['Fine! Pero wala na yung ano ha.']
Gusto kong matawa dahil sa sinabi nyang 'ANO' di nya kasi masabi ng deretso.
"Ok bye!"
***
Pagdating ko sa bahay, pinasok ko agad yung kwarto ni kuya tska kinuha yung susi ni Mackey. Pagkatapos pumunta ako ng kwarto ko para magbihis.
Ang suot ko??
T-shirt na black na may naka-print na Suga then yung number nya na 93.
Medyo maluwag na ripped jeans na tapos sinuot ko yung favorite cap ko na may naka-print na BTS. Nga pala, Im an ARMY just so you know. Haha!
(A/N: Hi nga pala sa mga ARMY jan. BTS forever tayo diba? Haha! ^____^)
***
"OMG! Aekho, we missed you so much! Bat ka pa kasi nagtransfer." kunwari naiiyak na sabi ni Dianne habang yakap ako. Abnormal. Haha!
"Heh! If I know gustung-gusto mo akong magtransfer kasi wala ng mambabawal sayong manlalaki!" sabi ko naman pero ang loka nag-pout pa.
"Yah! You're so mean to me. It seems like Im not your bestfriend." tapos tumalikod sya na parang nagtatampo pa. Sus, mga arte ng babaeng 'to.
"Pag hindi ka lumapit dito paninindigan ko talaga yang 'It seems like Im not your bestfriend' kunno mo!" agad naman syang humarap tska tumakbo palapit sakin tska ako niyakap ulit.
"Nooo! Nagjo-joke lang naman ako eh. Pero seryoso I really missed you." ngumiti sya sakin.
"Syempre namiss ko din kayo noh." sabi ko sabay tawa.
"I know right. Hahaha!" sabi din naman ni Dianne.
She's Dianne Angelie Williams, bestfriend ko since elementary. Maganda, sexy, matalino, talented pero playgirl.
Dati nung hindi pa ako nagtransfer ng school, every week iba iba ang boyfriend. Tapos ang idadahilan pa nya sakin, 'Buti nga ako every week yung iba, days, hours at minutes pa.' Oh diba gandang dahilan. Tapos tinatakot ko pa sya na magkaka-roon din sya katapat. Pero alam nyo ang sabi?
'Ang ganda ko talaga!' Anong connect di ba?
"Pero yung isa jan parang hindi ako namiss." pagpaparinig ko kay Erica.
Napakamot na lang sya ng ulo sabay lapit sakin.
"Miss you!" sabay yakap sakin. Ganyan yan eh, kahit kami ang kasama hindi man lang nagsasalita ng mahaba. Lalo na pag-iba kausap nyan. Ang sagot lang nga, 'k' 'yeah' o di kaya tatango o iiling. Sarap nyang kausap promise.
"Aww, nakaka-overwhelmed naman yung sinabi mo Erica. Na-touch ako, I missed you too." sabay yakap ko din sa kanya.
"I know." kita nyo? Kung hindi ko lang 'to bestfriend kanina pa ako naiinis eh. Kung gaano kadaldal si Dianne ganon naman ang katahimik nya.
Nga pala, her name is Erica Jane Lopez. Naging nas huli namin syang naging bestfriend kasi galing sya noon ng America. Doon sya nag-aral ng elementary. Pero ewan ko ba, minsan lang sya mag-english di tulad ni Dianne. Mas mahal nya daw ang wikang Pilipino. Naks! Makabayan! Hahaha.
Pero maniwala man kayo oh hindi, pagdating sa mga hayop mapa-ipis, daga o kahit anong klaseng insekto at hayop pa yan, nagiging madaldal. Animal lover kai sya.
Nung time nga na nagulat si Dianne kasi may kumapit na grasshopper sa damit nya, biglang pinalo-palo ni Dianne yung grasshopper tapos accidentally natapakan nya ito kaya yun, patay yung grasshopper. Ng malaman ni Erica yung nangyari, halos isumpa nya si Dianne. Sabihin ba naman kay Dianne na,
'Walang hiya ka! Killer! Pano na pag may anak na pala sya? Edi kawawa yung mga anak! At mapapano naman yung mga anak? Edi mamamatay na din! Di ka nag-iisip! Wala kang puso! Kahit sabihin natin na may tatay pa sila. Malay mo nambabae, edi wala din.'
PFFFT! OA diba? At ano? Nambabae yung tatay nung mga anak? Hahaha, san nya napulot yun? Pero in all fairness, ang haba ng sinabi nya diba? Maganda din si Erica, sexy at matalino. Syempre, talented din noh!
"So, maiba ako. Why are you here?" tanong ni Dianne.
"So ayaw mong nandito ako? Ok, aalis na lang ako. Nagtransfer lang ako ng school ayaw nyo na sakin?" akmang aalis na ako ng biglang tumawa si Erica.
"OA mo." Erica.
Haysss! Kabanas naman ng babeng 'to.
"Ok, di na ako aalis basta i-promise mo sakin na magsasalita ka ng mahaba." ngumiti ako.
"Ok, just leave then."
TOINKS! Kala nyo papayag no? Asa pa, ganyan naman yan lagi.
***
After naming magkwentuhan ng kung anu-ano, nagpa-alam na rin ako sa kanila kasi kanina pa tumatawag sakin si kuya. Magtu- 12 midnight na kasi. Galing no? Natiis kong makipagkwentuhan sa kanila lalong-lalo na si Erica ng ganon katagal. Hahaha. Nai-kwento ko rin pala yung nangyari kanina sa school ayun, tawa ng tawa si Dianne. Si Erica naman, pinagalitan pa ako. Ganyan yan eh.
"So, guys! See you again next week I guess? hahah!" Yeah! Every week lang ako nakakadalaw sa kabila magmula nung inayos namin ni kuya yung requirements ko. Nga pala, schoolmates kami ni kuya. Pareho kaming gr10 pero hindi kami magka-klase kahit anong subjects kasi, .EWAN! hahaha.
"Ingat!" tipid talaga.
"Ingat ka Aekho, see you tomorrow! Hahaha!" tapos pumasok na sila sa loob.
Wait!
WHAT!?
A-anong see you tomorrow?
****
Wuhooo! hope you like my update.
Dont forget to vote and comment.
Thank you!
~christynejhoy~
Chapter 2: Aekho's Bestfriends
Magsimula sa umpisa