Biglang naglikot ang mata nito pero bumalik din agad sa dati.
"Really Michelle? Ako, magseselos dahil sayo? ASA ka!"
"Asus, deny pa!"
"Shut up! Fine! Isipin mo na lang dyan si Sam!" sabay talikod sakin.
Tatayo na sana sya pero hinila ko sya paupo sa tabi ko.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw nya sakin.
"Ang selosa mo kasi baby. At hindi si Sam yung nasa isip ko. Yung masungit na babae na nakabangga ko non sa mall na hanggang ngayon ayaw umalis sa isip ko" nakangiting sabi ko sa kanya.
Bigla namang nagbago yung expression ng mukha nya. Parang namalik-mata pa nga ata ako kase parang nakita ko syang ngumiti.
"Bat mo naman iisipin yon? Eh diba nga sabi mo sinusungitan ka nya?" aha! Finiflirt ba nya ko? Kase kung oo hindi ko sya uurungan.
ASA ka Michelle!
"Ewan ko din eh. Basta alam ko, sya lang yung nagpapasaya sakin ngayon. Nakakalimutan ko lahat ng problema ko pag kasama ko sya. "
"Ah, pero wala kang pag-asa sa kanya diba?"
Nagkibit-balikat ako.
"Ok lang, hindi ko naman sya pinipilit na mahalin ako eh. Saka may ibang mahal na yon so ok na ko na magkaibigan na lang kaming dalawa. At isa pa, hindi yun magmamahal ng isang tulad ko."
Natahimik sya sa sinabi ko. Nakatingin lang sya sakin. Gustung-gusto kong basahin kung ano yung nasa isip nya ngayon pero blangko lang yung mga mata nya. Walang emosyon. Nakatingin lang kami sa isa't-isa.
Narinig kong huminga sya ng malalim bago nagsalita.
"Luto na yan, kain na tayo" sabi nito.
Tumango naman ako. Inilapag ko na yung isda sa dahon ng saging na kinuha nya kanina. Sinimulan nan yang kainin yung isda. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi kasi ako marunong kumain ng isda ng nakakamay lang. Oo na ako na maarte, pero hindi talaga ko marunong maghimay. Kaya nga hindi ako masyadong kumakain ng isda sa bahay eh.
Nakahalumbaba lang ako habang pinapanood syang kumain. Takang napatingin naman sya sakin.
"Akala ko ba gutom ka? Bat di ka pa kumakain?" tanong nya sakin.
Tiningnan ko lang sya at pagkatapos ay tumingin ako sa isda.
"Don't tell me hindi ka kumakain ng isda"
"K-kumakain ako pero..."
"Pero?"
"Hindi kasi ako marunong maghimay ng isda eh" nahihiyang sabi ko sa kanya.
Pumikit ako, alam kong sisigawan na naman nya ko at sasabihing wala talaga kong kwenta. Na paghihimay lang ng isda hindi pa ko marunong.
30 seconds, wala pa din? Nagmulat ako ng mata. Nagulat ako ng nasa tabi ko na sya at nakangiti. Kinuha din nya yung isda sakin at hinimay. Nagulat ako ng subuan nya ko. Hiyang-hiyang tinanggap ko naman. Gahd Cassy, ano ba tong ginagawa mo sakin? Ginagawa mo ba to para mas lalo akong ma-fall sayo? Kung oo, panalo ka na! Hulog na hulog na ko sayo!
"Ang cute mo" natatawang sabi nya.
Sinamaan ko sya ng tingin. Pinagtatawanan ba nya ko dahil hindi ako marunong kumain ng isda?
"Bat ka tumatawa?" nakasimangot na tanong ko dito. Pero kinakain ko pa rin yung mga hinimay nyang isda. Gutom ako eh.
"Natutuwa lang ako, kase tama pala si Pam. Hindi ka nga marunong sa mga bagay-bagay"
"Ha?"
"Nun kasing sinabi ko sa kanya na dadalhin nga namin kayo sa island, sabi nya papano kung hindi ka sanay na tumira dito sa island. Sabi ko kase, tingin ko naman sayo kaya mo. Ayun, mali pala ako."
Tumango-tango naman ako.
"Salamat ha!" sabi ko sa kanya sabay turo sa isda.
"Wala yon. Sige kumain ka na dyan kase mamaya itutour kita dito sa island."
