Let’s get it on like Marvin Gaye

Like Hathaway

Write a song for you like this

You’re over my head

I’m out of my mind

Thinking I was born in the wrong time

One of a kind, living in a world gone plastic

Baby you’re so classic’

     “Hello!” bati ko.

    “ANTAGAL MO NAMANG SAGUTIN!” pasigaw niyang bati sa’akin.

    “WAG KANG SUMIGAW! HINDI AKO BINGI!” pasigaw kong sagot sakanya.

    “Okay! Sorry! Wag kang magalit!” depensa niya “Eh kasi naman antagal mong sagutin yung tawag eh.” reklamo niya.

    “Eh favorite ko yung kanta sa ringtone ko eh!” sagot ko.

Nagtataka na ba kayo kung sino si Erebus?

Well kami lang naman ang mag bestfriend simula pagkapanganak palang naming dalawa.

Halos sabay pa nga ang birthday namin eh. Nauna lang siya ng isang araw sakin.

Pati ng pangalan naming parehong kinuha sa Mythology.

Kung ‘Spirit of Simplicity’ ang akin, ‘God of darkness’ naman ang kay Erebus.

Hindi ko nga alam bakit yun yung napili nilang ipangalan sakanya eh. Eh opposite naman yung meaning sa personality niya.

At dahil mag bestfriend ang Papa niya at Papa ko, magbestfriend din kami.

17 years na kaming magkadikit ni Erebus.

Lahat ng problema ko, alam niya. At lahat din ng problema niya, alam ko.

At dahil walang secret na hindi alam si Erebus tungkol sa’akin, syemore alam din niya ang tungkol kay Patrick. 

   “Yan kasi! Alam mo namang importante yung araw na’to para kay Tita tapos wala ka pa. Syempre magagalit yun sayo!” sermon niya.

    “Eh malay ko bang makikita ako ni Patrick sa daan!” sagot ko.

    “Psh! Patrick Patrick! Kung ako si Tita, hindi lang sermon ang aabutin mo sakin. Ibibitin pa kita patiwarek!” pagalit niya.

    “Okay! Okay! Tama na! I had enough sermon for today. Okay? Sige na! Matutulog na ako. May pasok pa ako bukas.”

    “Osige, ako din! Palipasin mo muna yung galit ni Tita bago mo siya kausapin, okay? Okay! Goodnight bespren!” paalam din niya.

    “Okay! Goodnight din bespren!” paalam ko din atsaka inend ang tawag.

Pagtapos ng usapan naming ni BFF, dumiretso na ako sa pagtulog ko.

*Kinabukasan*

Anong oras palang gising na ako.

Feel ko kasing maglambing sa Mama ko eh.

Alam niyo na, may kasalanan ako diba?

Kaya yun, kahit hindi ko forte ang magluluto, ginawa ko padin para sa Mama ko.

Sana lang hindi ko masunog yung bahay namin.

*15 minutes later*

"Ano ba 'to! Kanina ko pa binabasa tong box ng pancake mix pero hindi ko nakukuha yung tamang mixture ng mga ingredients. Pang limang box ko na 'to ah!' inis na sabi ko sabay lamukos ng mukha ko sa sobrang inis.

Strangers [ON-GOING SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon