"Sayang 'yung popcorn!" dismayadong wika ng binatang si Stell.

"Masamang balita, Stell," mabilisang pagbabalita ni Justin.

"Ano ba kasi 'yun?" Nagsisimula ng mainis si Stell ngunit nagpipigil lamang siya.

"Naalala mo 'yung babae sa Japanese Club na sumalo kay Josh?"

Naningkit ang mga mata ni Stell at pilit na inaalala ang gabing nangyari sa Japanese Club, ngunit mayamaya lamang ay napangiti ito't napatango kalaunan.

"Naalala ko na, bakit ba?" si Stell.

"Pangalan daw no'n ay Ready, Ready Inusasyon-Desisyon? Basta, kasosyo niya raw ang amo ni Josh. Nagbanta na rin itong ipapakulong niya si Josh kapag nagkamali pa ito o gumawa ng kalokohan," pagsasalaysay ni Justin.

"Sabihin mo na kaya kina Dino at Emma ang tungkol diyan," suhestyon ni Stell.

"Gagawin ko na nga e. Sasabihan ko na," tugon ni Justin.

"Sasabihan nang alin?" singit ni Sejun na siyang kararating lamang nito.

Biglang natigilan sina Justin at Stell sa pag-uusap at parehas pa silang napatingin sa gawi ngayon ni Sejun na siyang nakatayo mismo sa kanilang harapan.

"Sejun!" sabay na bulalas nina Justin at Stell.

Napakunot ang noo ni Sejun habang nakatingin sa dalawa nitong pinsan. Nagtataka ito kung bakit gano'n na lamang sila gulat na gulat at kakabado. Hindi na napigilan pa ni Sejun ang magtaka sa inaasta ng mga pinsan niya.

"Ako lang ito. Para kayong nakakita ng manananggal diyan," sarkastikong wika ni Sejun at sabay hampas sa cushion na hawak nito kay Justin.

"Where's Josh? May pag-uusapan kaming dalawa," muling wika ni Sejun.

Nagkatinginan ang dalawang binata na siyang may alam kung nasa'n naroroon si Josh. Tila yata napalunok pa sa nerbyos ang binatang si Stell, samantalang hindi na nahinga si Justin ng maluwang.

Ngunit alam naman na nila kung anong idadahilan nila pareho, nakapag-ensayo naman na sila kapag dumating man ang araw na hanapin ng pamilya nila si Josh.

"Nasa camping!" sabay na tugon nina Justin at Stell na patuloy pa rin na nakatitig sa isa't isa.

Napataas bigla ang isang kilay ni Sejun at dahan-dahan itong naupo at napadekwatro kalaunan. Hindi pa rin natatanggal ang tingin nito sa dalawa niyang pinsan at sa sitwasyong iyon ay nakakaamoy na si Sejun na may tinatagong sikreto ang dalawang binata.

"Sigurado ba kayo sa sagot ninyo?" mausisang tanong ni Sejun. Akala mo'y nangangain ng tao ang binata sa sobrang takot nina Justin at Stell sa kanya.

"Final answer!" sabay sa tugon nina Justin at Stell.

Ngunit ilang segundo lamang ay mali-maling napasigaw si Stell. "No Deal, Banker!"

"Anong pinagsasabi mo Stell? Teka nga, kailan pa nagka-camping si Josh?" naguguluhang tanong ni Sejun.

Bago lamang kay Sejun na malamang nasa bokabularyo pala ni Josh ang pagka-camping. Sa hinaba-haba ng panahong nawala siya sa mansyon ay marami na itong hindi nalalaman tungkol sa mga pinsan niya.

"Tradisyon nila sa theatre, hindi na mawawala 'yon," mga palusot ni Justin na agad din namang pinapaniwalaan ni Sejun.

Ito ang sinasabi na noon pa ni Justin na madali lang mapasakay sa kasinungalingan si Sejun, basta lamang ay magaling kang mangumbinsi. Kahit paunti-unti'y nawawala na ang pagdududa ng binatang si Sejun sa mga kinikilos ng pinsan niya.

"Kung gano'n, himala yatang hindi ka kasama, Justin. Sa pagkakaalam ko, bata pa lamang tayo'y nakabuntot ka palagi kay Josh kahit saan siya magpunta." Hindi na nawala kay Sejun ang magtanong na parang nasasakdal ang kausap nito.

Montiel #1: Ready Get Set, Action!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon