"Bakit sabi ni noona, noon daw. Hindi ka na ba fan namin?" Malungkot niyang sabi. Nanggigilid ang luha sa mata niya. Ayoko pa naman ng may umiiyak sa harap ko. Medyo iyakin na nga ako tapos ganito pa yung nasa harap ko. Edi pag nagkataon, mag-iiyakan na lang kaming dalawa?

Pinagpatuloy ko lang ang paglalagay ng table mat paikot sa lamesa. Wala akong maisip na isasagot sa sinabi niya eh. Parang mas mahirap pang kalkulahin sa pinakamahirap na formula sa math.

Binalingan ko ulit siya ng tingin. Malungkot ang mukha niya at halatang nag-aantay ng sagot. Eh kase pag sinabi ko na hindi na ko nila fan, baka masaktan siya. Ayoko namang magpapractice sila na malungkot si haechan dahil lang sa sinabi ko.

"Dahil ba sa nangyari sa inyo ni hyung?" Mas lalo akong nawalan ng maisasagot sa kaniya. A 21 year old man asks me if I'm not a fan of them anymore?

Parang kailang lang, mas matangkad na sakin ngayon si haechan. Napag-iwanan na talaga ang height ko. T.T

"I'm old enough to be a fangirl anymore." Hindi ko alam kung bakit  yun ang nasabi ko. Pero totoo naman diba? Masyado na kong matanda para maging fangirl nila. Kase kung babalik ulit ako sa pagiging fangirl nila, lahat ng kirot, hapdi sakit, mga masasamang salita na ibinabato nila sakin? Pakiramdam ko lahat ng yun ay unti-unti ring babalik.

Wala na din naman akong patutunguhan kung sakaling mag fangirling ulit ako. Isa na lang akong katulong, normal na taong namumuhay kasama ang baliw nakaibigan nito. Siguro nga sinayang ko yung isang katulad ni Lee taeyong. Iniwan ko siya na pwede ko namang ipaglaban, pero sumuko ako.

Dahil sa takot.

Napahilot ako sa sentido ko. Ano na naman ba 'tong mga iniisip ko?

"Bakit ako? It's been five years ago na noona." Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya.

"It's been 5 years?"

"Yeah. It's been 5 years na pero hanggang ngayon, umaasa pa din ako na magkakabalikan kayo ni hyung. Kahit komplikado ang lahat." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni haechan. Ano bang ibig niyang sabihin? Bakit hindi ko maintindihan?

"Alam mo haechan, pumunta ka na doon. Wag na natin pang pag-usapan ang ganyang mga bagay. Nakaraan na yun. Past is past. Kalimutan na natin yun. Let's all together try to move-on of what happens ago. Hindi na yun maibabalik."

Ngumiti siya ng tipid at saka tumalikod. Ayoko lang talaga napag-uusapan ang nakaraan. Isang masamang alaala na lang yun sakin lahat.

Nagpractice sila ng isang beses. Pinapanood ko lang sila habang sumasayaw. Pasaway din talaga si roxanne. Nagpapractice yung NCT tapos siya nakikisali din. Siya ang pumalit sa pwesto ni taeyong sa sayaw pansamantala.

Natutuwa naman sila jaehyun dahil talaga namang nagagawa niya ang mga movements ni taeyong. Even yung ending na halos mag split na sila, nagawa niya rin.

"Ilang buwan mong pinag-aralan yung choreo namin?" Tanong ni taeil sa kaniya.

"2 months."

"Pwede nang member ng NCT." Nagulat ang lahat ng biglang magsalita si jaehyun. Tinitigan ko si roxanne na umuusok na ang pisngi dahil sa kilig.

"Yun oh!" Hiyaw ni yuta.

"Ayieee!! Ikaw 97 boy ah! Pasimple ka pa!" Asar din ni winwin.

"Ikaw din kaya. 97 boy ka din." Mas lalong lumakas ang tawanan at asaran. Nagulat din ako sa sinabi ni jaehyun. Hindi na nga siguro siya naiinis kay roxanne. Sinunod din naman kase ni roxx ang sabi ko na huwag siyang magdidikit kay jaehyun.

"Nagkakamabutihan ang dalawa." Ani johnny.

"Oo nga!" Sang-ayon nila mark at haechan.

"Eh kayo jewel? Kailan ba ulit kayo magkakamabutihan ni taeyong?" Yung tawanan biglang nawala. Nanahimik lang ako at hindi sinagot si doyoung.

He Who fell in love with me |COMPLETEDWhere stories live. Discover now