CHAPTER 7: The TROUBLE

Start from the beginning
                                    

"Tama na ah. Ganun din ang ginawa ko."


"Diba aakyat ka pa sana? Bakit di ka tumuloy? Nababading ka na no? MWAHAHAHA."

"Pwede ba. Nagulat lang ako.. Di ko akalaing may tao pa dito sa gantong oras.. kung tao ba talaga."


"Anong sabe---"

"Tara na! Let me send you home."

Ano daw?

Hahatid nya ko?

Taray b3h!


"A-akala ko ba ayaw mo kong iangkas sa motor mo? Mamamatay ka na ba? Ang baut mo eh!"

Kakaiba talaga sya ngayon.

"Bilisan mo na! Wag ka ng maginarte. 'di ka na dapat nagpapagabi. Saka paulan na oh?"

Naglakad na sya pababa.


Pagdating namin sa 1st floor merong ilaw.

"Ehem! Drew?"

"Anu yon?"



"Gusto ko sana itanong sayo kung........."



"Kung?"



"Kung ano tawag sa kambing na umuwi disoras ng gabi?!"



Sumimangot sya


"HAHAHAHAHAHA! Di mo alam no? Di mo alam??


Edi...

LaGOAT! Hahahaha! LAGOAT!!"

Teka? LaGOAT?!

pagtingin ko sa orasan

alas syete na!!!! 

Naku po!

LaGOAT ako sa nanay ko neto!

Kaya naman shakbo ever na ko!

"Wag mo na ko ihatid! May payong naman ako eh! Narealize ko din na inis ka pa pala saken kaya inis pa din ako sayo! Una na ko!"

napatigil ako...

"And one more thing! ang ganda nung katulong nyo! Pang model!"

At tuluyan na kong umalis.

DREW's POV

KATULONG?! MAGANDA?! eh isa lang katulong namin ah. 65 na si Manang Loring!

Sarcasm!

Saka hindi pa rin ba sya nakaka-move on dun sa sinabi ko?

Hindi naman talaga ako inis sa kanya eh


Nagkataong badtrip lang ako nun kasi galit nanaman sakin si Mommy

Di ko naman alam na dinibdib nya pala yun

Pero hindi obvious na inis sya saken ah.

Kung di pa nya sabihin, Di ko pa malalaman.

Tsk. Napaka-inosente talaga nun!


Tuluyan ng umulan...

Habang nagda-drive ako napatigil ako ng may biglang humarang sakin

dito sa may bandang liblib lang malapit sa school.

Madami eh.

Nakamotor lahat!


Nakapabilog sila sakin.



Tinanggal ko yung helmet ko para makita sila, pero sobrang lakas na ng ulan kaya hindi ko na din sila masyado makita.

May lumapit sakin.


"Gandang Harley nyan Brad ah. Race?"


No.


Hindi pwede. 

Lalo lang magagalit sakin si Mommy.



"Hindi na pre!,Kelangan ko ng umuwi eh."

"Panis pala to mga Brad eh."

Nagtawanan yung mga kasama nya.


May angkas pa silang mga babae.

Ini-start ko na agad yung engine ng may biglang pumukpok sa ulo ko na syang kinalaglag ko sa motor ko.

Tapos nakatanggap ako ng maraming suntok.


hindi na ko makatayo.


"T-teka Yung M-Motor ko."


Motor ni Dad


Hinang hina na ko

Ibinaba nila ko sa isang room eh.


Tadyak, suntok at sampal!


Binugbog nila ko ng sobra.

Alam kong di pa ko nakapikit pero ang dilim na.

Wala akong makita.


Pero ramdam kong marami silang bumubugbog sakin.

"Ano? Cool ka pa din ba sa palagay mo?!"


Tapos sinuntok nanaman nya ko.


"Tama na!"


Narinig kong may pumigil sa kanya.


Pamilyar yung boses na yun.


Pero sa sobrang pananakit sakin, di ko na maisip kung sino ba siya..


Sino nga ba sya?

*BLACK OUT.

----------------------------------------

Disembodied SoulWhere stories live. Discover now