"Nandun na kaya si Jasper?" Napaisip ako. Baka naman kaya tinext na ako ni Jasper? Sana hiningi niya kay Isabel number ko!
Tama! Talino mo talaga Sunny!
Kaya hinanap ko na yung cellphone ko sa loob ng bag ko. "Hala! Nasaan na cellphone ko?" Sabi ko at napakagat ako sa labi ko. Sinubukan ko na halungkatin ang buong bag ko pero hindi ko pa rin makita yung phone ko! Nako Sunny! Naiwan mo pa yata sa bahay!
Buong biyahe halos tuloy ako hindi mapakali, nagpapanic na ako sa kung ano pwedeng mangyari! Ano kaya sasabihin ko mamaya kay Jaspe--Clyde?! Huhuhu! Ayaw ko maging fried chicken!
"Metro Station. Maaari na po bumaba ang mga pasahero." Nang marinig ko 'yon, tumayo agad ako at nakipag-siksikan sa dami ng tao na bumababa ng tren. "Hala, anong oras na kaya?" Napaisip tuloy ako. Kanina pa daw 10AM diba sabi ni Lola? Tapos medyo matagal din yung biyahe! Sure ako sobrang late na ako! Huhuhu!
Pagbaba ko sa Metro Station, dahil malapit nalang naman, agad akong tumakbo papunta sa park. Sana talaga hindi magalit si Jasper!
"Oy ikaw taya!"
Masayang bata na mga naghahabulan ang naabutan ko nang makarating ako sa park. Napahawak ako sa tuhod ko habang naghahabol ng hininga. "Nasaan na kaya si Jasper?" Bulong ko habang pinagmamasdan ang paligid.
Pero wala siya.
Kaya umupo nalang muna ako sa bench habang pinapanood yung mga bata na naglalaro. "Umalis na kaya siya? Huhuhu." Baka kaya nagalit na si Jasper tapos sa sobrang pagkabadtrip umalis nalang?! Pero kung nandito siya, saan ko kaya siya pwedeng hanapin?
Napabuntong hininga ako. "Pero usapan namin dito kami sa park magkikita.." Sabi ko at napalingon naman ako nang biglang may kumalabit sa akin.
"Henlo po ate!" Nakangiti na sabi sa akin ng isang batang lalaki. "May winawait po ba kayo po dito po?" Sabi niya at natawa naman ako. Ang cute niya! Nasobrahan pa sa pagsabi ng po!
Pinisil ko yung pisngi niya. "Hehe ang cute mo!" Masaya kong sabi habang hinahawakan yung pisngi niya. "Oo eh. May nakita ka ba na lalaki na nagpunta dito? Matangkad siya, maputi tapos gwapo?" Tanong ko sa kanya.
Tama naman description ko sa kanya diba?! Pero mas gwapo naman si kuya Claude syempre! Hehe!
"Hindi ko po alam eh!" Sagot niya habang kumakain ng isang chocolate bar. "Kayo po ba nakita niyo po si mama ko?" Tanong niya at nanlaki bigla ang mata ko.
"Hala. Nasaan ba sila mama mo?" Nagpapanic kong tanong pero relaxed lang yung bata habang enjoy na kumakain. Nginitian ko siya. "Gusto mo samahan muna kita habang hindi nakakabalik si mama mo?"
"Jasper!"
Napalingon kami ng makarinig ako ng isang boses. Akala ko si Clyde yung tinutukoy pero hindi pala! "Baby Jasper bakit ba tumakbo ka bigla ah? Tara na mukhang uulan na!"
Isang magandang babae yung tumatakbo papunta sa direksyon namin. Siya kaya yung mommy ng cute na baby boy kong kasama?
"Mommy Auwowa!" Nakangiti na sabi ni cute na baby boy habang ngumunguya ng chocolate, natawa naman ako. Ang dumi niya kumain! "Mommy Auwowa! Look po may friend po ako po!" Sabi niya sabay turo sa akin.
Nanlaki bigla ang mga mata ko. Wait.. Aurora? Tiningnan ko yung magandang babae, malaki din yung ano niya! Yung ano! Hala! Hindi kaya siya yung Aurora na yun? Kaso baka co-incidence lang diba?!
Nginitian niya ako. "Hi! Sorry sa pag-istorbo! Ang kulit kasi ni baby Jasper bigla nalang tumakbo!" She said while giggling. "Tara na baby Jasper, hinahanap na tayo ni daddy Lean mo."
BINABASA MO ANG
The Journey Back to the Stars ★ (ONGOING)
AdventureSiya si Sunny Velasco, ano pa nga ba ang ibig-sabihin ng Sunny? Syempre, isa siyang masigla at super masayahin na bata. Ngunit dahil sa pagkawala ng kuya at mga magulang niya, maaga siyang naging ulila. Nagsimula maging tahimik, hindi palakibo at h...
Chapter 8
Magsimula sa umpisa