Feels

476 8 13
                                    

pilosopotasya

Wala nang atrasan 'to! Gora na kung gora. Wala nang filter-filter sa mga words (slight lang) kasi nag uumapaw na ang feels ko. I just want you guys to know na talkshit ako in a way na di ko tinutupad mga sinasabi ko.

Hingang malalim.

Aaminin ko na ayaw ko talaga sa mga GxG o may mga LGBT na magka relasyon. Kasi sorry for the word talaga, nandidiri ako.

Di ko alam kung dahil ba sa straight ako o sadyang maarte lang talaga. Wala naman talaga akong problema sa mga katulad nila. Yes. They could do whatever they want. Pero di talaga ako comfortable pag nakakakita ng mga ganyang couple. Sa pictures pa nga lang ayoko na what more kung sa personal pa.

But then LS4N1 happened.

Di ko alam kung maiinis ba ako kasi medyo kumalma na ako na medyo hinaluan ng kilig o matutuwa kasi at least composed na ako at masasabi ko na ng maayos ang mga feels ko.

Ayoko rin namang mag caps lock kasi feel ko ang jeje ko. Ano ba yan. Dami kong arte sa buhay hahaha.

Characters

Nagustuhan ko yung pagiging raw and flawed ng mga characters (kung ganun man sila). Nahulog ako sa mga asaran nila. Yung tipong mapapa shet ka na lang, magpipigil ng ngiti (na di rin naman mapipigilan), mararamdaman mo talaga kung ano yung nararamdaman nila.

Tagos siya shet.

Gusto ko yung mga conversations nila na tipong kahit ano-ano na lang pinag-uusapan. Mapa may sense man o wala nandoon pa rin yung feels.

Ang character ni Kaye Cal is pinapaunawa ang mga readers tungkol sa side ng mga katulad nila. Gusto ko yung thoughts niya tungkol sa mga bagay-bagay. Gusto ko yung pagpili niya na doon na lang dumaan instead na sa tamang daanan. Perfect example yung character niya sa kasabihang, "Sometimes we make the wrong decisions in order to get to the right destinations." Di ko lang talaga sure yung exact words pero same lang yung thoughts nila.

Ang character ni Rayne ay well... masasabi kong relatable. Siguro. O baka sa iilan lang. Isa kasi akong fan. And as a fan, syempre todo admire at suporta sa idols mo. Yung tipong kahit tao lang siya gagawin mo pa ring bituin na palagi mong aabangan sa itaas ng rooftop/bubong niyo.

Nakaka relate rin ako sa pagiging writer niya kahit na writer wanna be lang naman ako. Kahit na isa lang naman siyang ordinaryong mamamayan ng Pilipinas na nakadagdag na sa bilang ng mga unemployed (ayon yan sayo ate Rayne hahahaha) sinubukan niya pa ring lumabas ng comfort zone niya at sumugal kahit walang kasiguraduhan.

Plot

Napaka payak ng plot. Hindi siya yung tipong may magkaka amnesia, may mamamatay o kung ano man. Though I mean no harm sa mga ganyang stories because I'm also fond of plots like that. Taray napa English na ang patatas niyo.

Kasi nga naman ang mundo ay puno ng uncertainties at napaka complex na. Naiintindihan ko naman na may mga boring ang buhay kaya nagbabasa ng stories sa wattpad para maghanap ng thrill at may iba namang sa sobrang complicated,  daming ganap at responsibilities ay mas pipiliing magbasa ng mga simple lang para mag unwind o kung ano man.

Ang kuwentong ito ay may mixture ng pagiging complicated at the same time ay simplicity. Basta naglalakad lang sila but then yung conversation nila kung saan-saan nakakarating.

Kilig Lines

Sa sobrang dami ng kilig lines na nabasa ko di ko na alam kung alin yung ilalagay dito. Hahahaha. Pero itong mga 'to talaga yung mga tumatak sa mumunti kong hearty-heart. Linagay ko pa ang mga ito sa My Day ko sa messenger.

Feels For EveryoneWhere stories live. Discover now