CHAPTER 10: Naughty

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tsk tsk, mga kabataan talaga ngayon. Gwapo nga bading naman pala."

"Tsk tsk walang bayag pre hahahaha."

"Nagpabuntis kasi sa gwapo yan tuloy. Bading pala walang paninindigan."


Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka dead on the spot nako. Pero no way! Tuloy padin ako sa pag iyak hanggang sa hilahin ako ni Gin palayo sa kinatatayuan namin.

Dahan dahang itinaas ni Gin ang polo nya at pasimpleng ipinapasilip sakin ang- ang d-dala nyang baril.

punyeta hanggang dito ba naman, diba may kapkapan sa entrance? P-paanong??

Di naman nya siguro ko papatayin sa public diba?



Naramdaman ko ang kamay ni Gin na umakbay sa balikat ko habang papasok kami ng Mcdonalds. "Enjoy your lunch, bitch. Who knows? This can be your last."

-

"Eto nalang kase panuodin natin! Maganda to! Pramis" sinserong sabi ko habang nakataas pa ang kanang kamay.


*glares*


"No. Stop it kid, let's go home then." ano bayan! Ang saya saya kona kase pumayag syang mag movie muna tapos ganito naman pala

Kanina pa kami nandito ni Gin sa labas ng sinehan ayaw nya kasing pumayag na panuodin namin itong bagong movie ng disney. Tyak madami tong lessons, para naman mabawasan level ng beastiness nya. Beastiness?!

"There's no fucking way in this fucking cinema that i will watch that goddamn cartoon!" grabe naman to. Kahit kelan talaga halimaw tsk hindi na nahiya sa mga nakakarinig. Ako ang nahihiya e.

Napailing nalang ako.

"A-ah ganoon ba?" mahinang sabi ko at saka yumuko.



"Dammit! Fine lets watch that fucking movie."

"Immature bastard." ikaw nga halimaw e.

Tumingin ako kay Gin at alam kong kaunti nalang e mamamaril na to. Seryoso na kasi ang muka nya at parang badtrip na, wala naman palang bago don. Pero infairness ah gwapo pa din. Naka navy blue syang polo na may design na feather feather tapos mejo messy na din ang buhok nya na bagay naman at yubg mata nya talaga. Muka syang panda sa dilim ng paligid ng mata nya.

Pero nevermind! Yey! Mapapanood konaaaaa. Naglakad na kami papasok ng sinehan, dramarama lang pala kailangan e sana pala pag akyat naming escalator umiyak nako.

Pagkapasok ay sa taas kami pumwesto para hindi masakit sa mata. Muntik pakong madapa dahil ang lintik na Gin hindi man lang ako tinulungan mag buhat ng mga snacks namin. Yeah, chivalry is dead. How i wish i can punch him straight to his face. Ugh

"Dito nalang" sabi ko at saka naupo, ganoon din si Gin na ngayon ay apura na kutingting ng cellphone.

Oonga pala, he's a busy person. Mukang balak nya mag trabaho kahit nandito sa sinehan.

----

"Kid"


"Tanda."


*death glare*

"Tsk, chew that corn silently." Seryosong  sabi nya. Tss ang bossy

Nangangalahati na yung movie at nangangalahati na din yung ikaapat na bucket ng popcorn ko.

At-at parang mauutot ata ako.

Nararamdaman kona.

"Tanda. Ayan na"

"Huh?" takang tanong ni Gin, pero ang pinagtataka ko e ba't pati yung ibang nanunuod e tumingin din naaamoy naba nila wala pa naman e.

"Uuuggghhh Ggiinn ayaaan naaa." urrrggghhh Clara ano ba! Baka magkalat kapa ng jackpot dito. Napahawak na ko sa sleeves ng polo nya.

"What the fuck are you saying!?"

"Ay ano bayan! Ang laswa naman."  anong problema nun. Lumipat sya ng upuan kasama yung anak nya. Tapos yung iba naman ay palihim na tumitingin

Ha? Dapat ba lumabas ako? Wala namang amoy utot ko e.

"Giiinnn ayaan na talaga--"

"What the fuck Clara!"

*PRRRROOOOOT*

"HAHAHAHAHAHAHAHAHHA WALANG AMOY YON AH!" Tawa ko na sinundan ng mga tawa ng bata na nakadinig.

Laughtrip din yung mga parents na nakadinig sakin kanina. Syempre pwera lang kay Gin.

"DANG! LETS FUCKING GO HOME."

I Married The Big Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon