42- The Monster

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano?! Bakit ako?!"

"Ikaw ang huling naka-usap ni Wayo at sinabi sakin ng mga katulong na pinagbantaan mo ang buhay nya."

"Nababaliw ka na ba Ming? Bitiwan nyo ko!" hindi tumitigil si Pring sa pag pupumiglas.

"Hindi ka nila bibitiwan hanggang 'di mo inaamin na may alam ka sa pagkawala ni Wayo. Nasaan yung mga CCTV footages noong araw na nag-away kayo? 

"Wala akong alam. Bakit hindi si Oreo ang tanungin mo? Sya ang kumuha sa katawan ni Wayo."

"Katawan?! Anong ibig mong sabihin?" hindi ko ma-absorb ang mga sinabi ni Pring.

"Pinukpok ni Oreo ng flower vase ang ulo ni Wayo noong nag-aaway kami. Nawalan ng malay si Wayo dahil don."

Natulala ako sa mga sinabi ni Pring.

"Hindi magagawa ni Oreo yun kay Wayo." napapa-iling pa ako habang nagsasalita.

"Come on Ming, wag mong lokohin ang sarili mo. Alam nating pareho ang pagkatao ng anak natin."

"Magaling na si Oreo!!" sigaw ko sa kanya.

"Gumaling? Oo, pero hindi ibig sabihin non ay 'di na pwedeng bumalik lalo na't involved nanaman si Wayo.  Noong nakaraan lang dinurog ni Oreo ang mga kamao nya, hindi pa ba sapat na clue yun? Nababaliw nanaman si Oreo."

Napakunot ako ng noo dahil sa mga sinabi ni Pring.

"Pring hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo!? Anak mo ang sinasabihan mong baliw!" sigaw ko sa kanya.

"Kilabutan? Nagpapatawa ka ba Ming? Kayo ang kilabutan ni Wayo sa mga ginagawa nyo. Wala kayong konsiderasyon sa nararamdaman ni Oreo!"

Now that shuts me up.

Guilty ako sa mga sinabi ni Pring.

"Oh ano Ming? Hindi ka makasalita ngayon? Nagtiwala si Oreo sa mga pangako mong idi-divorce mo na si Wayo. Pero anong ginawa mo? Nakita lahat ni Oreo ang mga ginawa nyo ni Wayo sa Paris! Dinurog mo ang puso ng sarili mong anak! Kung may dapat mang sisihin sa pagbabalik ng violent tendencies ni Oreo ay ikaw yon!"

Mas lalo na akong hindi nakapag-salita.

Tama si Pring. Napakasama kong ama kay Oreo.

"Bitiwan nyo na ko!" sigaw ulit ni Pring.

"Bitiwan nyo na sya...." malumanay kong utos sa mga guards.

Sinunod naman nila ako kaagad.

"Kung ako sayo Ming, hahanapin ko kaagad kung nasaan si Wayo at Oreo ngayon bago pa mahuli ang lahat."  naglakad na paalis si Pring.

Napa-upo naman ako sa sofa at napasalo na lang ng ulo.

Kinakain na ako ng takot ko ngayon.

Hindi mawala sa isip ko yung itsura ng college classmate ni Oreo na muntikan na nyang mapatay noon.

Si Wayo rin ang dahilan kaya nya nagawa yun.

Pinagkalat kasi ng classmate nya ang video ni Wayo at Joss. Kaya ayun, binugbog sya ni Oreo hanggang mabasag ang mukha nya.

Ganon ka-sensitive si Oreo kapag si Wayo ang involve.

Umabot nga sa point na nagkaroon sya ng violent tendencies.

Pina-rehab at gumaling na si Oreo noon sa sakit nyang yun pero hindi pa rin talaga mawala ang kaba ko.

Paano kung totoo ang sinabi ni Pring na bumalik nga nanaman ang bayolenteng persona ng anak ko?

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon