Chapter Fourteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit ang gwapo niya?

========

Paula's POV

"Mahal na prinsesa, Pumili daw po kayo ng sosoutin niyo para mamayang gabi."

Napa-irap ako. Tumayo ako sa kama ko at kinuha ang itim na cocktail dress mula sa kanya.

"You may go" sabi ko at tumalikod na. Padabog akong napaupo sa kama ko.

Ugh!

Anong meron mamayang gabi?

Tss. Ipapa-alam lang naman nila mama na ako at ang bastos na si Adrian na ang panandaliang mamamahala sa buong kaharian.

Okay na sana kung ako lang eh. Kakayanin ko naman siguro kapag mag-isa lang ako eh. Bakit kailangan pang may ganun?!

"Prinsesa Paula~"

"Wag mo muna akong kausapin akira. Wala pa ako sa mood." sabi ko sa kaibigan ko.  Humiga ako sa kama kaya gumapang siya at tumabi sa akin.

"Importante ito Prinsesa." sabi niya. Umupo ako at hinawakan siya. Ang cute ng alaga ko. Isa siyang ahas na kulay dilaw. Nakita ko lang siya sa gubat nang naligaw ako noong bata pa. At siya ang tumulong sa akin para makabalik ako sa palasyo.

"Fine. Ano ba yon?" tano ko sa kanya.

"Sumunod ka sa akin prinsesa Paula." gumapang siya palabas ng kwarto ko kaya sinundan ko siya. Nakarating kami sa isang malaking silid na puno ng mga libro. Mayroon din kaming nakikitang mga larawan ng aming mga ninuno.

"Ito mahal na prinsesa. Basahin niyo po ito." inabot niya sa akin ang isang libro.

"Ano ito?" tanong ko. Ang creepy ng libro nato ha. Puno ito ng alikabok kaya pinagpagan ko ito.

"Propesiya? Ng alin?" tinignan ko si Akira.

"Hindi ko rin alam kung tungkol saan iyan. Pero malakas ang kutob ko na dyan malalaman kung ano ang pwedeng mangyari sa inyong mga bampira at sa mga tao.."

Binasa ko ang libro. May nababasa akong tungkol sa mga ninuno namin ay sa mga taong namatay dahil sa pagkakaroon ng kasintihang bampira.

Napa-hawak ako sa bibig ko.

Kinalkal ko pa ang pahina ng libro saka ko napansin ang nakatuping pahina. Tinuklap ko ito at tumambad sa akin ang larawan ng isang babae...

"Si Trix yan diba?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Akira. Si Ate Trix?

Sinuri ko pa ang mukha ng babae. Ang mata niya... Ang ilong niya.... At ang buong mukha niya.

Si Ate Trix nga talaga ito!

Pero papaano napunta ang imahe ng mukha niya sa librong ito?! Anong ibig sabihin nito?!

"May nakalagay na mensahe  sa likuran mahal na Prinsesa."

agad kong tinignan ang likuran at binasa ang nakalagay dito.

Habang binabasa ko ito ay hindi ko mapigilang kilabutan. Sa nababasa ko ngayon... Parang biglang nagbago ang pananaw ko kay ate trix.

Ngayon, Alam kona kung bakit siya inampon nila mama. Kung bakit ayaw nilang nakikitang nasasaktan at nalalagay sa panganib ang buhay niya.

Iba pala talaga siya....

"Mahal na prinsesa.... Siya ay.."

"oo Akira. Tama ka sa hinala mo.. " Sabi ko sa kanya saka ulit ibinalik sa pwesto ang libro. Sapat na para sa akin ang mga nalalaman ko.

"Eh papano kung kamukha lamang niya iyon mahal na pRinsesa?"

"Iyan din ang nasa isip ko ngayon akira. Pero papaano kung siya nga ang babaeng yon? Papaano kung dumating ang araw na aminin niyang siya yon? Papaano na tayo? " sabi ko. Hindi ko parin maalis sa isipan ko ang mga nalaman ko. Hindi ito pwede.

"Sana.... Hindi ganun ang mangyari.." sabi nito at nauna nang umalis. Naiwan akong nakatulala.

"Sana nga... Sana..."

====

AN:
Ang daming gulo ano?!

Sa mga nagtatanong kung kelan mangyayari ang kasalan. Bukas po! Haha dijokelang!

Hindi pa nga eh. Basta. Darating din tayo jan.

Sa ngayon,tungkol muna sa problema.

Wala eh. May pinaghuhugutan si author . ;)

Next UD on Saturday.

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon