Chapter 1: Espiègle

22 2 0
                                    

Leigh's POV

*burp*

"Hala!" gulat kong usad kasabay ng pagtakip ko sa aking bibig nang marinig ang hindi ko inaasahang pag-dighay. Tumingin ako sa paligid at bahagyang nakahinga ng maluwang, nang makita na walang nakapansin o nakarinig nito. Sabagay, ano naman kung meron? Masama bang mabusog? Hehe

Tuluyan na akong lumabas sa canteen. Sinipat ko ang aking relo. Mahaba-haba pang oras bago matapos ang lunch break. Ang bilis ko pala kumain.

Nagpasya akong maglibot-libot muna. Ang daya naman kasi ni Steph. First day na first day, hindi pumasok. Wala tuloy akong kasama ngayon. Sabi niya makakapasok siya ngayon kasi a week before ng pasukan yung uwi niya galing China, pero hanggang ngayon, di pa siya umuuwi. Steph called me earlier at sabi niya na bukas pa daw ang flight niya. So, ayun, I'm expecting na sa isang araw pa makakapasok ang bestfriend ko.

I decided to go on our school's mini garden to get some fresh air. Hays. Back to school. Nakaka-stress na naman ito for sure.

"Argh" natigil ako sa paglalakad ng makarinig ng ingay na tingin ko ay sa di kalayuan. Nakumpirma ko na mula ito sa likurang bahagi ng building na kinatatayuan ko ngayon.

Nakarinig ako ng kalabog kasabay ng isang pagdaing. May nag-aaway ba? Naku! Hindi malabo.


Patakbo kong tinungo ang likurang bahagi ng gusali at hindi nga ako nagkakamali. May dalawang lalaki na nagsusuntukan. Sa pagkakatantiya ko ay mga freshmen sila.

"Itigil niyo yan!" sigaw ko sa kanila at gulat nila akong tinignan. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sumigaw. Natakot rin ako na baka madamay ako at masktan, pero siguro naman hindi sila papatol sa babae. At isa pa, as a senior, siguro may authority rin naman ako di ba?


Nakaramdam ako ng inis ng itinuloy parin nila ang pagsusuntukan matapos ako tignan. Aba't sinasagad ng mga batang 'to ang pasensiya ko ah.


Lumapit ako sa kanila at sinubukang awatin. Kahit na medyo mas may katangkaran ako sa kanilang dalawa, nagawa parin akong mahawi at matumba.


"Stop, or else I'll report you two to the principal's office!" sigaw ko sa kanila hangga't di parin umalalis sa pagkakabagsak ko sa lupa. Medyo natigilan naman sila. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Napasama ata ang pagbagsak ko.





"Stop now, idiots. I lost the mood. No fun anymore." muli pa sanang susuntok yung isa ngunit naudlot ito ng may magsalita.






Napabuntong hininga ako ng malaman kung sino ang may-ari ng boses na iyon. I knew it. Hindi na ako nagtataka. Kane Montenegro and his stupid games.




He then turned his gaze on me. He gave me a stoic look. Well, Leigh, you just intruded in his playtime. And it's not a very good move.


"No one won faggots. I have no choice but to crash both of your phones. The deal's a deal. The winner will get his phone back and the looser's phone will be crash into pieces" after hearing it, I involuntarily rolled my eyes. The lamest deal to be honest. So, he forced the two freshmen to have a fist fight. Napaka-childish.


Magpo-protesta pa lang sana sila pero nangibabaw na ang tunog ng pagsalpok ng isang cellphone sa dingding. Halatang ang lakas ng pwersa ng pagkakabato niya dahil durog na durog agad ang screen nito. Hindi pa lumipas ang ilang segundo ay malakas niyang ibinato muli ang isa pang cellphone. Halos maiyak ang dalawang tinignan ang durog na gamit nila sa lupa. Mukhang mamahalin pa naman.



He gave them a very bored look before walking away casually. Wow! Parang walang nangyari ah.


Pinakiramdaman ko yung mga paa ko. Medyo nagagalaw ko na ang mga ito. Dahan-dahan akong tumayo. Bago maglakad paalis ay tinignan ko ang dalawa na tulala parin sa nangyari. Nakaramdam ako ng awa. But, we are talking about Kane Montenegro here. Wala tayong magagawa.

It's already 12:45. 15 minutes before my next class. Akala ko late na ako.

Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko na naman siya.

"K-kane, sorry hindi ko talaga sinasadyang mabangga ka" takot na takot na sabi nung isang lalaking nakasalamin habang nakaluhod sa harap ni Montenegro.

"Did you know fag? I'm so bored as fuck right now?" nakangisi niyang sabi sa lalaki. Uh-oh. I feel bad for that guy. Kane's playtime is not yet over. Oh, let me reqoute it, 'stupid lame playtime'.

Nobody ever wished to get in his way. He loves fun. He loves to play. He treats people around him as toys. So childish.



Kane Montenegro.









That espiègle jerk.

EspiègleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon