"Anyway, I'm Levi," sabi ng lalaki na may mahabang buhok. Hanggang balikat iyon.
"I'm Judah," pakilala naman ng isang semi-kalbo ang buhok.
"I'm Zebulon, but you can call me Zeb," sabi naman ng isang pinakamaputi sa tatlo.
"Anak ba kayo ni Jacob?" pagbibiro niya. "Iyong mga pangalan n'yo lahat galing sa Bibliya pati na ang lolo n'yo."
"Oo. Ang lola namin ang nagbigay ng pangalan na 'yon sa amin. Our father's name is Jacob, actually," tugon ni Levi.
"Ang galing naman." Lumagpas ang tingin ni Joy sa tatlo patungo sa yate. "Sa inyo ba iyong yate? Ang ganda-ganda."
Nilinga ng tatlo ang yate saka muling ibinalik sa kanya ang tingin. "For us. Binili ni Lolo para sa amin," sagot ni Judah.
"Kaya Rivaz Brothers ang nakalagay na pangalan."
"Ano ang pakiramdam kapag sakay ng yate? Nakakahilo ba kaysa sa bangkang de-sagwan at de-motor?"
"Hindi naman. You want to try?"
"Wala naman kaming yate." Nilaro ni Joy ang sariling mga daliri. Pinagkiskis ang mga kuko.
"Sa yate namin. Halika, sumama ka," yaya ni Judah.
Suminghap si Joy. "Talaga ba?" Napatawa ang tatlo sa nakitang excitement ni Joy na iwinagwag pa ang kamay sa ere.
"Kaso lang baka mapagalitan ako nina Lola't Lolo." Nilinga ni Joy ang bahay. Wala naman ang lolo't lola niya sa bahay. Maagang umalis para magbenta ng isda sa Burgos. Ayaw naman siyang payagan kasing magbenta ng mga ito. Magaling naman siyang magbilang ng pera.
"Saglit lang. Ibabalik ka na lang namin. Dito lang din ang yate. Hindi aalis," pangungumbinsi sa kanya ni Levi.
Muling nilinga ni Joy ang bahay. Kinagat niya ang dugtungan ng hintuturo saka iwinagwag ang kamay. "Sige na nga! Pero saglit lang, a? Ibabalik n'yo ako rito."
"Kami ang bahala. Halika na."
Bumaling si Joy kay Bulig. Lumuhod sa harapan ng alaga at inilapat ang kamay sa ibabaw ng ulo nito. "Dito ka lang. Huwag kang makulit. Sasaglit lang ako." Tumugon naman si Bulig ng "oink oink."
"Mahusay at naiintindihan mo ako." Muling tumayo si Joy. Pinagpagpag ang buhangin na nasa duster. Sa pagbaling niya sa tatlong lalaki ay pawang nakaawang ang bibig habang nakatingin sa baboy ramo.
"Is that your pet?" tanong ni Levi.
"Oo."
"I love baboy ramo. It's delicious," ani Judah. "Roasted wild boar with sage and honey is a perfect recipe for that," dagdag pa nito.
Hindi makapaniwala si Joy sa naririnig. Hindi niya lubos maunawaan ang lahat ng pinagsasabi ni Judah, pero sigurado siyang kumakain ito ng kauri ni Bulig.
"Hindi n'yo dapat kinakain ang kauri ni Bulig. Ang sasama n'yo!" Nag-init ang kanyang mga mata. Gusto niyang maiyak sa mga narinig. "Masasama kayo!"
"Hey! Hindi . . . ano lang."
"Hindi na ako sasama sa inyo. Ayokong makipagkaibigan sa mga mamamatay baboy ramo!"
"Hey! I'm not a baboy ramo killer. I don't eat wild boar. Si Judah lang 'yon," depensa ni Levi.
"You cook it, fucker! Ako ang kumakain pero ikaw ang nagluluto," asik ni Judah kay Levi. Hindi makapaniwala si Joy sa mga naririnig. Paanong nagagawa ng mga itong pumatay at kumain ng cute na baboy ramo?
BINABASA MO ANG
Longing for Innocence
RomanceAfter meeting in the most unexpected way, David Rivas falls for Joy Llego, the jolly and naïve island girl from Siargao. But when circumstances seem to break them apart, can their love be enough to overcome it all? *** Growing up on an island with h...
Chapter 2
Magsimula sa umpisa