's not a big deal to me " 

" Well it's a big problem to me. I had a talk with my mother last night about this vlog of yours at sabi niya kapag nag back-out raw ako or give excuses para hindi matuloy yang vlog na yan she would not give me my allowance for a month. " kalma niyang sabi pero ang lalim non. Ganyan kaya siya magalit? Kalma lang pero nakakatakot.

Nothing Like UsWhere stories live. Discover now