"Why are you looking at me like that?" Napapitlag ako sa tanong niya.

"Huh?? Wala.. Wala.." Umiwas ako.ng tingin sa kanya. Tumabi naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Please Dianne, wag mo ng uulitin yun. Nagalala ako sayo ng husto." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko na naman ang pagaalala sa mukha niya. By instinct, nahaplos ko ang pisngi niyang may mga maliliit na bigote na tumutubo. Napapikit naman siya sa ginawa ko.

"Thank you for taking care of me. Thank you for loving me unconditionally kahit saglit mo pa lang akong nakikilala. I know it would sound so fast pero sasabihin ko lang ang totoong nararamdaman ko. Wag mong isiping gagawin ko ito dahil gusto kong makalimot. Sabi mo nga, kapag third party na ang involved ay mas madali tayong makakapagmove on. Let me say this to you. I love you too Gerald. I love you." Madamdamin kong sabi. Alam kong naibuhos ko.ang buong puso ko sa mga sinabi ko. Ayoko ng patagalin ang mga bagay na pwede ko ng sabihin ngayon.

"Y-you love me?" Hindi makapaniwalang tanong nito at hinawakan ang kamay kong humahaplos sa pisngi niya.

"Oo, Gerald mahal kita. Mahal na mahal." Nakangiting sagot ko sa kanya. Sa tuwa niya ay nayakap niya ako ng mahigpit habang ibinubulong sa akin ang mga katagang mahal na mahal niya ako.

"Nagugutom na ako, Gerald." Sabi ko. Kumalas naman siya ng yakap.sa akin at natawa.

"Sorry. Natuwa lang ako. Im so sorry. Thank you for loving me back. Hindi ka magsisisi." Sabi nito.

Nagsimula na akong kumain habang siya ay nanonood lang. Minsan ay sinusubuan ko siya. The date is June 14, 2011. The happiest date of my entire life next to my birthday.....

----

Present

Gerald's POV

May na pala ngayon. Isang buwan na lang tatlong taon na sana kami ni Dianne. I admit, naiisip ko pa din siya hanggang ngayon. Kung hindi sana siya nakipaghiwalay, masaya pa sana kami ngayon. Pero bakit ganun? Walang pictures si Dianne ni Kevin. Diba ito ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay? Puro pictures nila ni Belle ang nakikita ko. Pinagmasdan ko ang isang stoleb shot ni Dianne. Napakalungkot ng mga mata niya sa litrato. Kahit nakangiti ay mababakas ang kalungkutan sa mata niya. Bakit parang hindi naman sila nagkabalikan ni Kevin?

"Staring at her pictures again huh?" Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Si Jessica, ang fiancee ko sa isang arranged marriage.

"Just curious. It looks like she's not happy on the outcome of our break up 3 years ago." Wika ko. Alam ni Jessica kung gaano ko kamahal si Dianne. Alam niyang wala din akong nararamdaman para sa kanya at ganun din siya sa akin. Isa lang talagang arranged marriage at relationship ang namamagitan sa amin.

"Why do you say so? Is she still single?" Tanong nito at inabutan ako ng wine. Kahit arranged marriage lang ang meron kami ay nagdecide ang mga parents namin na magsama kami sa isang bahay para daw makilala namin ang isa't isa.

"According to her Facebook account, yes, she's still single." - Ako

"Hmm, do you want to patch things up with her? Wanna go back to the Philippines. I can book a flight if you want." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Maganda si Jessica, matalino at galing sa mayamang pamilya. Kagaya ko ay half chinese din siya. Pero hindi kagaya ng naramdaman ko noon kay Dianne ang nararamdaman ko para sa kanya.

"I wanna go back to the Philippines and ask her the truth. I know she lied to me. I wanna know why." Tapat na sagot ko sa kanya.

"Then Im going to book you a flight tomorrow morning. You have the right to ask her. I could sense that she also want to tell you truth." Nakangiting wika ni Jessica.

"You think so?" Tanong ko.

"Im very sure of that. Go! Fix your things. Im going to call the airline for your ticket." Iniwan na ako ni Jessica at lumabas na siya ng kuwarto. Ito na siguro ang tamang pagkakataon para magkausap kami ni Dianne. 3 years is enough. Naghilom na ang mga sugat..

-----

Jessica's POV

I went out of Gerald's room. I know he's not happy being with me. He is just following his parents' will. I knew from the start that he cannot love me the way he loved Dianne before. He didn't even know what I feel for him. I love Gerald ever since my mom brought him to our house. I thought of him that day the most perfect man for me. I want him to be happy that's why I offered him some help to go back to the Philippines. The fact still hurts. He's still inlove with Dianne. He still want her back to his life. I can see it in his eyes. My tears fell down on my cheeks. I can't forced him to love me back, but Im still praying that someday Gerald would love me more than Dianne.

I go down the stairs and pick up.the phone. As I said to Gerald, Im going to call the airline for his ticket. I decided to go with him. I don't want to lose him, I think I have to tell him what I feel.

"Hello, good morning. I want to book a flight for two to the Philippines, tomorrow, first thing in the morning.."

-----

Gerald's POV

After ko magempake, nagbukas ulit ako ng Facebook account ko. Napagdesisyunan kong imessage si Dianne at sabihing makikipagkita ako sa kanya sa Pilipinas. Pero naisip ko, mas maganda kung sosorpresahin ko siya. Sa mga pictures niya sa FB ay alam kong sa subdivision pa din siya nakatira kung saan kami nakatira dati. Hindi na siya mahirap hanapin.

Nagsscroll down ako ng mga Newsfeed nang makita ko ang post ni Dianne.

"I still want to hold you, whisper I love you in your ears. If I could turn back the time, I would go back to the day I'm still yours and you're still mine :( #sad #movingonishard"

Parang kinurot ang puso ko sa nabasa. Totoo nga ang hinala kong nagsinungaling siya sa dahilan niya noon kung bakit kami naghiwalay. At iyon ang kailangan kong malaman. Hindi ko alam kung maaayos pa naman ang lahat sa amin. Pero para pareho kaming makapagmove on ay kailangan namin ng tamang closure. Sana maalala niya pa ang mga araw na masaya kami. Sana naaalalal niya pa ang pagmamahal ko...

"When will I see you again?

You left with no goodbye, not a single word was said.

No final kiss to seal any sins.

I had no idea of the state we were in.

I know I had a fickle heart and the bitterness

A wandering eye and heaviness in my head.

Dont you Remember? Dont you Remember?

The reason you loved me before

Baby please remember me once more..."

Itutuloy...

Vote and comment xoxo

Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon