Kaya naman naiwan ako sa sala. Ako ba talaga ang mali? T*ngina! Nagsinungaling sila sa akin eh! Sa tingin ba nila makakabuti sa akin kung magsisinungaling sila?!
Umalis ako sa sala at umakyat sa kwarto ko.
*End of Flashback*
Nasa garden ako ngayon. Tama nga si Violet ako ang mali. Dapat nakikinig muna ako sa mga paliwanag nila. Nauunahan kasi ako ng emosyon ko eh.
Nakaupo lang ako sa damuhan at nakatingin sa langit.
Buti pa yung langit ang payapa lang. Hayst. Kailan kaya aayos 'tong buhay ko?
Nagulat ako nang may biglang umupo sa tabi ko.
Si Violet pala.
"Okay ka na ba?" Tanong niya.
"Violet.." Tawag ko sakanya. Tumingin siya sa akin.
"Sorry. Ako talaga yung mali eh. Dapat talaga pinakinggan ko muna yung paliwanag niyo eh. Sorry talaga. Naunahan lang ako ng emosyon ko." Sabi ko kay Violet at ngumiti siya.
"Okay lang yun. Lahat naman ng tao nagkakamali eh. Tsaka it's a lesson. Na dapat baguhin mo yung attitude mo na yun. Kasi hindi maganda yun." Sabi ni Violet.
"Oo. Babaguhin ko yun. Paano kaya ako hihingi ng tawad kay Renz?" Tanong ko.
"Yung totoo. May gusto ka ba kay Renz?" Tanong ni Violet.
"Maybe?" Sabi ko.
"Ikaw ha! Di nga? Gusto mo siya?" Tanong ni Violet.
"Mas nauna ko talaga siyang makilala kaysa kay Fionix. Dati kasi talaga nangako siya na papakasalan niya daw ako. Syempre kinilig ako nun kahit bata pa ako whaha! Dati palang din gusto ko na siya tsaka sinubukan ko siyang hanapin but di ko talaga siya mahanap. Ayun pala last name niya yung binigay niya sa akin!" Sabi ko habang tumatawa.
"Wait nga. Bakit sa akin mo sinasabi yan? Ba't di mo siya kausapin? Ngayon pa naman ang alis nun. Bilis na puntahan mo na Dela Vega Airport! Naku! Sige ka! Di mo na siya maabutan!" Sabi ni Violet.
"What?! Bakit sa airport?!" Tanong ko.
"Aalis yun eh. Pupunta sa ibang bansa. Mga taon siguro bago siya bumalik." Sabi ni Violet.
"Sh*t! Ba't ngayon mo lang sinabi?! Ang daldal kasi eh. Bye na ha!" Sabi ko at nagmadaling umalis. T*ngina! Sana di pa nakakaalis si Renz! Lagot siya sa akin kapag iniwan niya ko!
Nagmadali akong sumakay sa kotse ko. At pinaandar na ito. Buti nalang medyo malapit dito yung airport na yun!
Nang makarating ako sa airport ay hinanap ko na agad siya. Tatawagan ko nga siya.
Tinawagan ko si Renz. At ilang ring bago niya sinagot ang tawag ko.
"Hello?" He said.
"Anong hello ka diyan?! Nasan ka!" Pasigaw kong tanong.
"Woah! Ang init agad ng ulo ha! Bakit mo ba ko hinahanap?" Tanong niya.
"Basta! Nasan ka ba?!" Tanong ko.
"Nasa airport." Sabi niya.
"San banda?" Tanong ko.
"Malapit sa counter. Mamaya nalang paalis na yung eroplano eh." Sabi naman niya. Shete! Saang counter?!
Naghanap ako ng naghanap.
At halos lahat na ng counter ay napuntahan ko na. Pero..
Wala siya..Kasalanan ko 'to eh!
Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Kaya naman umupo nalang ako sa waiting area.
Pero nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin.
Tinignan ko ang katabi ko at nakita ko don si----
Si Clarrenz.
Pumatak ang isang luha mula sa aking mga mata.
"Huy. Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.
Niyakap ko nalang siya. Ayokong iwan niya ko.
"Huwag mo akong iwan, Renz. Di ko kaya. Pasensya na sa naging ugali ko. Pero pinagsisisihan ko na yun. Sana mapatawad mo ako. At gusto kong malaman mo na simula pa nung una ikaw pala talaga ang mahal ko. Simula pa lang nung bata tayo. Di ba nangako ka na papakasalan mo ko? Kaya huwag mo akong iwan." Sabi ko habang humihikbi.
"Huwag ka na ngang umiyak. Di totoo lahat ng sinabi ni Violet. Di ako aalis. Yung pinsan ko yung umalis. Hinatid ko lang siya." Sabi niya naman. At nagulat ako dahil nagsinungaling nanaman si Violet. Yung babae talaga na yun! Nagdrama pa ako dito! Tapos charot charot lang pala! But thanks to her. Naamin ko na din kay Renz na gusto at mahal ko siya.
"Bwiset talaga yun. But totoo lahat ng sinabi ko ha." Sabi ko.
"Naniniwala naman ako kahit kaunti. Pero di ako maniniwala hangga't di ka nag i-i love you sa akin at kumikiss. Sa lips ha!" Sabi niya at pinalo ko siya sa braso niya.
"Kainis naman eh!" Sabi ko.
"Sige na. Isa lang please." Sabi niya.
"Ayoko nga!" Sabi ko naman.
"Sige na naman. Sofia naman parang isang---" Di ko na siya pinatapos magsalita dahil hinalikan ko na siya.
At niyakap niya ako.
"I love you Collin." Sabi ni Renz at niyakap ako.
"I love you too, Tex." Sabi ko naman at hinalikan niya ako sa noo ko.
Simula pa pala talaga nung una siya na yung nakalaan para sa akin.
-END-
BINABASA MO ANG
Simula pa nung una
Short Story[Completed✔] Started: January 31, 2018 Completed: February 09, 2018 Lilimutin ang damdamin isisigaw nalang sa hangin. Mahal kita. Mahal kita... Highest reached rank: #01 in completed story [July 17, 2018] #47 in pop fiction #44 in sad story
Epilogue
Magsimula sa umpisa