Chapter Twenty: Face Mask

Magsimula sa umpisa
                                    

"Isa pa, sigurado naman na wala sa kanila ang gustong manira sa atin eh" ang komento ko habang pasakay ng kotse niya. 

"What do you mean?" ang tanong naman ni Luke nang pasakay na rin siya ng kotse. 

"Eh, baka kasi nasa paligid mo lang" ang tugon ko. 

"Parang wala naman" ang komento niya. 

"Masyado ka lang kasing mabait" ang pabulong kong sabi sabay dampot ng buhok sa t-shirt ko at tapon sa labas. 

"May sinabi ka?" ang tanong niya. 

"Wala" ang tugon ko naman. Nanahimik kaming dalawa. 

"May kakaiba talaga sa'yo ngayon" ang pagbasag niya sa katahimikan. 

"Huh?

"Nevermind. Baka gutom lang to" ang tugon naman niya. Napabikit-balikat naman ako. "Gusto mong sa bahay matulog?"

"Uhm, sa boarding house na muna ako" ang tugon ko naman. "Magrereview para sa exams. Alam ko rin naman na kailangan mong magreview"

"Eh, pwede naman tayong magreview magkasama"

"Hay naku. Ibang pagrereview ang paniguradong magaganap"

"Ano naman?" ang maang-maangan niya.

"Malamang. HUMAN ANATOMY!" ang tugon ko naman na ikinatawa niya.

"Hindi ba Geography?" ang tanong niya.

"Ha?" ang reaksyon ko. "Hindi ko nagets ang koneksyon ng Geography"

"Cause you want it deeper, di ba?" ang tukso niya sabay kindat. Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi niya.

"Ewan ko, sa'yo" ang komento ko sabay hampas sa balikat niya. Mas lalo naman siyang tumawa ng malakas. "Lakas ng tama ng lalakeng to."

"Oo. Lakas ng tama ko sa'yo" ang banat na naman niya. Napaikot naman ako ng mata. At napangiti sa kakornihan niya. "But seriously, sa bahay ka na matulog."

"Sa tingin ko... mas makakabuting wag na muna."

"Hindi mo na ako mahal" ang sabi niya.

"OA ah!"

Nagpuppy dog pout naman siya.  Hinatid naman niya ako sa boarding house at hindi na ako pinilit na sumama sa kanya. Pumasok ako sa kuwarto namin ni Zeke at linapag sa mesa ang binigay nila Bloom. Wala pa ang roommate ko. Nagbihis ako agad ng pambahay at dumeretso ng banyo para maghilamos. Pagkatapos makapaghapunan ay dumeretso ako ng kuwarto at sinimulang magreview. Kasalukuyan kong binabasa ang mga theories sa subject na Literary Criticism nang makaramdam ako ng ngalay sa leeg ko. Napatingin ako sa bag na binigay ni Bloom. Kinuha ko naman yun at linabas ang mga laman. Isa-isa ko naman yung tinignan. May face moisturizer, facial foam, face mask, toner atbp. May nakalagay namang note kung anong uunahin kaya naisipan kong subukan. Una akong nagtungo ng banyo para gamitin ang facial foam. Pagkatapos ay yung nagmamagandang toner.

"Ang hapdi sa mata" ang reaksyon ko naman. Habang ipinupunas sa aking mukha ang bulak. Tapos yung facial mask naman ang sinuot ko. Nakasara ang mga ilaw at ang night lamp lang ang naka-on. Mas nakakapag-concentrate kasi ako sa pag-aaral pag yun ang gamit ko. Pinatay ko naman yung nang sandali. Sa totoo lang pagod na rin kasi ang mga mata ko. Napapapikit ako nang binalot ng kadiliman ang kuwarto. Narinig kong nagbukas ang pinto. Batid kong kararating ni Zeke.

"Wala pa siya" ang bulong niya. Alam kong ako ang sinasabi niya. "Nasa bahay ata nila Luke; gumagawa ng bata"

Tumawa naman siyang mag-isa. Napakunot naman ako ng noo sa aking naririnig. Wow ah. Binuksan niya ang ilaw.

"Hoy" ang sabi ko.

"AAAAY, PUT- PUT YOUR HEAD ON MY SHOULDERS!!!" ang sigaw niya nang makita ako dahil sa gulat. "Xean?"

"Oo" ang tugon ko naman.

"Ginulat mo naman ako" ang sabi niya. "Andito ka?"

"Malamang kuwarto natin to. Mag-roommate tayo"

"Ang ibig kong sabihin. Bakit wala ka kila Luke?"

"Kailangan naming magreview" ang tugon ko naman. Napatango naman siya. Naghubad naman siya ng sapatos. At tag-iisang tinanggal ang butones ng polo niya. Dinampot ko naman ang isang stuff toy sa mesa ko at binato sa kanya. "Magsabi ka naman kung magpapalit ka"

Tumalikod naman ako.

"Nahiya ka pa" ang komento naman niya sabay tawa. Susme tong si Zeke. Kahit kailan talaga.

"Uhm, Zeke. Pwedeng magtanong?" ang tanong ko.

"Uhuh" ang tugon naman niya habang nagpapalit pa rin siya.

"Hindi ba naging awkward sa'yo na ako ang roommate mo?" ang tanong ko.

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi bakla ako?"

Natawa naman siya.

"Iniisip mo ba na iniisip ko na one of those days gagapangin mo ako?" ang tanong niya sabay tawa. "Minsan"

"Gago!" ang reaksyon ko naman.

"Never naman akong nakaramdam ng awkwardness towards you, Xean. Tinuring na rin kasi kitang parang kapatid. So, I feel very comfortable. At kailangan ba kitang tinuring na iba? Never naman di ba? At never din kitang pinag-isipan ng masama. You're not that kind of person. All I ask, Xean. After we part... wag mo ako kakalimutan."

Bigla naman akong nalungkot sa huli niyang sinabi.

"Oo naman" ang teary-eyed kong tugon. "Ano ba? Wag ka ngang emo diyan Zeke! Yan ka na naman!"

"Masaya lang ako na nakilala kita at nasubaybayan ko ang landian niyo ni Mr. Kimchi mo" ang tugon niya sabay tawa.

"Magbestfriend na nga kayo eh" ang tugon ko.

More Kimchi Please!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon