Nakikita ko kay Fayce ang determinado niyang mailigtas kami sa game na ito. Ibang Fayce ang nakikita ko. Sa nakikita ko ngayon hindi siya si Fayce na maloko, laging nagmumura at laging aborido. Ibang iba ang Fayce na nakikita ko ngayon.
Tumahimik kaming lahat dahil sa sinabi niya. Alam naming seryoso siya.
Nang matanaw ko sina Ivan, Lincoln, Amchel at Joaqui na may dala-dalang tray na puno nang pagkain, biglang kumulo ang tiyan ko. Nagugutom na ako!
Nilapag nila ang apat na tray na puno ng pagkain. Hhhmmmm....ang bango. Mukhang masarap 'to ha.
Kanya-kanya kami ng kuha. Walang nagsasalita sa amin. Lahat kami paniguradong gutom. Ikaw ba namang hindi magugutom, dalawang laro na ang nilaro namin.
"Pare, saan nyo nga pala nakuha 'tong mga pagkain?" tanong ng isa naming lalaking schoolmates - si Rowell.
Oo nga nuh? Saan nila 'to nakuha? 'Wag mong sabihin niluto nila 'to? Hindi naman marunong magluto sina Ivan at Lincoln. Itlog na nga lang nasusunog pa nila eh.
Nakatingin kami sa kanila at hinihintay ang magiging sagot nino man sa kanila.
Nagkibit-balikat si Lincoln sa amin. Maski ang dalawa ay tinuro si Ivan. Oh no! Don't tell me luto to ni Ivan? Gosh!
"Dito namin nakuha ang mga 'yan. Kung tatanungin niyo kung bakit may mga pagkain na nakaluto? 'Wag nyo na tanungin, hindi ko rin alam ang sagot. Basta may nakain na tayo. 'Wag niyo ako tanungin kung may lason niyan..." sa sinabi niya n'yon, gusto kong isuka n'yong mga kinain ko. "Tinignan na namin kung may lason ba ang mga niyan, wala naman sabi ni Amchel. Kaya natagalan kami dahil sa ugok na 'to. Nag-science pa sa kusina. Tss." dugto na sabi ni Ivan. Sabay subo ng pagkain niya.
Sa sinabi niya 'yon nakahinga ako ng matiwasay, hindi lang pala ako maski kaming mga natira kanina dito.
* * * * *
"Lincoln, Debra, Ivan, Roswell at Ria, Kayo ang pupunta sa Clinic ng school. Kumuha kayo ng mapapakinabangan natin doon." tumango kami sa sinabi ni Fayce.Kagaya ng napag-usapan kanina, ito ang pinag-uusapan namin. 'Yon nga lang nadagdag ang pagpunta namin sa clinic dahil sa suggestion ni Lincoln.
"Gino, Amchel, Jinky, Ryan at Dave, kayo ang pumunta sa president office. Maghanap kayo ng mga papeles o kahit ano na bagay na tungkol sa larong 'to!"
"Kami naman nina Faye, Rey, Joaqui at Dustin, ang pupunta sa archery club." Dapat talaga sila nyong pupunta sa archery club, si Dustin ay isa sa mga member ng club na n'yon, kaya alam niya kung nasaan ang mga gamit nila.
"Saan tayo magkikita kita, Fayce?" tanong ni Ryan.
"Kung saan gaganapin ang next game natin, doon na tayo magkita kita."
Tumaas bigla nyong mga balahibo ko. Ayan naman. Ayoko talaga naririnig ang next game na 'yan. Para tuloy akong nagkaroon ng phobia.
"Tara na Debra! May 25 mins na lang tayo bago magsimula ang demonyong larong 'to!" hila sa akin ni Ivan.
Tumatakbo na kami ngayon papunta sa clinic.
Malapit na kami sa clinic ng magsalita si Ria."Gosh! Wait lang naman, bakit ba tayo tumatakbo?" maarteng tanong ni Ria sa amin.
"Gosh! Kasi kung hindi tayo tatakbo. Mauubos n'yong oras natin. Oh my gosh!" Panggagaya ni Lincoln sa boses ni Ria, habang nagpapaypay gamit ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Abaddon School (Part 1&2)
Mystery / ThrillerAbaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (Part 3) - Soon Best in Horror - WritersPh Rank #50 in Horror Genre (7.23.18) Rank #1 in Dead Rank #20 in Suspense Isang school ang kanilan...
Abaddon School Part 1.8
Magsimula sa umpisa