"S-sa Australia... Doon ako tumira kasama ang pamilya ko." Saad niya.

Napansin niya ang paglingon ni Chance sa kanya. Napatigin siya rito at napansin niya na nakatiim ang bagang nito at madilim ang anyo.

"Doon ka lang pala? Chance-"

"Babe... Let her eat first." Pagsingit ni Duke sa asawa nito. Namula ang asawa nito at napatingin kay Chance bago tinikom ang bibig.

"S-sorry." Paumanhin nito bago nagsimulang kumain...

Noong una ay tahimik lamang sila hanggang sa hindi na napigilan ng mga babae ang magkwento at magtanong-tanong.

It's a good thing that Alora never mentioned about Baby Chester... She was still not ready to spill the bean to her friends and especially to Chance..

Kahit ang mga lalaki ay nagsisimula nang sumali sa usapan. Tanging si Chance lamang ang tahimik at nakatitig lamang sa kanya... Hindi niya tuloy alam kung maiilang ba siya dahil sa paraan ng titig nito. It's too intensified and deep.

Alas diyes na ng gabi ng mag-aya ng umuwi si Alora. Baka daw kasi magising ang bunso nila at hanapin si Leo kaya sumangayon narin sila na umuwi at medyo lasing narin ang ibang lalaki lalo na si Chase na puro tawa na lamang ang ginawa.

Hindi siya uminum dahil nag b-breastfeed siya kay Chester. Ganoon din sa Chance na tahimik lamang buong oras.

Papalabas na siya ng restaurant noon upang tumawag ng taxi. Hindi siya nagdala ng sasakyan dahil ginamit ito ng kanyang mommy at hindi pa siya nakakabili ng sarili kaya wala siyang choice kung hindi mag taxi. Ayaw niyang rin naman na sumabay sa iba dahil out of way siya.

Nasa labas na siya at patungo na sana sa kalsada ng may itim na Lexus ang huminto sa harap niya. Nang bumaba ang salamin ng driver seat nito ay bahagya siyang napaatras lalo pa at bumaba ang may-ari.

"Going home?" He asked coldly.

Tumango siya ng bahagya. "Y-yeah." Hindi niya alam ang sasabihin rito. Awkward pa ata sila dahil hindi naging maayos ang huling pagkikita nila.

"I'll drive you home." Wika nito.

Mabilis na umiling siya.
"No! No need!" Shit! Natataranta na siya.

Kumunot ang noo nito. "Why? There is no taxi in this hour already." Wika nito.

Napalunok siya at napatingin siya sa kalsada. Wala nga taxi ang dumadaan. Kahit nga private vehicles ay madalang. Shit!

"M-mag papasundo nalang ako."

"I'm already offering you a ride yet you want someone to pick you up?" May inis sa tinig nito.

Kumunot ang noo niya rito. "Why are you offering by the way?" Tanong niya rito.

Suminghap ito at pumikit ng mariin. "Bakit masama ba?"

"Uh.... The last thing I know, you are my ex husband and we don't have a good ending." She said straight forward.

Kumunot ang noo nito at huminga ng malalim. "Just get inside, will you? I also want to talk."

Umirap siya. "Gusto mo lang pala makipag-usap." Saad niya bago sumakay sa passenger seat. Medyo nanginginig pa siya sa kaba at sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

Hindi siya lumingin rito ng sumakay siya. Ngunit kumunot ang noo nito ng marinig niya ang pagsinghap ito at mariin na mura. Napalingon siya rito at makitang nakapikit ito at namumula ang mukha.

"O-okay ka lang?" She asked in worried tone.

Ilang segundo muna bago ito dumilat at huminga ng malalim. "Yeah.... Where do you live?" Tanong nito.

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon