Fast forward... Lunch na namin! So it means kailangan ko ng kumain. By the way wala naman kasi masyadong nangyari kanina sa morning class. Nag-quiz kami sa accounting and thank god nakapasa ako. Excited na ako para sa training namin mamaya.

Nandito ako sa isang kainan malapit sa school with Jessy, Paul, Mae and Gian. Nandito rin pala ang mga kasama ni Gian at Paul sa basketball team. Speaking of Gian hindi ko siya pinapansin dahil sa pag-kontra niya na makapag-training ako ngayon kahit na alam naman niya kung gaano ko kagusto ang magtraining.

"Bessy anong order mo?" tanong ni Jessy. Ano nga ba?

"Umorder ka na ng may gulay, okay yun para sa training mo Bhest" si Gian. May pa Bhest-bhest pa siya hindi ko ng siya bati eh.

"Try mo yung chicken curry masarap yun" si Paul.

"Sige yun na lang sakin chicken curry" sagot ko.

Umorder na rin sila. Si Gian at Paul ang nag-sabi ng order namin. Hindi ko alam kung napapansin ni Gian na naiinis ako sa kanya o wala siyang pakialam? ewan bahala siya. Maya-maya dumating na ang order namin at nag-simula na kaming kumain.

"Uy hindi akin yan. Wala ako inorder na ganyan" may mga pagkain kasi na itinapat ni Gian at Paul sa akin pero hindi ko naman inorder

"Inorder ko yan para sayo to sure na hindi ka na ulit mahihimatay dahil sa gutom. Ayoko kasing nagugutom ang taong mahalaga sakin" si Paul.

"Here eat this. Kailangan mo yan" sabi ni Gian sabay lagay sa plato ko ng mga pagkain na inorder niya.

"Pre bigyan mo rin girlfriend mo baka gusto niya. Dapat pinapakain mo din ng madami yan. Wag laging si Meg, nandito naman ako para alagaan siya" sabi ni Paul. Ano ba ang nasa isip ni Paul? Minsan nakakainis na rin ang pagiging prangka niya

"Kuna anong inorder ko yun lang ang kakainin ko. Pwede ba tumigil na kayo" pinag-patuloy ko na ang pagkain ko. Si Jessy parang walang pakialam kain lang siya ng kain. Nahihiya ako kay Mae dahil feeling ko napapabayaan na siya ni Gian dahil sakin.

Maya-maya natapos na kaming lahat kumain. Kung kanina si Gian lang ang hindi ko pinapansin ngayon pati si Paul na rin. Si Gian ayaw niya ng pinangungunahan at pinakikialaman siya kaya siguro inis siya kay Paul. Hindi sa lahat ng pag-kakataon ay nakakatuwa ang pagiging straight forward ng tao minsan nakakainis din.

"Bessy ano ba ang problema ng dalawang yun? lagi na lang nag-tatalo" sabi ni Jessy

"Ewan ko ba hayaan mo sila. Hindi ko alam kung ano ang problema ng dalawang yan. Parang laging may LQ!" sagot ko. Parang aso at pusa lagi pag nag-kakasama.

"Wala ka ba napapansin kay Mae?" tanong ni Jessy. Sa totoo lang meron.

"Medyo tumahimik siya compare noong nanliligaw pa lang si Gian. Yun ba napansin mo?" sabi ko kay Jessy

"Oo. Pag-magkakasama tayo hindi siya nag-sasalita. Pag-tinanong lang siya tsaka lang siya nag-sasalita. May problema kaya sila ni Gian?" tanong ni Jessy. Hindi na kasi kami nakakapag-usap ni Gian kaya hindi ko siya natatanong tungkol sa kanila ni Mae.

"Hindi ko alam" sagot ko kay Jessy. Ano ba naman akong klaseng bestfriend hindi ko alam kung may problema ba siya o ano tss.

Nang makarating na kami sa room si Jessy lang ang kasama ko. Si Gian kasi hinatid si Mae sa room niya at si Paul naman kasama ang mga barkada niya.

"Bessy may training ka mamaya noh?" tumango ako bilang sagot "Hindi natuloy training namin next week na lang daw. Pero pinapapunta kami mamaya dun sa gym para daw mag-meeting" sayang naman excited din si Jessy mag-training eh

My Bestfriend until the end (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon