"But you're in a fancy restaurant, hija. You shouldn't be wearing like that. You should wear a beautiful evening dress just like your Mom. Put accessories too and not some boyish style watch. You looked pale. Matuto kang mag make up."

Napatungo nalang ako at pinasadahan ng tingin ang suot ko. My Lola looks dashing in her color navy blue princess scoop neck tea length chiffon dress with matching of her silver spring stilettos.

Hindi ko maintindihan why do I need to be like my Mother? I don't want to be like her. 

"Cristina, wife..." Hinimas ni Lolo ang likod ni Lola kaya't napabaling ito ng tingin sakanyang asawa. "Let her body decide what she wants to wear. She looked fantastic on her ripped jeans!" Nakangiting sabi ni Lolo at itinuro ang ripped jeans ko habang nakatingin saakin.

Si Lolo lang talaga ang kayang mag tanggol saakin sa tuwing pinupuna ako ni Lola. I smiled at him bago umupo.

The dinner was served and we started eating. Nag uusap usap sila about business kaya't ginawa ko nalang busy ang sarili ko sa pagkain. 

Hindi ko rin naman kasi sila maintindihan at wala din akong balak makisali sa usapan nila. More on sa trabaho ni Mommy sa ospital hanggang sa mapunta ang pag uusap nila sa pag aaral ko. It makes me sick hearing those words all the time kay Lola telling na...

"Mikee, you should be like your Mom. She's successful now. Malay mo after a year, your Mother has her own hospital."

Ano naman kung mag karoon siya ng sarili niyang ospital? Edi mas lalo lang hindi ko na nakita si Mommy dahil sa sobrang busy niya na parang bahay niya na 'yung ospital.

"By the way, what are you taking now, Mikee?" Grandpa asked as he wipe the sides of his lips using a table napkin. Napatingin ako sakanya at binitawan muna ang hawak kong kubyertos.

"Business Management po." Sagot ko at tumigil muna sa pagkain.

"Oh, that's great! After you graduate you can be a part of my company. I'm sure you'll do great on your job in the near future. I will soon give your reward kaya't pag butihan mo!" Maligalig na sabi ng matanda at nag tinginan sila nila Mommy at Lola kaya't napangiti nalang din ako.

Lolo supports me all the time. Kahit anong desisyon ko ay palagi lang siyang sumasang-ayon na para bang mas mabuti nalang maging suportado kaysa ang paulit ulit na husgahan ang ginagawa ko. 

Pakiramdam ko ay palagi lang siyang nasa likod ko para gabayan at pangaralan ako sa bawat hakbang na gagawin ko sa buhay ko and I think, I'm in the right path...

I think?

Itinuloy ko ang pag kain ko pero bigla ulit nag salita si Lola.

"Why don't you take medicine?" Lola said without looking at me as she cuts her steak with a knife.

"You know she can't do it, Ma. Ilang beses ko na nga iyan ipinasok sa med-school, pero wala talaga. Nasasayang lang ang pera." Mariin akong napahawak sa knife ng marinig ko iyon kay Mommy.

Bakit pa kasi niya ako pinag aaral eh alam naman niyang wala ako sa wisyo mag-aral. Business Management? Pinili ko lang 'yan dahil 'yan ang pinili ng mga kaibigan ko. Kaya nga lagi akong nagcu-cutting at hindi nag papasok sa school dahil hindi ko naman alam ang pinagsasabi ng prof sa harapan.

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon