nandito ako ngayon sa school.

Naka upo ako dito sa may gilid ng puno sa may likod ng school.

Habang nakatingin sa kawalan bumalik nanaman sa isipan ko  mga sinabi ni joshua kahapon.

"Iba na ang mahal ko!!"

"Iba na ang mahal ko!!"

"Pineperahan lang kita!!"

"Break na tayo!"

"break! Na! Tayo!"

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.hindi ko naman kasi inakala na aabot kami sa ganito mahal na mahal ko si joshua,binibigay ko sakanya lahat wag lang syang tumingin sa iba kahit kakainin ko eh ipapakain ko nalang sakanya at ako rin ang gumagawa ng assignments nya kasi ang dahilan nya ay mahina daw sya sa mga subjects--- natigil ako sa pag mumuni muni ng tumunog na ang bell hudyot na oras na para sa unang klase kaya pumunta na ako sa classroom at pinahidan ang mga luha ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng classroom ng may marinig ako na paakyat at nag tatawanan dahil ang tabi ng classroom namin ay hagdanan patungo dito sa second floor.

"Hoy! Josh balita ko break na kayo ni isabel ah! Dahil ba yan sa maliit yang ano mo sa baba!!hahahaha"

"Gago! Hindi yun ang dahilan kung bakit ako nakipag break sakanya!"

"Ehh ano?"

"Dahil may iba na kong mahal at nakakasawa na kasi na muka nya lagi ang nakikita ko tsaka tama na ang one year ayoko na kasing dagdagan pa ang perang ibibigay nya sakin"

"Sigurado kabang mas sexy pa kay isabel yang pinalit mo?"

"Oo naman noh tara na nga baka ma late pa tayo!!"

Hindi ko na napigilan ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan at dahil hindi ko na natiis hinarap ko sya dahil papunta na rin naman sya dito.

"Whoaa!! Isabel andyan ka pala?"

Tanong ni angelo saakin na ikinainis ko naman kaya tinapunan ko sya ng mala demonyong tingin agad naman syang tumakbo paalis.

"Bakit?"

Tanong ni joshua saakin.

"Tandaan mo hindi papahuli ang karma sa ginawa mo saakin!"

"Tatandaan ko yan isabel"

"At tandaan mo rin na kaya kong mag isa kahit wala kana sa tabi ko!! At kahit hindi ako sexy kayang kaya ko namang tumbasan ng mala diyosa kong muka yang bago mo!!"

"Tss.. Isabel mahal mopa ba ko?"

"Hi-hindi!?"

"Eh bakit ganyan ka!ang pag kaka alam ko pag nag break na ang mag syota hindi na nag papansinan!?"

"Tsk!!..."

Umalis na ako sa harap nya at pumasok na sa classroom.

"Okay class pwede ko bang makuha ang atensyon nyong lahat?"

Tanong ng teacher samin kaya tumango nalang kami.

"We have a new student he's a transfery kaya be good to her"

Ohh good madadagdagan nanaman kami.

"Hello I'm ALEXANDER MAC DEFENSOR nice meeting you all"

Manghang mangha ang mga ka klase Kong babae dahil hindi maikaka ilang gwapo Ito matangkad maputi at bagay sakanya ang magulo nyang buhok.

"Okay mr.defensor you may seat on the side of ms. Melbourne"

Tskk.. Bat sa tabi ko pa!! Malamang may space pa na upuan sayo! Tanga tanga mo talaga melbourne!!.

"Okay class may gagawin pa ko sa baba kaya di muna tayo mag ka klase Ali's na ako"

Nang maka upo na sya sa tabi ko agad pumaling ang atensyon nya sakin pero bigla ring umalis ang atensyon nya sakin ng tumayo si Joshua at ang barkada nya saka lumabas.

Nagulat naman ako ng tumayo sa kina uupuan si Andrea at nag tungo sa gawi ko.

"Guys? Hindi ba kayo nag tataka na hindi na nag papansinan sina Joshua at Isabel?"

Tang ina netong Andrea nato sa harap ko pa talaga sinabi hayyss sana lang hindi kumalat sa buong campus.

"Ano Isabel?? Hindi ka mag sasalita? Break na kayo no? Sinasabi ko na nga bat isa ka lang sa mga pag lalaruan nya!"

Tumayo ako dahil hindi ko na matiis at aktong lalabas na sana ng hilahin ni Andrea ang buhok ko.

"Aray Ano ba Andrea!"

"Bakit hindi mo sabihin sa harap naming lahat na break na kayo ni joshua!!?"

"Oo break na kame!!! Masaya kana!? Masaya na kayo!!"

"Buti at break na kayo kase mas bagay pa si jhoana at joshua kesa sayo!!"

"Tinatanong koba ang opinyon mo!!?"

"Hindi...."

"Gago ka pala eh!!! Mang hihila ka ng buhok di mo man lang inalam kung sinong kinakalaban mong gago ka!!."

Sigaw ko sakanya pero Hindi pa rin sya tumigil tinulak nya ko sa pader kaya napapikit ako.

Nang buksan ko ang mga mata ko nagulat ako ng makita si Alexander sa tabi ko kaya pala wala akong naramdamang sakit dahil sinalo nyako.

--------------------------------
Author.....

Oopppss yow guys hope yahh like it😂😊

CHANGESWhere stories live. Discover now