Agad ko namang kinain yung isda. Paglingon ko sa kanya, nakatingin lang sya sakin habang nakangiti. Ngumiti din ako sa kanya bago nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos namin kumain ay agad akong niyaya ni Cassy sa may loob ng island. Medyo kabado pa rin ako kase ayoko talaga sa mga masusukal na lugar. Napansin yata ni Cassy na kinakabahan ako kaya hinawakan nya yung kamay ko.
"Akong bahala sayo" sabay kindat nya sakin.
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
"So anong tingin mo dito?" tanong nya sakin.
"Kahapon pagdating namin, napuntahan ko na yung kabilang side. Hindi sya kasing creepy ng daan dito. So nakapag-isa ako kahapon don."
"Mas gusto ko kasi dito eh. Meron akong secret place dito" nakangiting sabi nya.
Magsasalita pa sana ako ng makarinig ako ng lagaslas ng tubig. Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung lugar.
"Wow Cassy! Ang ganda naman dito! Ang ganda nung falls" manghang sabi ko dito.
"Buti naman nagustuhan mo. Nung bata ako, lagi ako dito lalo na pag nag-aaway sila mommy at daddy, or kapag malungkot ako" malungkot na sabi nya.
Agad ko namang pinisil yung kamay nya. Agad naman syang ngumiti sa akin.
"So Michelle, tutal friends na naman tayo, baka gusto mong magkwento ng kahit ano" sabay upo nya sa damuhan. Hindi pa rin nya binibitawan yung kamay ko.
Umupo naman ako sa tabi nya.
"Hmmm, never pa ko nagkaron ng girlfriend. Flings, madami yan, pero walang seryoso. Boyfriend, nagkaron na ko dati pero wala namang nangyari kasi nga wala naman talaga spark o magic na naramdaman sa kanya. First love ko si Sam pero nung sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko, iniwasan nya ko. Tapos nalaman ko na lang na sila na ni Kuya JP. Nasaktan ako pero wala naman akong magagawa eh. Pinamukha nya sakin non na kahit kelan hinding-hindi nya ko mamahalin ng higit pa sa isang kaibigan. Ngayon na nga lang ulit kami naging close ulit. Medyo nakakamove-on na rin kase ko. Ayoko kasing ipilit yung sarili ko sa taong ayaw naman sakin." napansin kong nakatitig lang sya sakin. bumilis na naman yung tibok ng puso ko pero hindi ako nagpahalata sa kanya. "Eh ikaw, kamusta lovelife mo?" tanong ko sa kanya.
"Ako? kung anong ikinagaling ko sa pagmamatchmake, ganun naman kawalang kwenta yung lovelife ko. Yung 1st boyfriend ko playboy, habang kaming dalawa, kung kani-kanino nakikipag one night stand, tapos yung pangalawa naman kakabreak lang namin, mama's boy naman. Everytime may date kami or may pupuntahan tapos biglang tatawag yung mama nya, iiwan na lang ako ng basta-basta. Akala nilang lahat ang perfect-perfect ng buhay ko. Hindi nila alam, hindi ko pa nakikita yung taong magpapasaya sakin"
"Nandyan na si Rex diba?" nakangiting sabi ko. Pero deep inside umaasa ako na sasabihin nyang hindi naman nya talaga gusto si Rex.
"Yeah, yung first love ko. And one true love" nakangiting sabi nya.
OUCH!!! Ang sakit naman non. Pero alam kong wala akong karapatan.
"Ahm, lika na Cassy? Baka kasi nandyan na yung susundo satin" sabi ko na lang sa kanya at agad tumayo. Bumitaw na rin ako sa pagkakahawak nya.
Agad naman itong sumunod sa akin. Tahimik lang kami habang pabalik sa tent. Nagulat na lng ako ng makitang may mga tao na sa may tent at may nakaayos na dinner table.
"Michelle!" narinig kong tawag sakin.
Paglingon ko, niyakap agad ako ni Joel. Napalingon agad ako kay Cassy. Dere-derecho lang syang lumapit kila Pam.
Oh well, ano pa nga bang ineexpect ko? Na magseselos sya?
Never gonna happen Michelle. As in never!
BINABASA MO ANG
Fall for me Ms. Matchmaker
RomanceSiya si Cassandra 'Cassy' Reyes, ang pinakasikat na matchmaker sa Pilipinas. Binabayaran sya para magkatuluyan ang dalawang tao. Kahit kailan, never pa syang pumalpak sa pagmamatchmake. Close to perfection, ganyan sya i-describe ng mga nakakakilala...
Chapter 13
Magsimula sa umpisa