Bakit ba sa lahat ng bagay na nagagawa ko kailangang may kapalit na di maganda.
Wala akong pakiealm kung madaming tao ang makarinig ngayon. Kahit pa ipagsigawan ko ang ginawa niya sakin gagawin ko.
"I'm sorry!!!" Umiiyak na sambit nito.
Hindi ko alam. Bakit pag nakikita ko syang umiiyak ng ganyan parang naaawa ako. Yung pag mamakaawa nyang ganyan bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko. Hindi ko alam.
"Sorry??? Bakit sa tingin mo ganun ganun nalang yun? LAHAT NG PINAG HIRAPAN KO NAWALA DAHIL SINIRA MO!!? ANO PABANG KULANG???"
"IKAW!!!" Natahimik ako sa biglang sinagot nito.
Ako??? Ako ang kulang?.
"Zorren mahal kita... Mahal na mahal.."
"Mahal??? Mahal mo nga ba ako sa ginawa mong yun?"
"Oo alam ko hindi tama ang ginawa kong yun pero sana intindihin mo naman kung bakit ko ginawa yun.."
Intindihin ang ano???
"Paano ko yun maiintindihan kung dimo naman ipinaintindi sa akin?!" Sagot ko.
"Magpapaliwanag ako Zorren" pag mamakaawa nito.
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo" madiing sabi ko at akma na sanang aalis ng bigla nalang naman itong tumawa. Nababaliw na sya.
"Pinaglololoko mo lang ako!!!" Dahil sa inis sasapakin ko na sana ito kaso biglang humarang sa harap ko si Xandrea.
"WAG!!!" Umiiyak ito.
"Wag mo syang saktan.. Wag mong saktan ang ate ko!!!"Ate nya??? Paanong?
"Ginawa nya lahat ng iyon para sayo!. Ginawa nya iyon dahil ayaw nyang mawala ka. Umalis sya ng walang paalam dahil may ayaw nyang madamay ka"
Ano nanaman bang kahibangan to.
"Anong ayaw?" Seryosong tanong ko.
"May sakit sa pag iisip si Zaira.. At ayaw nyang malaman mo yun kaya ang saktan at siraan ka ang una nyang ginawa para kamuhian mo sya kesa malaman mo ang kalagayan nya" biglang nanlambot ang tuhod ko sa sinabi nito.
Bakit hindi nya yun sinabi.
Umalis ako agad ng cafeteria. Ayoko ng maka rinig pa ng kung ano ano pang kahibangan mula sa kanila. Ayokong maniwala..Totoo ba?? Totoo ba ang lahat ng iyon? Ginawa nyang iyon lahat kundi para sa akin din lang?.
Di ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Kung ganun bakit di nya sinabi? Maiintindihan ko naman sya.
"Zorren" rinig kong pagtawag sa akin ni Panget pero nagpatuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa maka rating ako sa Private room.
"Zorren" pag tawag padin sa akin ni Panget.
*Xandrea's POV
"Good actress!" Tuwang nakipag appear sa akin si Zaira dahil kaganapan kanina. Iba talaga ako umarte. Talagang kapanipaniwala. Tsk..
"Naman. Ako pa" sagot ko. Nagtawanan lang naman kami.
"Ngayon. Madali na natin syang makukuha. Makukuha ko na ang akin" ngising sabi nito na maala demonyo.
Haha. Iba talaga sya.
*Mikay's POV
"Zorren" tawag ko dito.
Hanggang sa maka rating kami sa Proom nila ay di padin nya ako pinanasin.
Ano bang problema nito? Bakit ba sya ganito? Kung yung~
Totoo ba talaga yun? Na may sakit sa pag iisip si Zaira kaya nya nagawa iyon kay Zorren?. Pero bakit ngayon nya pa sinabi yun. Bakit ngayon pang kami na. Yung close na kami.
Hindi ko alam kung anong klaseng paki ramdam ang nararamdaman ko sa dibdib ko ngayon. Masakit, mabigat, na parang may naka tusok na isang bagay na alam kong di ko maaalis. Lalo na kaninang nakikinig ako sa usapan nilang dalawa. Hindi ko alam kung anong nangyare, kung bakit ganun ang reaksyon ni Zorren. Bakit ko ba nararamdaman to.
"Zorren.. Bakit mo pa pinatulan si Zaira alam mo namang ayaw kitang napapahamak diba"
Patuloy padin ito sa paglakad sa buong PRoom nila
"Zor~""Amira pwede ba. Wag kang umasta na parang boyfriend mo talaga ako. Ang dami kong problema ngayon. Wag mo naman nang dagdagan pa." humarap ito sa akin. Nagulat nalang ako ng makita syang umiiyak.
"Zorren hindi yun s~"
"Sa tingin mo ba madali sa akin yung ganito? Amira hindi ko na alam ang gagawin ko. Samut saring problema ang binibigay sa akin ngayon. Kaya kung dadagdag kapa wag naman na sana. Pabigat kana!!" Napako ako bigla sa ahil sa mga salitang binitawan nya.
PABIGAT.
Yan ba talaga ang tingin nya sa akin?.
"Hindi kita pinipilit na kausapin ako. Ang point ko lang sana di mo na sya pinatulan pa.." Sagot ko dito.
"Pwede ba Ami~"
"At kung pabigat lang ako para sayo edi sana hindi mo na ako pinakielaman sa buhay ko. Hindi mo na ako kinilala pa at higit sa lahat di mo na sana ako pinagpanggap na girlfriend mo kung sa simula palang pabigat na ako" sagot ko dito sabay ng pagbagsak ng luha ko.
Sumosobra na din sya. Hindi ba sya dapat masiyahan dahil sa walang humpay na pagsakay ko sa mga gusto nya.
"Alam mo hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.. Ewan ko kung anong meron dito" sambit ko sabay turo sa dibdib ko.
"Yung marinig kong pabigat lang ako at sa tingin kong dadagdagan ko lang ang problema mo. Masakit. Ang sakit sakit nun Zorren. Kung ikaw nasusulusyonan mo ang problema mo pwes ako hindi. Dahil yung sinabi mong Wag akong umastang parang totoong boyfriend kita.... Parang habang buhay nang naka baon dito.." Turo ko sa puso ko.
Sunod sunod ang pag bagsak ng mga luha ko. Ansakit sakit marinig yun sa kanya. Ansakit.
"Alam mo dapat nga talagang di ko na tinanggap pa ang tulong mo. Dahil don napapahamak lang ako. Di naman kase ako dapat talaga papayag sa pagpapanggap na ito e kung di lang dahil kay mama. Pinakiusapan nya ako na tulungan ka kahit labag sa kalooban ko dahil naiinis ako sayo pero pumayag ako dahil para kay mama. Pero sinaktan mo lang ako."
"Alam mo ha yung pakiramdam na fake lang tayo, pero tuwing kasama kita pakiramdam ko bawat galaw natin totoo.."
Pinunasan ko ang luhang bumasa sa mga pisngi ko.
"S-sorry Amira" hahawakan sana ako pero umiwas ako dito.
"Wag na Zorren. Tama na" sambit ko at lumabas na ng kwartong yon.
Narinig kopang tinawag nya ako pero di ko na ito pinansin pa.
Nasalubong ko pa sila Mikay sa labas pero agad din akong tumakbo palayo sa kanila habang patuloy ang pagbagsak ng mga luhang gustong kanina kumawala.
~*~
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..
Chapter 38
Magsimula sa umpisa